Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mikas

Mikas Rango:

3
Mga Konsepto ng TaludtodAraw, Huling mgaAng Huling mga Araw ng PanahonPahayag sa HinaharapDiyos na nasa KaitaasanPaglapit sa DiyosAng Templo sa LangitMilenyal na Kaharian, Supremo si Cristo sa DaigdigKatapusan ng mga Araw

Nguni't sa mga huling araw ay mangyayari, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at matataas sa mga burol; at mga tao'y paroroon sa kaniya.

4
Mga Konsepto ng TaludtodMga HanggananEspada, MgaAsiria, Kaalaman tungkol saBabilonya, Pagkawasak ngTinatapakan ang mga LugarBansang mga Sumalakay sa Israel, MgaHangganan

At kanilang wawasakin ng tabak ang lupain ng Asiria, at ang lupain ng Nimrod sa mga pasukan niyaon: at kaniyang ililigtas tayo sa taga Asiria, pagka siya'y pumasok sa ating lupain, at pagka siya'y tumungtong sa loob ng ating hangganan.

5
Mga Konsepto ng TaludtodPanganayKatawanLalakeng TupaIsanglibong mga HayopPagaalay ng mga Panganay na Anak

Kalulugdan baga ng Panginoon ang mga libolibong tupa, o ang mga sangpu-sangpung libong ilog na langis? ibibigay ko baga ang aking panganay dahil sa aking pagsalangsang, ang bunga ng aking katawan dahil sa kasalanan ng aking kaluluwa?

6
Mga Konsepto ng TaludtodPakikinigPakikinigAng Patotoo ng DiyosAng Templo sa Langit

Dinggin ninyong mga bayan, ninyong lahat; dinggin mo, Oh lupa, at ng lahat na nasa iyo: at ang Panginoong Dios ay maging saksi laban sa iyo, ang Panginoon mula sa kaniyang banal na templo.

7
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatan sa DiyosPaglalakbay kasama ang DiyosPaglalakadWalang Hanggang KatapatanSa Ngalan ng DiyosNananambahan sa Diyos

Sapagka't ang lahat na bayan ay magsisilakad bawa't isa sa pangalan ng kanikaniyang dios: at tayo'y magsisilakad sa pangalan ng Panginoon nating Dios magpakailan kailan man.

8
Mga Konsepto ng TaludtodGalit ng Diyos, Paglalarawan saIsipan ng DiyosKasalanan, Pagpapalaya na Mula sa DiyosKasalanan, Kalikasan ngHindi PagpapatawadPenitensyaSinong Katulad ng Diyos?Mapagpatawad na DiyosBilis ng Galit ng DiyosGalit at Pagpapatawad

Sino ang Dios na gaya mo, na nagpapatawad ng kasamaan, at pinalalagpas ang pagsalansang ng nalabi sa kaniyang mana? hindi niya pinipigil ang kaniyang galit ng magpakailan man, sapagka't siya'y nalulugod sa kagandahang-loob.

9
Mga Konsepto ng TaludtodMga GuyaDiyos na nasa KaitaasanPaglapit sa DiyosPagyukod sa Harapan ng DiyosAnong Pamamaraan?Hayop, Batay sa kanilang GulangPagaalay ng mga Baka

Ano ang aking ilalapit sa harap ng Panginoon, at iyuyukod sa harap ng mataas na Dios? paroroon baga ako sa harap niya na may mga handog na susunugin, na may guyang isang taon ang gulang?

10
Mga Konsepto ng TaludtodMukha ng DiyosEtika, Dahilan ngDiyos, Pahayag ngPanalangin, Payo para sa MabisangPagtanggi sa Diyos, Bunga ngKasalanan, Naidudulot ngDiyos na Hindi SumasagotDiyos na NagtatagoKasalanan ay Naghihiwalay mula sa DiyosDiyos na Sumasagot ng mga PanalanginSagot, Mga

Kung magkagayo'y magsisidaing sila sa Panginoon, nguni't hindi niya sasagutin sila; oo, kaniyang ikukubli ang kaniyang mukha sa kanila sa panahong yaon, ayon sa kanilang ginawang kasamaan sa kanilang mga gawa.

11
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang HukomPinuputulanPagsasaalis ng SandataSibat, MgaKagamitanDigmaan, Katangian ngSandata, MgaAlanganing DamdaminGinugupitan ang mga SangaNagbubungkal ng LupaWalang Bungang PagaaralMalayo mula ritoDiyos na Gumagawa ng KapayapaanDiyos na Nagliligtas sa Kasalanan at Kamatayan

At siya'y hahatol sa gitna ng maraming bayan, at sasaway sa mga matibay na bansa sa malayo: at kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging sudsud, at ang kanilang mga sibat upang maging karit; ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni magaaral pa man ng pakikipagdigma.

12
Mga Konsepto ng TaludtodMatataas na DakoDiyos na Bumababa

Sapagka't, narito, ang Panginoo'y lumalabas sa kaniyang dako, at bababa, at yayapak sa mga mataas na dako ng lupa.

13
Mga Konsepto ng TaludtodPatnubay ng Diyos, Pangangailangan saEspirituwal na MalnutrisyonSarili, Panlilinlang saUmaawitInililigawMga Taong Nagbibigay PagkainWalang KapayapaanPrinsipyo ng Digmaan, MgaKapayapaan at KaligtasanDigmaan

Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nagliligaw sa aking bayan; na nagkakanggigitil ng kanilang mga ngipin at nagsisihiyaw, Kapayapaan; at yaong hindi naglalagay sa kanilang bibig, ay pinaghahandaan siya nila ng digma:

14
Mga Konsepto ng TaludtodHamogDamoAnak ng TaoPaliguanKakulangan sa PagasaNakaligtas, Lingap sa mga

At ang nalabi sa Jacob ay magiging parang hamog na mula sa Panginoon sa gitna ng maraming bayan, parang ulan sa damo, na hindi naghihintay sa tao, ni naghihintay man sa mga anak ng tao.

15
Mga Konsepto ng TaludtodNatutunawPagkitApoy na Nagmumula sa DiyosAng Lupa ay Nahati

At ang mga bundok ay mangatutunaw sa ilalim niya, at ang mga libis ay mauupos, na parang pagkit sa harap ng apoy, parang tubig na bumubuhos mula sa isang bundok.

16
Mga Konsepto ng TaludtodPangitain, MgaAng ArawAraw, Paglubog ngEspirituwal na GabiNaabutan ng DilimWalang PangitainEspirituwal na KadilimanEklipse

Kaya't magiging gabi sa inyo, na hindi kayo magkakaroon ng pangitain; at magkakaroon ng kadiliman, na hindi kayo makapanghuhula; at ang araw ay lulubog sa mga propeta, at ang araw ay mangungulimlim sa kanila.

17
Mga Konsepto ng TaludtodTinipon ng DiyosMga Taong PinalayasPangitain ni EzekielPamana

Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, aking pipisanin siya na napipilay, at aking titipunin siya na natapon, at siya na aking pinagdalamhati;

18
Mga Konsepto ng TaludtodKasalanan, Kalikasan ngPagkakasala ng Bayan ng Diyos

Dahil sa pagsalansang ng Jacob ang lahat na ito, at dahil sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Israel, Ano ang pagsalangsang ng Jacob? hindi baga ang Samaria? at ano ang mga mataas na dako ng Juda? di baga ang Jerusalem?

19
Mga Konsepto ng TaludtodProstitusyonPatutot, MgaPagkawasak ng mga Gawa ni SatanasKabayaraan sa Bayarang BabaePagtalikod sa mga Diyus-diyusan

At lahat niyang larawang inanyuan ay pagpuputolputulin, at ang lahat niyang kaupahan ay susupukin sa apoy, at ang lahat niyang diosdiosan ay aking ihahandusay na sira; sapagka't sa kaupahan sa isang patutot ay kaniyang mga pinisan, at sa kaupahan sa isang patutot ay mangauuwi.

20
Mga Konsepto ng TaludtodKarunungan, sa Likas ng TaoPagtatakda ng Diyos sa PagtitiisPagtitipon ng IsraelDiyos, Tinig ngMakinig sa Diyos!Iba pang mga Talata tungkol sa Pangalan ng DiyosMatakot sa Diyos!Diyos na Nagbibigay Karunungan

Ang tinig ng Panginoon ay humihiyaw sa bayan, at ang taong may karunungan ay makakakita ng iyong pangalan: dinggin ninyo ang tungkod, at ang naghalal niyaon.

21
Mga Konsepto ng TaludtodPundasyonPagtatanim ng UbasanPagkawasak ng mga BansaKanayunanPundasyon ng mga BansaBagay na Hinubaran, MgaItinakuwil na Batong Panulukan

Kaya't gagawin ko ang Samaria na parang bunton sa parang, at parang mga pananim sa ubasan; at aking ilalagpak ang mga bato niyaon sa libis, at aking ililitaw ang mga patibayan niyaon.

22
Mga Konsepto ng TaludtodPinahihirapang mga BanalDiyos, Katuwiran ngDiyos na Nagbibigay LiwanagDiyos na NagtatanggolDiyos na Gumagawa ng Tama sa Kanyang BayanDiyos na Galit sa mga Tao

Aking babatahin ang kagalitan ng Panginoon, sapagka't ako'y nagkasala laban sa kaniya, hanggang sa kaniyang ipagsanggalang ang aking usap, at lapatan ako ng kahatulan: kaniyang ilalabas ako sa liwanag, at aking mamasdan ang kaniyang katuwiran.

23
Mga Konsepto ng TaludtodPaa LamangKahubaranSandalyasKalungkutanIbon, Uri ng mgaKahubaran sa KahihiyanOstrich, MgaTrahedya

Dahil dito tataghoy ako, at mananambitan; ako'y yayaong hinubdan at hubad; ako'y uungal na parang chakal, at mananangis na gaya ng mga avestruz.

24
Mga Konsepto ng TaludtodHuwag TumangisHuwag Sabihin

Huwag ninyong saysayin sa Gath huwag kayong pakaiyak: sa Bethle-Aphra gumumon ako sa alabok.

25
Mga Konsepto ng TaludtodKagubatanPagsagipHayop, Biniyak na mgaTinatapakan ang mga HayopNakaligtas, Lingap sa mgaWalang Sinuman na Makapagliligtas

At ang nalabi sa Jacob ay magiging sa gitna ng mga bansa, sa gitna ng maraming bayan, na parang leon sa mga hayop sa gubat, na parang batang leon sa mga kawan ng mga tupa; na kung siya'y dumaraan ay yumayapak at lumalapa, at walang magligtas.

26
Mga Konsepto ng TaludtodPlano, MgaTagumpayDiyos na may Panukala noong Una PalangHuwag MayabangDiyos, Maghahatid ng Pinsala angPamilya, Lakas ng

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, laban sa angkang ito ay humahaka ako ng isang kasamaan na doo'y hindi ninyo maaalis ang inyong mga leeg, ni makalalakad man ng kahambugan; sapagka't isang masamang panahon.

27
Mga Konsepto ng TaludtodKaramdaman, MgaSirang Anyo ng KasalananWalang Kagalingan

Sapagka't ang kaniyang mga sugat ay walang kagamutan; sapagka't dumarating hanggang sa Juda; umaabot hanggang sa pintuang-bayan ng aking bansa, hanggang sa Jerusalem.

28
Mga Konsepto ng TaludtodKahubaran sa KahihiyanLumabas

Magdaan ka, Oh nananahan sa Saphir, sa kahubaran at kahihiyan: ang nananahan sa Haanan ay hindi lumalabas; ang taghoy ng Beth-esel ay magaalis sa iyo ng pangalalay niyaon.

29
Mga Konsepto ng TaludtodPasimulaSinimulang GawainAng Pagpasok ng Kasalanan

Isingkaw mo ang karo sa maliksing kabayo, Oh nananahan sa Lachis: siya ang pasimula ng kasalanan sa anak na babae ng Sion: sapagka't ang pagsalangsang ng Israel ay nasumpungan sa iyo.

30
Mga Konsepto ng TaludtodWalang MabutiDiyos, Sinaktan sila ng

Sapagka't ang nananahan sa Maroth ay naghihintay na mainam ng ikabubuti, sapagka't ang kasamaan ay bumaba mula sa Panginoon hanggang sa pintuang-bayan ng Jerusalem.

31
Mga Konsepto ng TaludtodYaong mga Nalinlang

Kaya't ikaw ay magbibigay ng kaloob sa pagpapaalam sa Moresethgath: ang mga bahay sa Achzib ay magiging karayaang bagay sa mga hari sa Israel.

32
Mga Konsepto ng TaludtodGawing Pag-aari

Dadalhin ko pa sa iyo, Oh nananahan sa Maresah ang magaari sa iyo: ang kaluwalhatian ng Israel ay darating hanggang sa Adullam.

33
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakalboBuhok, MgaUlo, MgaKutsilyo, MgaPagtangisBarberoIbon, Uri ng mgaAgilaPagpapatapon, Mga Tao saBuhok

Magpakakalbo ka, at pagupit ka dahil sa mga anak ng iyong kalayawan: palakihin mo ang iyong pagkakalbo na gaya ng aguila; sapagka't sila'y nangapasa pagkabihag mula sa iyo.

34
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaAraw ng PANGINOONPagpapanumbalikTagapagbantayZion, Bilang SagisagMga Tao ng KaharianPangangalaga ng KawanJerusalemZionPamamahala

At ikaw, oh moog ng kawan, na burol ng anak na babae ng Sion, ito sa iyo'y darating, oo, ang dating kapangyarihan ay darating, ang kaharian ng anak na babae ng Jerusalem.

35
Mga Konsepto ng TaludtodKasuklamsuklam, Sa Diyos ayPagiimbak ng Kayamanan sa LupaSinusumpa ang mga BagayKaunlaran ng Masama

Mayroon pa baga kaya ng mga kayamanan ng kasamaan sa bahay ng masama, at ng kulang na panukat na kasuklamsuklam?

36
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Katapatan sa DiyosDiyos na Hindi UmiiralTinatapakan ang mga TaoPagtagumpayan ang mga KaawayNasaan ang Diyos?

Kung magkagayo'y makikita ng aking kaaway, at kahihiyan ang tatakip sa kaniya, na nagsabi sa akin, Saan nandoon ang Panginoon mong Dios? Makikita ng aking mga mata ang nais ko sa kaniya; siya nga'y yayapakan na parang putik sa mga lansangan.

37
Mga Konsepto ng TaludtodKarwaheKabayo, MgaSinisirang mga KarwahePagpatay sa mga Pambahay na Hayop

At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na aking ihihiwalay ang iyong mga kabayo sa gitna mo, at aking gigibain ang iyong mga karo:

38
Mga Konsepto ng TaludtodPagtataas ng KamayMga Taong LumalabanPagpatay na MangyayariPagtagumpayan ang mga KaawayGinugupitan

Mataas ang iyong kamay sa iyong mga kaaway, at mangahiwalay ang lahat ng iyong mga kaaway.

39
Mga Konsepto ng TaludtodBumubulusokUbasPag-AaniLangisOlibo, MgaPagtatanim at PagaaniPagtatanim sa Walang KabuluhanHindi Umiinom ng AlakPagpahid ng Langis sa SariliHindi Inaani ang Iyong ItinanimPagtapak sa mga UbasInaani ang iyong Itinanim

Ikaw ay maghahasik, nguni't hindi ka magaani: ikaw ay magpipisa ng mga olibo, nguni't hindi ka magpapahid ng langis; at ng ubas, nguni't hindi ka iinom ng alak.

41
Mga Konsepto ng TaludtodKasalanan ay Nagdadala ng Karamdaman

Kaya't sinugatan din naman kita ng mabigat na sugat; ginawa kitang kasiraan dahil sa iyong mga kasalanan.

42
Mga Konsepto ng TaludtodMaliit na Bilang ng NalabiDiyos na Naghahari MagpakaylanmanMga Taong PinalayasJerusalem sa Milenyal na KaharianPaglaho ng Araw

At aking gagawin ang pilay na isang nalabi, at ang natapon sa malayo na isang matibay na bansa: at ang Panginoon ay maghahari sa kanila sa bundok ng Sion mula ngayon hanggang sa walang hanggan.

43
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Sinuman na Maari

Kaya't mawawalan ka na ng maghahagis ng pisi na panukat sa pamamagitan ng sapalaran sa kapisanan ng Panginoon.

44
Mga Konsepto ng TaludtodPanganganakHirap ng PanganganakGrupong NagsisigawanBakit mo ito Ginagawa?Walang Hari

Ngayo'y bakit ka sumisigaw ng malakas? Wala ka bagang hari, ang iyo bagang kasangguni ay namatay, upang ang mga paghihirap ay suma iyo na gaya ng babae sa pagdaramdam?

45
Mga Konsepto ng TaludtodAwit, MgaTumatangisMalungkot na MusikaMga Taong Nagbabago ng Kanilang IsipanTaksil, Mga

Sa araw na yaon ay magsisisambit sila ng talinhaga laban sa inyo, at mangananaghoy ng kakilakilabot na panaghoy, at mangagsasabi, Kami ay lubos na nasira: kaniyang binabago ang bahagi ng aking bayan; ano't inilalayo niya sa akin! sa mga manghihimagsik kaniyang binahagi ang aming mga bukid.

46
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatibayPagkawasak ng mga LungsodLungsod na Sinasalakay

At aking ihihiwalay ang mga bayan ng iyong lupain, at aking ibabagsak ang lahat ng iyong katibayan:

48
Mga Konsepto ng TaludtodPanlilinlang na nasa Makasalanang Likas ng TaoMayaman, AngKayamanan, Panganib saDilaKayamanan ay Maaring Humantong saKarahasan sa LupaMapanlinlang na DilaAng Pagkapanginoon ng mga MayamanPagsisinungaling at Panloloko

Sapagka't ang mga mayaman niyaon ay puno ng pangdadahas, at ang mga mananahan doo'y nangagsalita ng mga kabulaanan, at ang kanilang dila ay magdaraya sa kanilang bibig.

49
Mga Konsepto ng TaludtodTinatakpan ang BibigTagakitaTabing, MgaOkultismoDiyos na Hindi SumasagotKahihiyan ay DaratingPagkaunsamiMangkukulamOkulto na Walang Kapangyarihan sa Harapan ng Diyos

At ang mga tagakita ay mangapapahiya, at ang mga manghuhula ay mangatutulig; oo, silang lahat ay mangagtatakip ng kanilang mga labi; sapagka't walang kasagutan ng Dios.

51
Mga Konsepto ng TaludtodKutaLawak ng KaragatanHanggang sa Hangganan ng Euprates

Sa kaarawang yaon ay magsisiparoon sila sa iyo mula sa Asiria at sa mga bayan ng Egipto, at mula sa Egipto hanggang sa ilog, at mula sa dagat at dagat, at sa bundok at bundok.

52
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiya na Binusalan

Huwag kayong manganghuhula, ganito sila nanganghuhula. Hindi sila manganghuhula sa mga ito: ang mga kakutyaan ay hindi mapapawi.

53
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang ManunubosPagdurusa, Hatol ng DiyosBabilonya, Israel ay Ipinatapon saKamay ng DiyosHirap ng PanganganakKanayunanPagpapatapon, Mga Tao sa

Magdamdam ka, at magtiis ka ng hirap, Oh anak na babae ng Sion, na gaya ng babae sa pagdaramdam: sapagka't ngayo'y lalabas ka sa bayan, at ikaw ay tatahan sa parang, at ikaw ay darating hanggang sa Babilonia: doon ka maliligtas; doon ka tutubusin ng Panginoon sa kamay ng iyong mga kaaway.

54
Mga Konsepto ng TaludtodPangkukulam at MahikaPanghuhulaOkultismoPangkukulamSalamangkaMangkukulam

At aking ihihiwalay ang mga panghuhula sa iyong kamay; at hindi ka na magkakaroon ng mga manghuhula:

55
Mga Konsepto ng TaludtodPangitain, MgaPropesiyang PangitainPanahon ng mga TaoHari ng Juda, Mga

Ang Salita ng Panginoon na dumating kay Mikas na Morastita, nang mga kaarawan ni Jotham, ni Achaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda, na nakakita ng tungkol sa Samaria at sa Jerusalem.

56
Mga Konsepto ng TaludtodBunga ng KasalananLupain na Walang LamanBinayaran ang GawaKasalanan ay Nagdadala ng Karukhaan

Gayon ma'y masisira ang lupain dahil sa kanila na nagsisitahan doon, dahil sa bunga ng kanilang mga gawa.

57
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang PastolKagubatanPagkakaalam sa Diyos, Bunga ngBayan ng Diyos sa Lumang TipanTungkodMatabang LupainKasaysayan ng mga BansaInihiwalay na BayanPastulan ang Kawan

Pakanin mo ang iyong bayan sa pamamagitan ng iyong tungkod, ang kawan na iyong mana, na tumatahang magisa, sa gubat sa gitna ng Carmelo: pakanin mo sila sa Basan at sa Galaad, gaya ng mga araw nang una.

58
Mga Konsepto ng TaludtodBinabaluktotMaling PaglalarawanPagkamuhi sa Kabutihan

Dinggin ninyo ito, isinasamo ko sa inyo, ninyong mga pangulo sa sangbahayan ni Jacob, at mga pinuno sa sangbahayan ni Israel, na nangapopoot sa kahatulan, at nangagbabaluktot ng matuwid.

59
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon sa Ibang mga BansaPakikitungo ng mga BansaKakulangan sa Kabanalan

At ngayo'y maraming bansa ay nangagpupulong laban sa iyo, na nangagsasabi, Madumhan siya, at makita ng ating mata ang nasa natin sa Sion.

60
Mga Konsepto ng TaludtodUmali sa Ehipto

Gaya ng mga araw ng iyong paglabas sa lupain ng Egipto ay aking pagpapakitaan sila ng mga kagilagilalas na bagay.

61
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang TiwalaPagibig, Pangaabuso saSalapi, Gamit ngSaserdote, Pagtatatag sa Panahon ng Lumang TipanEspirituwal na MalnutrisyonGantimpala ng TaoHindi Tapat na mga MinistroMakasarili, Ipinakita saKorap na mga SaserdoteMaling TuroMasamang mga PropetaDiyos ay SumasainyoPaniniwala sa DiyosDiyos na TumutulongKadiyosanGantimpala sa RituwalPananalapi, MgaPagsasagawa ng PasyaPropeta, MgaSaserdote, Mga

Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa suhol, at ang mga saserdote, niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin.

62
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipisan sa EbanghelyoTupaPagkakaisa, Mithiin ng Diyos hinggil saPagtitipon sa mga IsraelitaNakaligtas, Lingap sa mgaPangitain ni EzekielMuling Pagsilang ng IsraelLupain na Ganap Ibinalik sa Israel

Walang pagsalang aking pipisanin, Oh Jacob, ang lahat ng iyo; aking pipisaning walang pagsala ang nalabi sa Israel: akin silang ilalagay na magkakasama na parang mga tupa sa Bosra, na parang kawan sa gitna ng pastulan sa kanila; sila'y magkakaingay ng di kawasa dahil sa karamihan ng tao.

63
Mga Konsepto ng TaludtodMabubuting GawaAng Espiritu ng DiyosPagsasaulo ng BibliyaTinatanggap ang Salita ng DiyosDiyos na Gumagawa ng MabutiAno ang Ginagawa ng Diyos

Sasabihin baga Oh sangbahayan ni Jacob, Ang Espiritu baga ng Panginoon ay nagipit? ang mga ito baga ang kaniyang mga gawa? Di baga ang aking mga salita ay nagsisigawa ng mabuti sa nagsisilakad ng matuwid?

64
Mga Konsepto ng TaludtodBalabalMga Taong Hinuhubaran ang mga TaoKaaway ng Diyos

Nguni't kamakailan na ang aking bayan ay bumangon na wari kaaway: inyong hinuhubad ang suot na kalakip ng balabal sa nagsisidaang tiwasay na parang mga lalaking nagsisipanggaling sa digma.

65
Mga Konsepto ng TaludtodPagyukodBato, MgaObeliskoPagyukod sa mga Bulaang Diyus-DiyusanPagsamba sa Diyus-diyusanPagtalikod sa mga Diyus-diyusanBantayog

At aking ihihiwalay ang iyong mga inanyuang larawan at ang iyong mga haligi mula sa gitna mo; at hindi ka na sasamba sa gawa ng iyong mga kamay;

66
Mga Konsepto ng TaludtodZion, Bilang SagisagArkeolohiyaPagkawasak ng JerusalemMatalinghagang Pag-aararoBagay sa Kaitaasan, MgaBakit Iyon Nangyari

Kaya't ang Sion ay bubukirin na parang isang bukid dahil sa inyo, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton, at ang mga bundok ng bahay ay parang mga mataas na dako sa isang gubat.

67
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Diyus-diyusanPagkawasak ng mga LungsodLungsod na Sinasalakay

At aking bubunutin ang iyong mga Asera mula sa gitna mo; at aking sisirain ang iyong mga bayan.

68
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na NaghihigantiDiyos, Ikagagalit ngPaghihigantiPoot

At ako'y maguukol ng panghihiganti sa galit at kapusukan sa mga bansa na hindi nangakinig.

69
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang KasiyahanKasiyahanTiyanMatipidPanganganak, HindiTaggutom, Darating naPapatayin ng Diyos ang Kanyang BayanTaggutom na DaratingNananatiling Malakas at Hindi SumusukoPagiging KontentoPagiimpok ng SalapiGutomPagpapanatili

Ikaw ay kakain, nguni't hindi ka mabubusog; at ang iyong pagpapakumbaba ay sasa gitna mo: at ikaw ay magtatabi, nguni't wala kang dadalhing maitatabi; at ang iyong ilalabas ay aking iiwan sa tabak.

70
Mga Konsepto ng TaludtodPundasyonAriing Ganap, Kinakailangan naKawalang Utang na Loob sa DiyosDaigdig, Pundasyon ng

Dinggin ninyo, Oh ninyong mga bundok, ang usap ng Panginoon, at ninyo na mga matibay na patibayan ng lupa; sapagka't ang Panginoon ay may usap sa kaniyang bayan, at kaniyang ipakikipagtalo sa Israel.

71
Mga Konsepto ng TaludtodGarantiyaPanata, MgaPagpapalabas ng KatotohananDiyos na Nangako ng PagpapalaDiyos na Nagsasalita sa NakaraanDiyos na Nagpakita ng Kanyang Kagandahang-LoobPagtatalaga

Iyong isasagawa ang katotohanan kay Jacob, at ang kagandahang-loob kay Abraham, na iyong isinumpa sa aming mga magulang mula sa mga araw nang una.

72
Mga Konsepto ng TaludtodTansoSungay, MgaKapakinabanganKaparusahan, Katangian ngGumigiikPagtatalagaDinudurog na mga TaoBagay na Tulad ng Bakal, MgaPaa ng mga Nilalang

Ikaw ay bumangon, at gumiik, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't aking gagawing bakal ang iyong sungay, at aking gagawing tanso ang iyong mga kuko; at iyong pagluluraylurayin ang maraming bayan: at iyong itatalaga ang kanilang pakinabang sa Panginoon, at ang kanilang pag-aari ay sa Panginoon ng buong lupa.

73
Mga Konsepto ng TaludtodMuling Pagtatatag ng Jerusalem

Kanilang itinatayo ang Sion sa pamamagitan ng dugo, at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan.

74
Mga Konsepto ng TaludtodTagapamahala, MgaPakinabang ng Kaalaman

At aking sinabi, Isinasamo ko sa inyo, na inyong dinggin, ninyong mga pangulo ng Jacob, at mga pinuno ng sangbahayan ni Israel: hindi baga sa inyo ang pagalam ng katuwiran.

75
Mga Konsepto ng TaludtodAhas, MgaTiyanMaysala, Takot ngGrupong NanginginigBagay na Tulad ng Ahas, MgaInaalam kung Ano ang Kinakain ng mga HayopIlagay sa Isang LugarPangalagaan ang DaigdigAboUod

Sila'y magsisihimod sa alabok na parang ahas; parang nagsisiusad na hayop sa lupa sila'y magsisilabas na nagsisipanginig mula sa kanilang mga kulungan; sila'y magsisilapit na may takot sa Panginoon nating Dios, at mangatatakot dahil sa iyo.

76
Mga Konsepto ng TaludtodNakataling mga MaisKakulangan sa PagkilalaKaritGiikanKapurulanEspirituwal na KamangmanganDiyos, Isipan ngHindi Nauunawaan ang mga Bagay ng Diyos

Nguni't hindi nila nalalaman ang mga pagiisip ng Panginoon, ni nauunawa man nila ang kaniyang payo; sapagka't kaniyang pinisan sila na parang mga bigkis sa giikan.

77
Mga Konsepto ng TaludtodMahinang mga BabaeDiyos na Nagbibigay Luwalhati

Ang mga babae ng aking bayan ay inyong pinalalayas sa kanilang mga masayang bahay; sa kanilang mga bata ay inyong inaalis ang aking kaluwalhatian magpakailan man.

79
Mga Konsepto ng TaludtodPaglisanPagkawasakBumangon Ka!Maruming Bagay, MgaKarumihanKapahingahanKorapsyon

Kayo'y magsibangon, at magsiyaon; sapagka't hindi ito ang inyong kapahingahan; dahil sa karumihan na lumilipol sa makatuwid baga'y sa mahigpit na paggiba.

80
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang PastolDiyos, Kamaharlikahan ngDiyos na PanginoonCristo, bilang PastolDiyos na Nagbibigay LakasCristo, Mismong Kaluwalhatian niDiyos na Nagtatatag sa AtinDiyos na Nagbibigay LakasSa Ngalan ng DiyosPangalagaan ang Daigdig

At siya'y titindig, at magpapakain ng kaniyang kawan sa kalakasan ng Panginoon, sa kamahalan ng pangalan ng Panginoon niyang Dios: at sila'y mananatili; sapagka't ngayon siya'y magiging dakila hanggang sa mga wakas ng lupa.

