Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Nehemias 4

Nehemias Rango:

13
Mga Konsepto ng TaludtodPanakipHindi PagpapatawadDiyos na Hindi NagpapatawadSalaGalit at Pagpapatawad

At huwag mong ikubli ang kanilang kasamaan, at huwag mong pawiin ang kanilang kasalanan sa harap mo: sapagka't kanilang minungkahi ka sa galit sa harap ng mga manggagawa.

34
Mga Konsepto ng TaludtodMagaliting mga Tao

Nguni't nangyari, na nang mabalitaan ni Sanballat, at ni Tobias, at ng mga taga Arabia, at ng mga Ammonita, at ng mga Asdodita, na ipinatuloy ang paghuhusay ng mga kuta ng Jerusalem, at ang mga sira ay pinasimulang tinakpan, sila nga'y nangaginit na mainam;

39
Mga Konsepto ng TaludtodKaalyadoSabwatan, MgaKatangian ng MasamaNangguguloSabwatan

At nagsipagbanta silang lahat na magkakasama upang magsiparoon, at magsilaban sa Jerusalem, at upang manggulo roon.

58
Mga Konsepto ng TaludtodImposible para sa mga TaoBasuraWalang Lakas na NatiraPagod sa Gawain

At ang Juda ay nagsabi, Nawalan ng lakas ang mga tagadala ng mga pasan, at may maraming dumi; na anopa't hindi kami makapagtayo ng kuta.

110
Mga Konsepto ng TaludtodSandata, MgaMga Taong Hinuhubaran

Sa gayo'y maging ako, ni ang aking mga kapatid man, ni ang aking mga lingkod man, ni ang mga lalake mang bantay na nagsisisunod sa akin, ay walang naghubad sa amin ng aming mga suot, na bawa't isa'y yumaon na may kaniyang sandata sa tubig.

111
Mga Konsepto ng TaludtodMagaliting mga TaoMuling Pagtatatag

Nguni't nangyari, na nang mabalitaan ni Sanballat na aming itinayo ang kuta, siya'y naginit, at nagalit na mainam, at tinuya ang mga Judio.

113
Mga Konsepto ng TaludtodKumakalat

At sinabi ko sa mga mahal na tao at sa mga pinuno, at sa nalabi sa bayan: Ang gawain ay malaki at malaon, at tayo'y nangagkakahiwalay sa kuta, isa'y malayo sa isa:

123
Mga Konsepto ng TaludtodPagtigilWalang Alam sa HinaharapTinatangkang Patayin ang Ganitong mga TaoKoponan

At sinabi ng aming mga kalaban: Sila'y hindi mangakakaalam, o mangakakakita man hanggang sa kami ay magsidating sa gitna nila, at patayin sila, at ipatigil ang gawain.

131
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig, at ang MundoMararangal na TaoHuwag Matakot sa TaoPakikipaglaban sa mga KaawayDiyos na Dapat KatakutanPamilyaPamilya, Pagibig saPagibig at PamilyaPamilya at mga KaibiganPamilya, Kaguluhan saNagtitiwala sa Diyos at Hindi NababalisaPagtagumpayan ang KahirapanKaaway, Atake ng mgaPagiingat sa Iyong PamilyaKahinaanMananampalataya na Umaalala sa Diyos

At ako'y tumingin, at tumayo, at nagsabi sa mga mahal na tao, at sa mga pinuno, at sa nalabi sa bayan: Huwag kayong mangatakot sa kanila: inyong alalahanin ang Panginoon, na dakila at kakilakilabot, at ipakipaglaban ninyo ang inyong mga kapatid, ang inyong mga anak na lalake at babae, ang inyong mga asawa at ang inyong mga bahay.

138
Mga Konsepto ng TaludtodPamilya, Pagiging Isa ngSibat, MgaPagiingat sa Iyong PamilyaKahinaan

Kaya't inilagay ko sa mga pinakamababang dako ng pagitan ng likuran ng kuta, sa mga luwal na dako, sa makatuwid baga'y aking inilagay ang bayan ayon sa kanilang mga angkan, pati ng kanilang mga tabak, ng kanilang mga sibat, at ng kanilang mga busog.

