Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mikas 4

Mikas Rango:

3
Mga Konsepto ng TaludtodAraw, Huling mgaAng Huling mga Araw ng PanahonPahayag sa HinaharapDiyos na nasa KaitaasanPaglapit sa DiyosAng Templo sa LangitMilenyal na Kaharian, Supremo si Cristo sa DaigdigKatapusan ng mga Araw

Nguni't sa mga huling araw ay mangyayari, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at matataas sa mga burol; at mga tao'y paroroon sa kaniya.

7
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatan sa DiyosPaglalakbay kasama ang DiyosPaglalakadWalang Hanggang KatapatanSa Ngalan ng DiyosNananambahan sa Diyos

Sapagka't ang lahat na bayan ay magsisilakad bawa't isa sa pangalan ng kanikaniyang dios: at tayo'y magsisilakad sa pangalan ng Panginoon nating Dios magpakailan kailan man.

11
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang HukomPinuputulanPagsasaalis ng SandataSibat, MgaKagamitanDigmaan, Katangian ngSandata, MgaAlanganing DamdaminGinugupitan ang mga SangaNagbubungkal ng LupaWalang Bungang PagaaralMalayo mula ritoDiyos na Gumagawa ng KapayapaanDiyos na Nagliligtas sa Kasalanan at Kamatayan

At siya'y hahatol sa gitna ng maraming bayan, at sasaway sa mga matibay na bansa sa malayo: at kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging sudsud, at ang kanilang mga sibat upang maging karit; ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni magaaral pa man ng pakikipagdigma.

17
Mga Konsepto ng TaludtodTinipon ng DiyosMga Taong PinalayasPangitain ni EzekielPamana

Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, aking pipisanin siya na napipilay, at aking titipunin siya na natapon, at siya na aking pinagdalamhati;

34
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaAraw ng PANGINOONPagpapanumbalikTagapagbantayZion, Bilang SagisagMga Tao ng KaharianPangangalaga ng KawanJerusalemZionPamamahala

At ikaw, oh moog ng kawan, na burol ng anak na babae ng Sion, ito sa iyo'y darating, oo, ang dating kapangyarihan ay darating, ang kaharian ng anak na babae ng Jerusalem.

42
Mga Konsepto ng TaludtodMaliit na Bilang ng NalabiDiyos na Naghahari MagpakaylanmanMga Taong PinalayasJerusalem sa Milenyal na KaharianPaglaho ng Araw

At aking gagawin ang pilay na isang nalabi, at ang natapon sa malayo na isang matibay na bansa: at ang Panginoon ay maghahari sa kanila sa bundok ng Sion mula ngayon hanggang sa walang hanggan.

44
Mga Konsepto ng TaludtodPanganganakHirap ng PanganganakGrupong NagsisigawanBakit mo ito Ginagawa?Walang Hari

Ngayo'y bakit ka sumisigaw ng malakas? Wala ka bagang hari, ang iyo bagang kasangguni ay namatay, upang ang mga paghihirap ay suma iyo na gaya ng babae sa pagdaramdam?

53
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang ManunubosPagdurusa, Hatol ng DiyosBabilonya, Israel ay Ipinatapon saKamay ng DiyosHirap ng PanganganakKanayunanPagpapatapon, Mga Tao sa

Magdamdam ka, at magtiis ka ng hirap, Oh anak na babae ng Sion, na gaya ng babae sa pagdaramdam: sapagka't ngayo'y lalabas ka sa bayan, at ikaw ay tatahan sa parang, at ikaw ay darating hanggang sa Babilonia: doon ka maliligtas; doon ka tutubusin ng Panginoon sa kamay ng iyong mga kaaway.

59
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon sa Ibang mga BansaPakikitungo ng mga BansaKakulangan sa Kabanalan

At ngayo'y maraming bansa ay nangagpupulong laban sa iyo, na nangagsasabi, Madumhan siya, at makita ng ating mata ang nasa natin sa Sion.

72
Mga Konsepto ng TaludtodTansoSungay, MgaKapakinabanganKaparusahan, Katangian ngGumigiikPagtatalagaDinudurog na mga TaoBagay na Tulad ng Bakal, MgaPaa ng mga Nilalang

Ikaw ay bumangon, at gumiik, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't aking gagawing bakal ang iyong sungay, at aking gagawing tanso ang iyong mga kuko; at iyong pagluluraylurayin ang maraming bayan: at iyong itatalaga ang kanilang pakinabang sa Panginoon, at ang kanilang pag-aari ay sa Panginoon ng buong lupa.

76
Mga Konsepto ng TaludtodNakataling mga MaisKakulangan sa PagkilalaKaritGiikanKapurulanEspirituwal na KamangmanganDiyos, Isipan ngHindi Nauunawaan ang mga Bagay ng Diyos

Nguni't hindi nila nalalaman ang mga pagiisip ng Panginoon, ni nauunawa man nila ang kaniyang payo; sapagka't kaniyang pinisan sila na parang mga bigkis sa giikan.

85
Mga Konsepto ng TaludtodKasaganahanPaanyaya, MgaKapahingahan, Pisikal naNauupoPuno ng UbasPuno, MgaNaguupo na PanatagPinalaya sa TakotDiyos bilang Mandirigma

Kundi sila'y uupo bawa't isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang punong igos; at walang tatakot sa kanila: sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon ng mga hukbo.

103
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakaalam sa Pamamaraan ng DiyosPakikibahagi kay CristoPaglalakbay, Banal naPagbangon, SamahangSalita ng DiyosDiyos bilang GuroPapunta sa Taas ng BundokDiyos na NagtuturoPaglalakad sa Daan ng DiyosAng Ebanghelyo para sa mga BansaAng Templo sa LangitAng Kautusan ay Ibinigay sa IsraelLandas, Mga

At maraming bansa'y magsisiparoo't mangagsasabi, Magsiparito kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, at sa bahay ng Dios ni Jacob; at siya'y magtuturo sa atin ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas. Sapagka't sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem;