Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Nehemias 13

Nehemias Rango:

23
Mga Konsepto ng TaludtodGunitaPaninindigan sa DiyosBanal na PagalalaBurahin

Alalahanin mo ako, Oh aking Dios, tungkol dito, at huwag mong pawiin ang aking mga mabuting gawa na aking ginawa sa ikabubuti ng bahay ng aking Dios, at sa pagganap ng kaugaliang paglilingkod doon.

42
Mga Konsepto ng TaludtodLikhang-Sining, Uri ngPuno ng IgosAgrikultura, Mga Kataga saUbasRepormasyonKapahingahan, Pisikal naPampiga ng UbasIgosPagtapak sa mga UbasSabbath, Paglabag sa

Nang mga araw na yaon ay nakita ko sa Juda ang ilang nagpipisa sa mga ubasan sa sabbath, at nagdadala ng mga uhay, at nangasasakay sa mga asno; gaya naman ng alak, mga ubas, at mga higos, at lahat na sarisaring pasan, na kanilang ipinapasok sa Jerusalem sa araw ng sabbath: at ako'y nagpatotoo laban sa kanila sa kaarawan na kanilang ipinagbibili ang mga pagkain.

47
Mga Konsepto ng TaludtodSabbath, Paglabag sa

Doo'y nagsisitahan naman ang mga taga Tiro, na nangagpapasok ng isda, at ng sarisaring kalakal, at nangagbibili sa sabbath sa mga anak ni Juda, at sa Jerusalem.

70
Mga Konsepto ng TaludtodMararangal na TaoKalapastangananGalit, Halimbawa ng MakatuwirangPagtataloSabbath, Paglabag sa

Nang magkagayo'y nakipagtalo ako sa mga mahal na tao sa Juda, at sinabi ko sa kanila, Anong masamang bagay itong inyong ginagawa, at inyong nilalapastangan ang araw ng sabbath?

107
Mga Konsepto ng TaludtodSabbath, Paglabag sa

Hindi ba nagsigawa ng ganito ang inyong mga magulang, at hindi ba dinala ng ating Dios ang buong kasamaang ito sa atin, at sa bayang ito? gayon ma'y nangagdala pa kayo ng higit na pag-iinit sa Israel, sa paglapastangan ng sabbath.

112
Mga Konsepto ng TaludtodLahi sa Lahi

Nang mga araw namang yaon ay nakita ko ang mga Judio na nangagaasawa sa mga babae ng Asdod, ng Ammon, at ng Moab:

125

Nang magkagayo'y nagpatotoo ako laban sa kanila, at nagsabi sa kanila, Bakit nagsisitigil kayo sa may kuta? kung kayo'y magsigawa uli ng ganiyan, aking pagbubuhatan ng kamay kayo. Mula nang panahong yaon ay hindi na sila naparoon pa ng sabbath.

126
Mga Konsepto ng TaludtodMga Utos sa Lumang TipanNililinis ang Sarili

At ako'y nagutos sa mga Levita na sila'y mangagpakalinis, at sila'y magsiparoon, at ingatan ang mga pintuang-bayan, upang ipangilin ang araw ng sabbath. Alalahanin mo ako, Oh aking Dios, dito man, at kahabagan mo ako ayon sa kalakhan ng iyong kaawaan.

136

Sa gayo'y ang mga mangangalakal at manininda ng sarisaring kalakal, ay nangatigil sa labas ng Jerusalem na minsan o makalawa.

137
Mga Konsepto ng TaludtodPagtalikod, Halimbawa ng IsraelSolomon, Katangian niNatatanging mga Tao

Hindi ba nagkasala si Salomon na hari sa Israel sa pamamagitan ng mga bagay na ito? gayon man sa gitna ng maraming bansa ay walang haring gaya niya; at siya'y minahal ng kaniyang Dios, at ginawa siyang hari ng Dios sa buong Israel: gayon ma'y pinapagkasala rin siya ng mga babaing taga ibang lupa.

139

At isa sa mga anak ni Joiada, na anak ni Eliasib na dakilang saserdote, ay manugang ni Sanballat na Horonita: kaya't aking pinalayas siya sa akin.

140
Mga Konsepto ng TaludtodPiraso, KalahatingTalumpati

At ang kanilang mga anak ay nagsasalita ng kalahati sa wikang Asdod, at hindi makapagsalita ng wikang Judio, kundi ayon sa wika ng bawa't bayan.

146
Mga Konsepto ng TaludtodSumpa ng TaoPaghagupitBuhok, MgaPagtataloBuhok, Pagaalis ngSinusumpa ang Di-MatuwidMga Taong Tali ng PanataPanunumpaLahi sa Lahi

At ako'y nakipagtalo sa kanila, at sinumpa ko sila, at sinaktan ko ang iba sa kanila, at sinabunutan ko sila, at pinasumpa ko sila sa pamamagitan ng Dios, na sinasabi ko, Kayo'y huwag mangagbibigay ng inyong mga anak na babae na maging asawa sa kanilang mga anak na lalake, ni magsisikuha man ng kanilang mga anak na babae sa ganang inyong mga anak na lalake, o sa inyong sarili.

178
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Tapat sa Diyos

Didinggin nga ba namin kayo na inyong gawin ang lahat na malaking kasamaang ito, na sumalangsang laban sa ating Dios sa pagaasawa sa mga babaing taga ibang lupa?

