Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Hukom 6

Mga Hukom Rango:

5
Mga Konsepto ng TaludtodKalayaan, Pagsasabuhay nito sa Lumang TipanSugoGrupo ng mga AlipinDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

Ay nagsugo ang Panginoon ng isang propeta sa mga anak ni Israel: at kaniyang sinabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ng Israel, Kayo'y aking iniahon mula sa Egipto, at inilabas ko kayo sa bahay ng pagkaalipin;

23
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan, Ugali ng Diyos labanDiyos na Nagbigay ng Lupain

At pinapaging laya ko kayo sa kamay ng mga taga Egipto, at sa kamay ng mga pumipighati sa inyo, at aking pinalayas sila sa harap ninyo, at ibinigay ko sa inyo ang kanilang lupain;

46
Mga Konsepto ng TaludtodAmoreoPaninindigan sa DiyosPagaangkinAng Panginoon ay Diyos

At aking sinabi sa inyo, Ako ang Panginoon ninyong Dios; kayo'y huwag matatakot sa mga dios ng mga Amorrheo, na siyang lupaing inyong tinatahanan: nguni't hindi ninyo dininig ang aking tinig.

55
Mga Konsepto ng TaludtodTagapagpahayagPagpapakita ng DiyosDiyos sa piling ng mga TaoTakot, WalangBayani, MgaGideon

At napakita ang anghel ng Panginoon sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Ang Panginoo'y sumasaiyo, ikaw lalaking makapangyarihang may tapang.

60
Mga Konsepto ng TaludtodMapagalinlangan, MgaKasaysayanBakit ito Nangyayari?Diyos, Bibiguin sila ngHimala, MgaGideon

At sinabi ni Gedeon sa kaniya, Oh Panginoon ko, kung ang Panginoon ay sumasaamin, bakit nga ang lahat ng ito ay sumapit sa amin? at saan naroon ang lahat niyang kababalaghang gawa na isinaysay sa amin ng aming mga magulang, na sinasabi, Hindi ba tayo iniahon ng Panginoon mula sa Egipto? nguni't ngayo'y hiniwalayan kami ng Panginoon at ibinigay kami sa kamay ng Madian.

81
Mga Konsepto ng TaludtodKambing, MgaHarinaPagkainSabawTimbangan at PanukatEfa (Sampung Omer)Yaong mga Nagbigay ng PagkainGideon

At si Gedeon ay pumasok, at naglutong madali ng isang anak ng kambing, at ng isang efa ng harina, ng mga munting tinapay na walang lebadura: inilagay ang karne sa isang buslo, at kaniyang inilagay ang sabaw sa isang palyok, at inilabas sa kaniya sa ilalim ng encina, at inihain.

86
Mga Konsepto ng TaludtodPaumanhinTriboMapagalinlangan, MgaPagiging MababaMinisteryo, Kwalipikasyon para saMapitaganKahinaan, Pisikal naPamumunoKapakumbabaan, Halimbawa ngAng Pinakabatang AnakWalang LakasKalungkutanGideon

At sinabi niya sa kaniya, Oh Panginoon, paanong ililigtas ko ang Israel? narito, ang aking angkan ay siyang pinakadukha sa Manases, at ako ang pinakamaliit sa bahay sangbahayan ng aking ama.

152
Mga Konsepto ng TaludtodPaggunitaPangalan ng Diyos, MgaPagtatatag ng AltarDiyos ng KapayapaanPangalang Kaugnay sa Diyos, MgaKalikasan ng DiyosMga Taong Nagbibigay Pangalan sa mga BagayLugar hanggang sa Araw na Ito, MgaGideon

Nang magkagayo'y nagtayo roon si Gedeon ng isang dambana sa Panginoon, at tinawag na Jehova-salom: hanggang sa araw na ito ay nasa sa Ophra pa ng mga Abiezerita.

167
Mga Konsepto ng TaludtodDigmaan, Katangian ngIsang Tao LamangDiyos sa piling ng mga TaoNagtatagumpayGideon

At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Walang pagsalang ako'y sasaiyo; at iyong sasaktan ang mga Madianita na parang isang lalake.

188
Mga Konsepto ng TaludtodUmalisPaghihintay hanggang sa Magasawa

Isinasamo ko sa iyo na huwag kang umalis dito, hanggang sa ako'y parito sa iyo, at ilabas ko ang aking handog, at ilapag ko sa harap mo. At kaniyang sinabi, Ako'y maghihintay hanggang sa ikaw ay bumalik.

195
Mga Konsepto ng TaludtodAltarAltar, MgaPagkawasak ng mga Gawa ni SatanasHayop, Batay sa kanilang GulangGideon

At nangyari nang gabi ring yaon, na sinabi ng Panginoon sa kaniya, Kunin mo ang toro ng iyong ama, ang ikalawang toro na may pitong taong katandaan, at iwasak mo ang dambana ni Baal na tinatangkilik ng iyong ama, at putulin mo ang Asera na nasa siping niyaon.

