25 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Instrumentalista, Mga

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Bilang 10:8

At ang mga anak ni Aaron, ang mga saserdote, ay magsisihihip ng mga pakakak; at magiging palatuntunan sa inyo magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi.

Nehemias 4:18

At ang mga manggagawa, bawa't isa'y may kaniyang tabak na nakasabit sa kaniyang tagiliran, at gayon gumagawa. At ang nagpapatunog ng pakakak ay nasa siping ko.

Mateo 11:17

At sinasabi, Tinutugtugan namin kayo ng plauta, at hindi kayo nagsisisayaw; nagsipanambitan kami, at hindi kayo nangahapis.

Pahayag 18:22

At ang tinig ng mga manunugtog ng alpa, at ng mga musiko at ng mga manunugtog ng plauta, at ng mga manunugtog ng pakakak ay hindi na maririnig pa sa iyo; at wala nang manggagawa ng anomang gawa ay masusumpungan pa sa iyo; at ang ugong ng gilingan ay hindi na maririnig pa sa iyo;

1 Samuel 16:16

Iutos ngayon ng aming panginoon sa iyong mga bataan na nasa harap mo na humanap ng isang lalake na bihasang manunugtog ng alpa; at mangyayari, pagka ang masamang espiritu na mula sa Dios ay nasa iyo na siya'y tutugtog ng kaniyang kamay at ikaw ay bubuti.

1 Samuel 16:17

At sinabi ni Saul sa kaniyang mga bataan, Ipaghanda ninyo ako ngayon ng isang lalake na makatutugtog na mabuti, at dalhin ninyo sa akin siya.

1 Samuel 16:18

Nang magkagayo'y sumagot ang isa sa mga bataan, at nagsabi, Narito, aking nakita ang isang anak ni Isai na Bethlehemita, na bihasa sa panunugtog, at makapangyarihang lalake na may tapang, at lalaking mangdidigma, at matalino sa pananalita, at makisig na lalake, at ang Panginoon ay sumasa kaniya.

1 Samuel 16:23

At nangyari, pagka ang masamang espiritu na mula sa Dios ay sumasa kay Saul, ay kinukuha ni David ang alpa, at tinutugtog ng kaniyang kamay: gayon nagiginhawahan si Saul, at bumubuti, at ang masamang espiritu ay nahihiwalay sa kaniya.

1 Samuel 18:10

At nangyari nang kinabukasan, na ang masamang espiritu na mula sa Dios ay dumating na makapangyarihan kay Saul, at siya'y nanghula sa gitna ng bahay: at si David ay tumugtog ng kaniyang kamay, gaya ng kaniyang ginagawa araw-araw; at hawak ni Saul ang kaniyang sibat sa kaniyang kamay.

1 Samuel 19:9

At isang espiritung masama na mula sa Panginoon ay suma kay Saul, nang siya'y nakaupo sa kaniyang bahay na tangan niya ang kaniyang sibat sa kaniyang kamay; at tumugtog si David sa pamamagitan ng kaniyang kamay.

2 Mga Hari 3:15

Nguni't ngayo'y dalhan ninyo ako ng isang manunugtog. At nangyari, nang ang manunugtog ay tumugtog, na ang kamay ng Panginoon ay suma kaniya.

Pahayag 14:2

At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog: at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa:

1 Paralipomeno 6:31-48

At ang mga ito ang mga inilagay ni David sa pag-awit sa bahay ng Panginoon, pagkatapos na maipagpahinga ang kaban. At sila'y nagsipangasiwa sa pamamagitan ng awit sa harap ng tolda ng tabernakulo ng kapisanan hanggang sa itinayo ni Salomon ang bahay ng Panginoon sa Jerusalem: at sila'y nagsipaglingkod sa kanilang katungkulan ayon sa kanilang pagkakahalihalili. At ang mga ito ang nagsipaglingkod at ang kanilang mga anak. Sa mga anak ng mga Coathita: si Heman, na mangaawit, na anak ni Joel, na anak ni Samuel;magbasa pa.
Na anak ni Elcana, na anak ni Jeroham, na anak ni Eliel, na anak ni Thoa; Na anak ni Suph, na anak ni Elcana, na anak ni Mahath, na anak ni Amasai; Na anak ni Elcana, na anak ni Joel, na anak ni Azarias, na anak ni Sophonias; Na anak ni Thahat, na anak ni Asir, na anak ni Ahiasaph, na anak ni Core; Na anak ni Ishar, na anak ni Coath, na anak ni Levi, na anak ni Israel. At ang kaniyang kapatid na si Asaph, na siyang nakatayo sa kaniyang kanan, sa makatuwid baga'y si Asaph na anak ni Berachias, na anak ni Sima; Na anak ni Michael, na anak ni Baasias, na anak ni Malchias; Na anak ni Athanai, na anak ni Zera, na anak ni Adaia; Na anak ni Ethan, na anak ni Zimma, na anak ni Simi; Na anak ni Jahat, na anak ni Gersom, na anak ni Levi. At sa kaliwa ay ang kanilang mga kapatid na mga anak ni Merari: si Ethan na anak ni Chisi, na anak ni Abdi, na anak ni Maluch; Na anak ni Hasabias, na anak ni Amasias, na anak ni Hilcias; Na anak ni Amasias, na anak ni Bani, na anak ni Semer; Na anak ni Mahali, na anak ni Musi, na anak ni Merari, na anak ni Levi. At ang kanilang mga kapatid na mga Levita ay nangahalal sa buong paglilingkod sa tabernakulo ng bahay ng Dios.