229
Mga Konsepto ng TaludtodPag-Iwas sa mga BanyagaTakdang Aralin

Ganito ko nilinis sila sa lahat ng taga ibang lupa, at tinakdaan ko ng mga katungkulan ang mga saserdote at ang mga Levita, na bawa't isa'y sa kaniyang gawain;

311
Mga Konsepto ng TaludtodAnino, MgaLungsod, MgaIpinipinid ang TarangkahanKadiliman ng Gabi

At nangyari, na nang ang pintuang-bayan ng Jerusalem ay magpasimulang magdilim bago dumating ang sabbath, aking iniutos na ang mga pintuan ay sarhan, at iniutos ko na huwag nilang buksan hanggang sa makaraan ang sabbath: at ang ilan sa aking mga lingkod ay inilagay ko sa mga pintuang-bayan, upang walang maipasok na pasan sa araw ng sabbath.

313
Mga Konsepto ng TaludtodTagapakinigPagbabasaMoises, Kahalagahan niPagbabasa ng KasulatanAklat ng KautusanKautusan na Nagbabawal sa mga Banyaga

Nang araw na yaon ay bumasa sila sa aklat ni Moises sa pakinig ng bayan; at doo'y nasumpungang nakasulat, na ang Ammonita at Moabita, ay huwag papasok sa kapulungan ng Dios magpakailan man.

316
Mga Konsepto ng TaludtodKamag-Anak, Mga

Bago nga nangyari ito, si Eliasib na saserdote, na nahalal sa mga silid ng bahay ng aming Dios, palibhasa'y nakipisan kay Tobias.

317
Mga Konsepto ng TaludtodKapabayaanKoroIkapu, MgaAgrikulturaIkapu at HandogPagsasaka

At nahalata ko na ang mga bahagi ng mga Levita ay hindi nangabigay sa kanila; na anopa't ang mga Levita, at ang mga mangaawit na nagsisigawa ng gawain, ay nangagsitakas bawa't isa sa kanikaniyang bukid.

320
Mga Konsepto ng TaludtodBantayIkapu, MgaKarne, Handog na

Ay ipinaghanda siya ng isang malaking silid, na kinasisidlan noong una ng mga handog na harina, ng mga kamangyan, at ng mga sisidlan, at ng mga ikasangpung bahagi ng trigo, ng alak, at ng langis, na nabigay sa pamamagitan ng utos sa mga Levita, at sa mga mangaawit, at sa mga tagatanod-pinto; at ang mga handog na itataas na ukol sa mga saserdote.

323
Mga Konsepto ng TaludtodUmuupaPagpapala at SumpaSinusumpa ang Israel

Sapagka't hindi nila sinalubong ang mga anak ni Israel ng tinapay at ng tubig, kundi inupahan si Balaam laban sa kanila, upang sumpain sila: gayon ma'y pinapaging pagpapala ng aming Dios ang sumpa.

329
Mga Konsepto ng TaludtodLingkod, MabubutingKatapatanPananalapiKamalig ng Pagkain

At ginawa kong mga tagaingat-yaman sa mga ingatang-yaman, si Selemias na saserdote, at si Sadoc na kalihim, at sa mga Levita, si Pedaias: at kasunod nila ay si Hanan na anak ni Zaccur, na anak ni Mathanias: sapagka't sila'y nangabilang na tapat, at ang kanilang mga katungkulan ay magbahagi sa kanilang mga kapatid.

332
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay Lugod sa DiyosPanggatongUnang Bunga

At tungkol sa kaloob na panggatong, sa mga takdang panahon, at tungkol sa mga unang bunga. Alalahanin mo ako, Oh Dios ko, sa ikabubuti.

336
Mga Konsepto ng TaludtodTipan ng Diyos sa mga Saserdote

Alalahanin mo sila, Oh Dios ko, sapagka't kanilang dinumhan ang pagkasaserdote, at ang tipan ng pagkasaserdote at ng sa mga Levita.

343
Mga Konsepto ng TaludtodHaring ArtaxerxesUmalis na

Nguni't sa buong panahong ito ay wala ako sa Jerusalem: sapagka't sa ikatatlong pu't dalawang taon ni Artajerjes na hari sa Babilonia ay naparoon ako sa hari, at pagkatapos ng ilang araw ay nagpaalam ako sa hari:

344
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakahiwalaySari Saring mga TaoPagkakahiwalay mula sa mga Masamang TaoHalo Halong mga TaoKautusan na Nagbabawal sa mga Banyaga

At nangyari, nang kanilang marinig ang kautusan, na inihiwalay nila sa Israel ang buong karamihang halohalo.

347
Mga Konsepto ng TaludtodTrigoAlakIkapu, MgaPaghahatid ng IkapuIkapu at Handog

Nang magkagayo'y dinala ng buong Juda ang ikasangpung bahagi ng trigo at ng alak at ng langis sa mga ingatang-yaman.

348

At ako'y naparoon sa Jerusalem, at naalaman ko ang kasamaang ginawa ni Eliasib tungkol kay Tobias, sa paghahanda niya sa kaniya ng isang silid sa mga looban ng bahay ng Dios.

351
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging PinabayaanKapabayaanPagtataloTalikuran ang mga Bagay ng Diyos

Nang magkagayo'y nakipagtalo ako sa mga pinuno, at sinabi ko, Bakit pinabayaan ang bahay ng Dios? At pinisan ko sila, at inilagay sa kanilang kalagayan.

352
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahandang EspirituwalSeremonyaBahay ng DiyosMalinis na mga Bagay

Nang magkagayo'y nagutos ako, at nilinis nila ang mga silid; at dinala ko uli roon ang mga sisidlan ng bahay ng Dios pati ng mga handog na harina at ng kamangyan.

355

At ikinamanglaw kong mainam: kaya't aking inihagis ang lahat na kasangkapan ni Tobias sa labas ng silid.