203
Mga Konsepto ng TaludtodLagalagPagsasakaKaaway, Atake ng mgaIsraelPagtatanim

At ganito ang nangyari, noong ang Israel ay nakapaghasik, na nagsiahon ang mga Madianita, at ang mga Amalecita, at ang mga anak sa silanganan; sila'y nagsiahon laban sa kanila;

209
Mga Konsepto ng TaludtodTungkodApoy na mula sa LangitPagsunog sa mga SakripisyoPaglaho

Nang magkagayo'y iniunat ng anghel ng Panginoon ang dulo ng tungkod, na nasa kaniyang kamay, at sinalang ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura; at napailanglang ang apoy sa bato, at pinugnaw ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura; at ang anghel ng Panginoon ay nawala sa kaniyang paningin.

211
Mga Konsepto ng TaludtodKaranasan sa DiyosPagiging Harap-Harapan sa DiyosYaong mga Nakakita sa DiyosGideon

At nakita ni Gedeon na siya ang anghel ng Panginoon; at sinabi ni Gedeon, Aba, Oh Panginoon Dios! sapagka't aking nakita ang anghel ng Panginoon na mukhaan.

216
Mga Konsepto ng TaludtodPag-aalinlangan, Bunga ngMapagalinlangan, MgaKatiyakan sa Buhay PananampalatayaPaghahanap ng TandaPaghahanap ng TandaIyong Malalaman na Ako ang PanginoonLingapGideon

At sinabi niya sa kaniya, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, ay bigyan mo nga ako ng isang tanda, na ikaw ang nakikipagusap sa akin.

224
Mga Konsepto ng TaludtodHindi NamamatayKamatayan na NaiwasanHuwag Matakot sapagkat ang Diyos ay TutulongGideon

At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Kapayapaan ang sumaiyo; huwag kang matakot: hindi ka mamamatay.

248
Mga Konsepto ng TaludtodYungibKapangyarihan ng TaoSarili, Pagtatanggol saKalakasan ng TaoTanggulanKutaLunggaPagtakas tungo sa KabundukanMga Taong nasa KuwebaYungib bilang Taguang Lugar

At ang kamay ng Madian ay nanaig laban sa Israel: at dahil sa Madian ay gumawa ang mga anak ni Israel ng mga kutang nangasa bundok, at ng mga yungib, at ng mga dakong matibay.

253
Mga Konsepto ng TaludtodSabawGideon

At sinabi ng anghel ng Dios sa kaniya, Kunin mo ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura at ipatong mo sa batong ito at ibuhos mo ang sabaw. At kaniyang ginawang gayon.

275
Mga Konsepto ng TaludtodPulubi, MgaKahirapan, Sanhi ng

At ang Israel ay huminang totoo dahil sa Madian; at ang mga anak ni Israel ay dumaing sa Panginoon.

302
Mga Konsepto ng TaludtodInsektoMaraming mga KalabanBalang, MgaTolda, MgaTipaklongHindi Mabilang

Sapagka't sila'y nagsiahong dala nila ang kanilang kawan at ang kanilang mga tolda; at sila'y nagsipasok na parang balang sa karamihan; sila at ang kanilang mga kamelyo ay walang bilang: at kanilang pinasok ang lupain upang gibain.

316
Mga Konsepto ng TaludtodSampung TaoSa Isang GabiTakot sa Ibang mga TaoGideon

Nang magkagayo'y kumuha si Gedeon ng sangpung lalake sa kaniyang mga bataan, at ginawa ang ayon sa sinalita ng Panginoon sa kaniya: at nangyari, na sapagka't siya'y natakot sa sangbahayan ng kaniyang ama at sa mga lalake sa bayan, kaya't hindi niya nagawa sa araw ay kaniyang ginawa sa gabi.

317
Mga Konsepto ng TaludtodTaasKahoyAltar, Mga GinawangAltar sa PanginoonPagtatatag ng AltarPanggatong

At ipagtayo mo, sa isang paraang maayos ng isang dambana ang Panginoon mong Dios sa taluktok nitong matibay na dako; at kunin mo ang ikalawang toro, at maghandog ka ng isang handog na susunugin sangpu ng kahoy ng Asera na iyong puputulin.

326
Mga Konsepto ng TaludtodBayanKamatayan bilang Kaparusahan

Nang magkagayo'y sinabi kay Joas ng mga lalake sa bayan, Ilabas mo ang iyong anak upang siya'y mamatay: sapagka't kaniyang iniwasak ang dambana ni Baal, at sapagka't kaniyang pinutol ang Asera na nasa siping niyaon.

328
Mga Konsepto ng TaludtodAgrikultura, Mga Kataga saPagpapakita ng Diyos sa Lumang TipanTrigoGumigiikTrigoPampiga ng UbasMandirigma, MgaOak, Mga Puno ngGumagawa ng LihimGideon

At ang anghel ng Panginoon ay naparoon at umupo sa ilalim ng encina na nasa Ophra, na kay Joas na Abiezerita: at ang kaniyang anak na si Gedeon ay pumapalo ng trigo sa ubasan, upang itago sa mga Madianita.

335

At sila'y humantong laban sa kanila, at kanilang sinira ang bunga ng lupa, hanggang sa sila'y dumating sa Gaza, at wala silang iniwang anoman sa Israel, maging tupa, o baka man, o asno man.

339
Mga Konsepto ng TaludtodUmagaPagtatatag ng AltarYaong mga Bumangon ng Umaga

At nang bumangong maaga ang mga lalake sa bayan ng kinaumagahan narito, ang dambana ni Baal ay wasak, at ang Asera na nasa siping niyaon ay putol, at ang ikalawang toro ay inihandog sa dambana na itinayo.

342
Mga Konsepto ng TaludtodSino ang Gumagawa?

At sila'y nangagsalitaan, Sino ang gumawa ng bagay na ito? At nang kanilang usisain at itanong ay kanilang sinabi, Ginawa ni Gedeon na anak ni Joas ang bagay na ito.

369
Mga Konsepto ng TaludtodKalayaan, Pagsasabuhay nito sa Lumang TipanMga Kaaway ng Israel at JudaPitong TaonDiyos, Bibiguin sila ngPagkakasala ng Bayan ng Diyos

At ginawa ng mga anak ni Israel yaong masama sa paningin ng Panginoon: at ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Madian na pitong taon.

379
Mga Konsepto ng TaludtodUmiiyak sa Diyos

At nangyari, nang dumaing sa Panginoon ang mga anak ni Israel, dahil sa Madian.

390
Mga Konsepto ng TaludtodManggagawa ng SiningGideon

At sinabi ni Gedeon sa Dios, Kung iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay, gaya ng iyong sinalita.

406
Mga Konsepto ng TaludtodAng Espiritu ng PanginoonTrumpeta para sa Pagbibigay HudyatGideon

Nguni't ang Espiritu ng Panginoon ay suma kay Gedeon; at humihip siya ng isang pakakak; at ang mga Abiezerita ay nangagkapisan sa kaniya.

430
Mga Konsepto ng TaludtodSilanganLambak, Mga

Nang magkagayo'y lahat ng mga Madianita, at mga Amalecita at mga anak sa silanganan ay nagpulong; at sila'y nagtuloy at humantong sa libis ng Jezreel.

475
Mga Konsepto ng TaludtodBinagong PangalanMga Taong Pinangalanan Muli ang Ibang Tao

Kaya't nang araw na yaon ay tinawag siyang Jerobaal, na sinasabi, Magsanggalang si Baal laban sa kaniya, sapagka't iniwasak niya ang kaniyang dambana.

480

At sinabi ni Joas sa lahat na nakatayong laban sa kaniya, Ipagsasanggalang ba ninyo si Baal? o ililigtas ba ninyo siya? yaong magsasanggalang sa kaniya ay papatayin samantalang umaga pa; kung siya'y dios ay magsanggalang siya sa kaniyang sarili, sapagka't may nagwasak ng kaniyang dambana.

505
Mga Konsepto ng TaludtodGiikanTindahan, MgaGideon

Narito, aking ilalagay ang isang balat na lana sa giikan; kung dumoon lamang sa balat ang hamog, at maging tuyo ang buong lupa, ay malalaman ko nga na iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay, gaya ng iyong sinalita.

507
Mga Konsepto ng TaludtodPaghingiPagsubokHuwag Hayaan na Magalit ang DiyosPagsubok, MgaPagsusuriGideon

At sinabi ni Gedeon sa Dios, Huwag magalab ang iyong galit laban sa akin, at magsasalita na lamang ako ng minsan pa: isinasamo ko sa iyo na ipasubok mo pa sa aking minsan sa pamamagitan ng balat: tuyuin mo ngayon ang balat lamang, at sa buong lupa ay magkaroon ng hamog.

510
Mga Konsepto ng TaludtodSugo

At nagsugo ng mga sugo sa buong Manases; at sila man ay nangakipisan sa kaniya: at siya'y nagsugo ng mga sugo sa Aser, at sa Zabulon, at sa Nephtali, at sila'y umahong sumalubong sa kanila.

543
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na KapahayaganBumangon, MaagangDiinanYaong mga Bumangon ng Umaga

At nagkagayon: sapagka't siya'y bumangong maaga ng kinaumagahan, at hinigpit ang buong balat, at piniga ang hamog sa balat, na isang tasang malaki ng tubig.

581

At ginawang gayon ng Dios nang gabing yaon: sapagka't natuyo ang balat lamang, at nagkaroon ng hamog sa buong lupa.