1 Paralipomeno 15:16

At si David ay nagsalita sa pinuno ng mga Levita, na ihalal ang kanilang mga kapatid na mangaawit, na may mga panugtog ng tugtugin, mga salterio, at mga alpa, at mga simbalo, upang magsitugtog ng malakas, at maglakas ng tinig na may kagalakan.

1 Paralipomeno 15:19-20

Sa gayo'y ang mga mangaawit, si Heman, si Asaph, at si Ethan, ay nangahalal na may mga simbalong tanso upang patunuging malakas; At si Zacharias, at si Jaaziel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Unni, at si Eliab, at si Maasias, at si Benaias, na may mga salterio na itinugma sa Alamoth;

1 Paralipomeno 16:5-6

Si Asaph ang pinuno, at ang ikalawa niya'y si Zacharias, si Jeiel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Eliab, at si Benaias, at si Obed-edom, at si Jeiel, na may mga salterio at mga alpa; at si Asaph na may mga simbalo, na tumutunog ng malakas; At si Benaias at si Jahaziel na mga saserdote na mga may pakakak na palagi, sa harap ng kaban ng tipan ng Dios.

1 Paralipomeno 16:42

At kasama nila si Heman at si Jeduthun na may mga pakakak at mga simbalo sa mangagpapatunog ng malakas, at mga may panugtog sa mga awit sa Dios: at ang mga anak ni Jeduthun upang mangalagay sa pintuang-daan.

1 Paralipomeno 23:5

At apat na libo ay tagatanod-pinto: at apat na libo ay mangaawit sa Panginoon na may mga panugtog na aking ginawa, sabi ni David, upang ipangpuri.

1 Paralipomeno 25:1

Bukod dito'y si David at ang mga punong kawal ng hukbo ay nagsipaghiwalay sa paglilingkod ng ilan sa mga anak ni Asaph, at ni Heman, at ni Jeduthun; na magsisipuri na may mga alpa, at mga salterio, at may mga simbalo: at ang bilang ng nagsigawa ng ayon sa kanilang paglilingkod.

1 Paralipomeno 25:6-8

Lahat ng mga ito'y nangasa ilalim ng kapangyarihan ng kanilang ama sa pagawit sa bahay ng Panginoon, na may mga simbalo, mga salterio, at mga alpa, sa paglilingkod sa bahay ng Dios; sa ilalim ng kapangyarihan ng hari, sa makatuwid baga'y si Asaph, si Jeduthun, at si Heman. At ang bilang nila, pati ng kanilang mga kapatid na mga tinuruan sa pagawit sa Panginoon, lahat na bihasa ay dalawang daan at walongpu't walo. At sila'y nagsapalaran sa ganang kanilang mga katungkulan, silang lahat na parapara, kung paano ang maliit ay gayon din ang malaki, ang guro na gaya ng mga alagad.

Mateo 9:23

At nang pumasok si Jesus sa bahay ng pinuno, at makita ang mga tumutugtog ng mga plauta, at ang mga taong nangagkakagulo,

2 Paralipomeno 5:12-13

Ang mga Levita rin naman na mga mangaawit, silang lahat, sa makatuwid baga'y si Asaph, si Heman, si Jeduthun, at ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga kapatid na may suot na mainam na kayong lino, na may mga simbalo at mga salterio at mga alpa, ay nangakatayo sa dakong sulok na silanganan ng dambana, at kasama nila'y isang daan at dalawang pung saserdote na nagpapatunog ng mga pakakak:) Nangyari nga, nang ang mga nangagpapakakak at mga mangaawit ay nangagkakatugma, upang mangagpatunog ng isang tunog na maririnig sa pagdalangin at pasasalamat sa Panginoon; at nang kanilang itaas ang kanilang tinig na katugma ng mga pakakak, at mga simbalo, at mga panugtog ng tugtugin at magsipuri sa Panginoon, na magsipagsabi, Sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man: na nang magkagayo'y ang bahay ay napuno ng ulap; sa makatuwid bagay ang bahay ng Panginoon,

2 Paralipomeno 34:12

At ginawa ng mga lalake na may pagtatapat ang gawain: at ang mga tagapamahala ng mga yaon ay si Jahath at si Abdias, na mga Levita, sa mga anak ni Merari; at si Zacharias at si Mesullam, sa mga anak ng mga Coathita, upang ipagpatuloy: at ang iba sa mga Levita, lahat na bihasa sa mga panugtog ng tugtugin.

Never miss a post

n/a