81
Mga Konsepto ng TaludtodAlakKasaganahan, Materyal naAlkohol, Paggamit ngMalakas na InuminPropesiya, KasinungalingangMatinding KahibanganBeer

Kung ang isang taong lumalakad sa espiritu ng kabulaanan ay nagsisinungaling, na nagsasabi, Ako'y manghuhula sa iyo tungkol sa alak at matapang na inumin; siya nga'y magiging propeta sa bayang ito.

82
Mga Konsepto ng TaludtodPagkabingiEspirituwal na PagkabingiMga Taong TahimikLuging Balik sa KapangyarihanKahihiyan ay DaratingHindi Pinapakinggan

Makikita ng mga bansa, at mangapapahiya sa buo nilang kapangyarihan; kanilang ilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig, ang kanilang mga pakinig ay mabibingi.

83
Mga Konsepto ng TaludtodKakutyaan, Katangian ngTradition, MgaMasamang mga KasamaMasamang mga KasamahanDiyos na LumilipolTumutupad ng SalitaBantayog

Sapagka't naiingatan ang mga palatuntunan ni Omri, at ang lahat na gawa ng sangbahayan ni Achab, at kayo'y nagsisilakad ng ayon sa kanilang mga payo; upang gawin kitang kasiraan, at ang mga mananahan niya'y kasutsutan: at inyong dadalhin ang kakutyaan ng aking bayan.

85
Mga Konsepto ng TaludtodKasaganahanPaanyaya, MgaKapahingahan, Pisikal naNauupoPuno ng UbasPuno, MgaNaguupo na PanatagPinalaya sa TakotDiyos bilang Mandirigma

Kundi sila'y uupo bawa't isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang punong igos; at walang tatakot sa kanila: sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon ng mga hukbo.

86
Mga Konsepto ng TaludtodTrosong PanggibaPaglalakbay kasama ang DiyosPangalan at Titulo para kay CristoGawa ng Pagbubukas, AngPagbubukas sa Ibang TaoHadlang, MgaHalimbawa ng PamumunoPaghihiwalayPatulin ang KadenaLimitasyon, Mga

Nangunguna sa kanila yaong nagbubukas ng daan: sila'y nagbukas ng daan at nagsidaan sa pintuang-bayan, at nagsilabas doon; at ang kanilang hari ay nagpauna sa kanila, at ang Panginoon sa unahan nila.

88
Mga Konsepto ng TaludtodPanganganakPaghihirap ng isang NanganganakHirap ng PanganganakNakaligtas sa Israel, MgaPaglakiping Muli

Kaya't kaniyang ibibigay sila hanggang sa panahon na siya na nagdaramdam ay manganak: kung magkagayon ang nalabi sa kaniyang mga kapatid ay babalik sa mga anak ni Israel.

89
Mga Konsepto ng TaludtodNamumulotBungaPuno ng IgosUbasPagiisaTaginitAntigoHindi Inaani ang Iyong Itinanim

Sa aba ko! sapagka't ako'y gaya ng kanilang pisanin ang mga bunga sa taginit, gaya ng mga pamumulot ng ubas sa ubasan: walang kumpol na makain; ako'y nananabik sa unang bunga ng igos.

90
Mga Konsepto ng TaludtodPagiimbot, Utos laban saMapagbigay na TaoKawalang Katarungan, Katangian at PinagmulanLupain bilang Pananagutan ng DiyosPagaari na KabahayanPagaari na LupainKatangian ng MasamaKasakiman, Kahihinatnan ngGawing mga Pag-aariManaPagaariPaniniilManloloko

At sila'y nangagiimbot ng mga bukid, at kanilang inaangkin; at ng mga bahay, at inaalis: at kanilang pinipighati ang isang tao at ang kaniyang sangbahayan, ang tao, at ang kaniyang mana.

91
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang ManunubosKalayaan, Pagsasabuhay nito sa Lumang TipanKatubusan sa Bawat ArawDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa EhiptoDiyos, Pakikialam ngPangaalipinLingkod, Punong

Sapagka't ikaw ay aking iniahon mula sa lupain ng Egipto, at tinubos kita sa bahay ng pagkaalipin; at aking sinugo sa unahan mo si Moises, si Aaron, at si Miriam.

92
Mga Konsepto ng TaludtodPitong TaoWalang TaoTinatapakan ang mga Lugar

At ang lalaking ito ay magiging kapayapaan natin. Pagka ang taga Asiria ay papasok sa ating lupain, at pagka siya'y tutungtong sa ating mga palacio, tayo nga'y mangagtitindig laban sa kaniya ng pitong pastor, at walong pinakapangulong tao.

93
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niDiyos, Katuwiran ngKasaysayanNakaraan, AngSumasagot na BayanDiyos na Gumagawa ng TamaPagsasagawa ng TamaTao, Payo ng

Oh bayan ko, alalahanin mo ngayon kung ano ang isinangguni ni Balac na hari sa Moab, at kung ano ang isinagot sa kaniya ni Balaam na anak ni Beor; alalahanin mo mula sa Sittem hanggang sa Gilgal, upang iyong maalaman ang mga matuwid na gawa ng Panginoon.

94
Mga Konsepto ng TaludtodAsal Hayop na PamumuhayTao, Balat ngBinabalatanButo, MgaPagkamuhi sa KabutihanPagmamahal sa MasamaGalitMga Taong may Galit

Kayong napopoot sa mabuti at umiibig sa kasamaan; na siyang umaagaw sa mga dukha ng balat nila, at ng kanilang laman sa kanilang mga buto;

95
Mga Konsepto ng TaludtodKalderoButo, Mga BalingMga Taong HinuhubaranBinabalatanPalayok sa Pagluluto at Hapag KainanPaglulutoPalayok

Kayo ring kumakain ng laman ng aking bayan, at lumalapnos ng kanilang balat, at bumabali ng kanilang mga buto, at kanilang pinagputolputol yaon, na wari'y para sa palyok, at parang laman sa loob ng caldera.

96
Mga Konsepto ng TaludtodPisngiTagapamahala, MgaPangalan at Titulo para kay CristoCristo, Mga Pangalan niPagtampal sa PisngiPagtipon sa mga KawalHampasin ang mga Tao ng TungkodBansang mga Sumalakay sa Israel, MgaMessias, Propesiya tungkol sa

Ngayon ay mapipisan ka sa mga hukbo, Oh anak na babae ng mga hukbo: siya'y nangubkob laban sa atin; kanilang hahampasin sa pisngi ang hukom ng Israel ng isang tungkod.

97
Mga Konsepto ng TaludtodPangangasoLambatMasamang PanahonKatuwiranMga Taong NaghihintayTao, Patibong saWalang Sinuman na MaariAng Matuwid ay NapapahamakMakaDiyos na LalakeMabuting Tao

Ang mabuting tao ay namatay sa lupa, at wala nang matuwid sa mga tao: silang lahat ay nagsisibakay upang magbubo ng dugo; hinuhuli ng bawa't isa ang kaniyang kapatid sa pamamagitan ng silo.

99
Mga Konsepto ng TaludtodSumasagot na DiyosAnong Ginagawa ng Diyos?Kapaguran ng Diyos

Oh bayan ko, anong ginawa ko sa iyo? at sa ano kita pinagod? sumaksi ka laban sa akin.

100
Mga Konsepto ng TaludtodTinik,MgaDamo, MgaPagdalawAng Oras ng Kanyang Pagpaparito

Ang pinakamahusay sa kanila ay parang dawag; ang pinakamatuwid ay masama kay sa isang bakod na tinikan: ang araw ng inihula sa iyo ng mga bantay, sa makatuwid baga'y ang araw ng pagdalaw sa iyo, ay dumating; ngayo'y mangatitigilan sila.

101
Mga Konsepto ng TaludtodKaloob, MgaKaalyadoPangarap, Negatibong Aspeto ngMasamang mga PinunoHukom, MgaKapangyarihan ng TaoGantimpala ng TaoHusayTagapamahala, MasamangKatangian ng MasamaKatusuhanMahusay sa Paggamit ng Dalawang KamayDalawang Bahagi sa KatawanPagpapatuloy sa KasalananPagharian

Ang kanilang mga kamay ay nangasa kasamaan upang sikaping isagawa; ang prinsipe ay humihingi, at ang hukom ay maagap sa suhol; at ang dakilang tao ay nangagsasalita ng masamang hangad ng kaniyang kaluluwa: ganito nila nilalala.

102
Mga Konsepto ng TaludtodMakinig sa Diyos!Tao, Nagtatanggol na

Dinggin ninyo ngayon kung ano ang sinasabi ng Panginoon: Bumangon ka, makipagkaalit ka sa harap ng mga bundok, at dinggin ng mga burol ang iyong tinig.

103
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakaalam sa Pamamaraan ng DiyosPakikibahagi kay CristoPaglalakbay, Banal naPagbangon, SamahangSalita ng DiyosDiyos bilang GuroPapunta sa Taas ng BundokDiyos na NagtuturoPaglalakad sa Daan ng DiyosAng Ebanghelyo para sa mga BansaAng Templo sa LangitAng Kautusan ay Ibinigay sa IsraelLandas, Mga

At maraming bansa'y magsisiparoo't mangagsasabi, Magsiparito kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, at sa bahay ng Dios ni Jacob; at siya'y magtuturo sa atin ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas. Sapagka't sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem;

104
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kahabagan ngPagkalimotKalalimanDiyos, Katiyagaan ngKaragatanKinalimutanPangako na Dapat Tindigan, MgaDiyos, Magpapakita ng Awa angSa Pusod ng DagatAng KaragatanPusa

Siya'y muling magtataglay ng habag sa atin; kaniyang yayapakan ang ating kasamaan: at kaniyang ihahagis ang lahat nilang kasalanan sa mga kalaliman ng dagat.

105
Mga Konsepto ng TaludtodMadilim na mga ArawDiyos na Nagbibigay LiwanagMagmumula sa KadilimanKinaugaliang PagbangonKaaway, MgaBumangonLiwanag

Huwag kang magalak laban sa akin, Oh aking kaaway: pagka ako'y nabuwal, ako'y babangon; pagka ako'y naupo sa kadiliman, ang Panginoo'y magiging ilaw sa akin.