164
Mga Konsepto ng TaludtodSampung UlitPagbibigay ng ImpormasyonKahinaan

At nangyari, na nang magsidating ang mga Judio na nagsisitahan sa siping nila, sinabi nila sa aming makasangpu, mula sa lahat na dako: Kayo'y marapat magsibalik sa amin.

203
Mga Konsepto ng TaludtodKabigatanKonstruksyonMuling Pagtatatag

Silang nangagtayo ng kuta, at silang nangagpapasan ng mga pasan ay nagsipagsakbat, bawa't isa'y may isa ng kaniyang mga kamay na iginagawa sa gawain, at may isa na inihahawak ng kaniyang sakbat;

212
Mga Konsepto ng TaludtodJudaismoKatangian ng MasamaPagkamahinaLaban sa mga JudioMaiksing Panahon para Kumilos

At siya'y nagsalita sa harap ng kaniyang mga kapatid, at ng hukbo ng Samaria, at nagsabi, Anong ginagawa nitong mahihinang Judio? magpapakatibay ba sila? mangaghahain ba sila? wawakasan ba nila sa isang araw? kanila bang bubuhayin ang mga bato mula sa mga bunton ng dumi, dangang nangasunog na ang mga yaon?

220
Mga Konsepto ng TaludtodKalasag sa DibdibBalutiSanggalangKalasag, Sanggalang naPiraso, KalahatingKalahati ng mga Grupo

At nangyari, mula nang panahong yaon, na kalahati sa aking mga lingkod ay nagsigawa sa gawain, at kalahati sa kanila ay nagsisihawak ng mga sibat, mga kalasag, at mga busog, at ng mga baluti; at ang mga pinuno ay nangasa likuran ng buong sangbahayan ng Juda.

225
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaDiyos na HumahadlangDiyos, Plano ngPlano ng Diyos Para Sa Atin

At nangyari, nang mabalitaan ng aming mga kaaway na naalaman namin, at iniuwi sa wala ng Dios ang kanilang payo, na kami na nagsibalik na lahat sa kuta, bawa't isa'y sa kaniyang gawa.

232
Mga Konsepto ng TaludtodTrumpeta para sa Pagbibigay Hudyat

Sa anomang dako na inyong marinig ang tunog ng pakakak, ay makipisan kayo sa amin; ipakikipaglaban tayo ng ating Dios.

235
Mga Konsepto ng TaludtodLiwaywaySigasigMasigasig, Halimbawa ng PagigingIndustriya, Halimbawa ngMula Umaga hanggang GabiKalahati ng mga Grupo

Ganito nagsigawa kami sa gawain: at kalahati sa kanila ay nagsisihawak ng mga sibat mula sa pagbubukang liwayway hanggang sa ang mga bituin ay magsilitaw.

254
Mga Konsepto ng TaludtodAmmonitaSoro, Mga

Si Tobias nga na Ammonita ay nasa tabi niya, at sinabi niya, Bagaman sila'y nangagtatayo, kung ang isang zorra ay sumampa, ibabagsak ang kanilang mga batong kuta.

255

Sinabi ko rin nang panahong yaon sa bayan: Magsitahan bawa't isa sa Jerusalem, na kasama ng kanikaniyang lingkod upang sa gabi ay maging bantay sila sa atin, at makagawa sa araw.

258
Mga Konsepto ng TaludtodInstrumentalista, MgaPamilya, Kaguluhan saKahinaanMuling Pagtatatag

At ang mga manggagawa, bawa't isa'y may kaniyang tabak na nakasabit sa kaniyang tagiliran, at gayon gumagawa. At ang nagpapatunog ng pakakak ay nasa siping ko.

265
Mga Konsepto ng TaludtodUlo, MgaPagiging MababaUmiiyak sa DiyosHayaang Lumago ang KasamaanMakinig ka O Diyos!

Dinggin mo, Oh aming Dios: sapagka't kami ay hinamak; at ibalik mo ang kanilang pagdusta sa kanilang sariling ulo, at ibigay mo sila sa pagkasamsam sa isang lupain sa pagkabihag: