Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Hukom 5

Mga Hukom Rango:

11
Mga Konsepto ng TaludtodLandas na DaraananKalsadaManlalakbayWalang Lamang mga BagayKarabanaTrahedya sa KalyeLandas na Daraanan, Mga

Sa mga kaarawan ni Samgar na anak ni Anat, Sa mga kaarawan ni Jael, ang mga paglalakbay ay naglikat, At ang mga manglalakbay ay bumagtas sa mga lihis na landas.

48
Mga Konsepto ng TaludtodDeborahNayonEspirituwal Ina, Mga

Ang mga pinuno ay naglikat sa Israel, sila'y naglikat, Hanggang sa akong si Debora, ay bumangon, Na ako'y bumangon na isang ina sa Israel.

70
Mga Konsepto ng TaludtodApatnapung Libo at Higit paWalang Tulong mula sa Ibang mga DiyosPagkukusa

Sila'y nagsipili ng mga bagong dios; Nang magkagayo'y nagkaroon ng digma sa mga pintuang-bayan: May nakita kayang kalasag o sibat sa apat na pung libo sa Israel?

106
Mga Konsepto ng TaludtodDeborahMga Taong NagkukusaPagkukusa

Ang aking puso ay nasa mga gobernador sa Israel, Na nagsihandog na kusa sa bayan; Purihin ninyo ang Panginoon!

132
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Katuwiran ngTinig, MgaNakatayo sa Pasukan

Malayo sa ingay ng mga manghuhutok, sa mga dakong igiban ng tubig, Doon sila magpapanibagong magsanay sa mga matuwid na gawa ng Panginoon, Ng mga matuwid na gawa ng kaniyang pagpupuno sa Israel. Bumaba nga ang bayan ng Panginoon sa mga pintuang-bayan.

135
Mga Konsepto ng TaludtodAsnoLikodKalsadaPaglalakadManlalakbayPagkukusa

Saysayin ninyo, ninyong mga nakasakay sa mapuputing asno, Ninyong nangakaupo sa maiinam na latag, At ninyong nangagsisilakad sa daan.

161
Mga Konsepto ng TaludtodGumising!

Gumising ka, gumising ka, Debora; gumising ka, gumising ka, bumigkas ka ng awit: Bumangon ka, Barac, at ihatid mo ang iyong mga bihag, ikaw na anak ni Abinoam.

177
Mga Konsepto ng TaludtodMga KapitanAntasUgatTungkod

Sa Ephraim nangagmula silang nasa Amalec ang ugat; Sa likuran mo, ay ang Benjamin, na kasama ng iyong mga bayan; Sa Machir nangagmula ang mga gobernador, At sa Zabulon yaong nangaghahawak ng tungkod ng pagpupuno.

190
Mga Konsepto ng TaludtodYaong Umaawit ng PapuriPagkukusa

Nang magkagayo'y umawit si Debora at si Barac na anak ni Abinoam nang araw na yaon, na sinasabi,

191
Mga Konsepto ng TaludtodPrinsipe, MgaAntas

At ang mga prinsipe sa Issachar ay kasama ni Debora; Na kung paano si Issachar ay gayon si Barac, Sa libis nagsisubasob sa kaniyang paanan. Sa tabi ng mga agusan ng tubig ng Ruben ay nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso.

198
Mga Konsepto ng TaludtodMararangal na TaoNakaligtas sa mga Bansa, MgaPamamahala

Nagsibaba nga ang nalabi sa mga mahal, at ang bayan; Ang Panginoon ay bumaba dahil sa akin laban sa mga makapangyarihan.

210
Mga Konsepto ng TaludtodLiwaywayDeborahTanghaliAng Bilang Apatnapu40 hanggang 50 mga taonKaaway ng DiyosPanahon ng KapayapaanPagibig at LakasArawKapayapaan at LakasKrusada

Gayon malipol ang lahat ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon: Nguni't yaong mga umiibig sa kaniya ay maging parang araw pagka lumalabas sa kaniyang kalakasan. At ang lupain ay nagpahinga na apat na pung taon.

221
Mga Konsepto ng TaludtodUlap, Likas na Gamit ng mgaTubigDiyos na Nagyayanig sa DaigdigDiyos na Naghatid ng Ulan

Panginoon, nang ikaw ay lumabas sa Seir, Nang ikaw ay yumaon mula sa bukid ng Edom, Ang lupa'y nayanig, ang langit naman ay pumatak, Oo, ang mga alapaap ay nagpatak ng tubig.

222
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay ng SariliMga Taong NauunaPurihin ang Diyosl sa Kanyang PagpapalaPagkukusa

Sapagka't namatnubay ang mga tagapatnubay sa Israel, Sapagka't ang bayan ay humandog na kusa, Purihin ninyo ang Panginoon.

232
Mga Konsepto ng TaludtodMandaragatBarko, MgaDalampasiganLampas sa JordanRuben Gad at Kalahating Manases

Ang Galaad ay tumahan sa dako roon ng Jordan: At ang Dan, bakit siya'y natira sa mga sasakyan sa tubig? Ang Aser ay nanatili sa mga baybayin ng dagat, At nanahan sa kaniyang mga daong.

233
Mga Konsepto ng TaludtodPagsalungat sa Kasalanan at KasamaanAnghel, Ministeryo sa mga Di-Mananampalataya ng mgaSinusumpa ang Di-MatuwidWalang TulongSumpa

Sumpain ninyo si Meroz, sabi ng anghel ng Panginoon, Sumpain ninyo ng kapaitpaitan ang mga tagaroon sa kaniya; Sapagka't sila'y hindi naparoon na tumulong sa Panginoon, Na tumulong sa Panginoon, laban sa mga makapangyarihan.

246
Mga Konsepto ng TaludtodMaringal na KababaihanPinagpala ng DiyosPagpapala sa Iba

Pagpalain sa lahat ng babae si Jael, Ang asawa ni Heber na Cineo, Pagpalain siya sa lahat ng babae sa tolda.

254
Mga Konsepto ng TaludtodTupa, Kawan ng mga

Bakit ka nakaupo sa gitna ng mga kulungan ng tupa, Upang makinig ba ng mga tawag sa mga kawan? Sa agusan ng tubig ng Ruben Nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso.

272

Ang mga bituin ay nakipaglaban mula sa langit, Sa kanilang paglakad sila'y nakipaglaban kay Sisara.

274
Mga Konsepto ng TaludtodArmagedonMegidoHentil na mga Tagapamahala

Ang mga hari ay nagsiparito at nagsilaban; Nang magkagayo'y nagsilaban ang mga hari ng Canaan, Sa Taanach na nasa tabi ng tubig sa Megiddo: Sila'y hindi nagdala ng mga pakinabang na salapi.

280
Mga Konsepto ng TaludtodKatapangan, Halimbawa ngBuhay na HinahamakPanganib, Nilalagay sa

Ang Zabulon ay isang bayan na isinapanganib ang kanilang buhay sa ikamamatay, At ang Nephtali, ay sa matataas na dako ng bukiran.

289
Mga Konsepto ng TaludtodMantikilyaMararangal na TaoTubigInumin, Literal naMayamang Pagkain

Siya'y humingi ng tubig, at binigyan niya ng gatas; Kaniyang binigyan siya ng mantekilya sa pinggang mahal.

290
Mga Konsepto ng TaludtodIlog at Sapa, MgaPaninindiganIlog Kison

Tinangay sila ng ilog Cison, Ng matandang ilog na yaon, ng ilog Cison. Oh kaluluwa ko, lumakad kang may lakas.

303
Mga Konsepto ng TaludtodPapuriMusikaPagkukusa

Dinggin ninyo, Oh ninyong mga hari; pakinggan ninyo, Oh ninyong mga prinsipe; Ako, ako'y aawit sa Panginoon, Ako'y aawit ng pagpupuri sa Panginoon, na Dios ng Israel.

309
Mga Konsepto ng TaludtodTelaPagbuburdaSamsam sa DigmaanHinati ang mga Samsam

Hindi ba sila nakasumpong, hindi ba nila binahagi ang samsam? Isang dalaga, dalawang dalaga sa bawa't lalake; Kay Sisara ay samsam na damit na may sarisaring kulay, Samsam na sarisaring kulay ang pagkaburda, Na sarisaring kulay, na burda sa dalawang tagiliran, Na suot sa leeg ng mga bihag?

321
Mga Konsepto ng TaludtodLindolKabundukanKabundukan, Yumayanig na

Ang mga bundok ay humuho sa harap ng Panginoon, Pati yaong Sinai, sa harap ng Panginoon, ng Dios ng Israel.

323
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig, at ang MundoTumitingin sa SalaminMga Taong Naantala

Sa dungawan ay sumungaw, at sumigaw; Ang ina ni Sisara ay humiyaw mula sa mga silahia: Bakit kaya ang kaniyang karo ay nagluluwat ng pagdating? Bakit kaya bumabagal ang mga gulong ng kaniyang mga karo?

337
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Sumisirko

Sa kaniyang paanan ay nasubasob, siya'y nabuwal, siya'y nalugmok: Sa kaniyang paanan siya'y nasubasob, siya'y nabuwal. Kung saan siya sumubasob, doon siya nalugmok na patay.

340
Mga Konsepto ng TaludtodKidlat

Nang magkagayo'y nagsiyabag ang mga kuko ng mga kabayo, Dahil sa mga pagdamba, sa pagdamba ng kanilang mga malakas.

345
Mga Konsepto ng TaludtodUlo, MgaKamay, MgaTalasokMatatalim na mga GamitPagpatay sa mga Kilalang Tao

Kaniyang hinawakan ng kaniyang kamay ang tulos, At ng kaniyang kanang kamay ang pamukpok ng mga manggagawa; At sa pamamagitan ng pamukpok ay kaniyang sinaktan si Sisara, pinalagpasan niya sa kaniyang ulo, Oo, kaniyang tinarakan at pinalagpasan ang kaniyang pilipisan.

348
Mga Konsepto ng TaludtodSumasagot na Bayan

Ang kaniyang mga pantas na babae ay sumagot sa kaniya, Oo, siya'y nagbalik ng sagot sa kaniyang sarili,