Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Pahayag 18

Pahayag Rango:

39
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaPag-Iwas sa KasalananPakikibahagi sa KasalananKasalo, MgaMasamang mga KasamaMasamang mga KasamahanMagmumula sa MasamaDiyos na Nagsasalita mula sa LangitAng Kahatulan ng BabilonyaPag-ampon, Kabanalang Hatid ng

At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot:

121
Mga Konsepto ng TaludtodAbo, Talinghagang Gamit ngKalakalSandaling PanahonPagkawasak ng BabilonyaBarko, Mga Pangangalakal naAbo sa UloMaiksing Panahon para KumilosNanghihinayang

At sila'y nangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo, at nagsisigawan, na nagiiyakan at nagtataghuyan, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, ang dakilang bayan, na siyang iniyaman ng lahat na may mga daong sa dagat dahil sa kaniyang mga kayamanan! sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol.

135
Mga Konsepto ng TaludtodAnghel, Nagagalak na mgaKawalang Katarungan, Galit ng Diyos saNagagalak sa KatarunganTitulo at Pangalan ng mga Ministro

Magalak ka tungkol sa kaniya, Oh langit, at kayong mga banal, at kayong mga apostol, at kayong mga propeta; sapagka't inihatol ng Dios ang inyong hatol sa kaniya.

144
Mga Konsepto ng TaludtodGilingang BatoBagay na Lumilipas, MgaKalakasan ng mga AnghelPagkawasak ng BabilonyaBabilonya, Pagkawasak ngAnghel, MgaSa Pusod ng Dagat

At dinampot ng isang anghel na malakas ang isang bato, na gaya ng isang malaking gilingang bato, at inihagis sa dagat, na sinasabi, Gayon sa isang kakilakilabot na pagkahulog, igigiba ang Babilonia, ang dakilang bayan, at hindi na masusumpungan pa.

154
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaLalaking IkakasalMga Babaing IkakasalPatnubay ng Diyos, Pangangailangan saPangkukulam at MahikaPagtigilPigilan ang PagsasayaLiwanag ng mga IlawanPag-aasawa, Hindi naYaong mga NalinlangPangkukulam

At ang ilaw ng ilawan ay hindi na liliwanag pa sa iyo, at ang tinig ng kasintahang lalake at ng kasintahang babae ay hindi na maririnig pa sa iyo; sapagka't ang mga mangangalakal mo ay naging mga pangulo sa lupa; sapagka't dinaya ng iyong panggagaway ang lahat ng mga bansa.

182
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaPlautaAlpaGilingang BatoGinigiling na PagkainWalang MusikaInstrumentalista, MgaManggagawa ng SiningSining

At ang tinig ng mga manunugtog ng alpa, at ng mga musiko at ng mga manunugtog ng plauta, at ng mga manunugtog ng pakakak ay hindi na maririnig pa sa iyo; at wala nang manggagawa ng anomang gawa ay masusumpungan pa sa iyo; at ang ugong ng gilingan ay hindi na maririnig pa sa iyo;

251
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaPagkamartir ng mga BanalTao, Tumigis na Dugo ng

At nasumpungan sa kaniya ang dugo ng mga propeta, at ng mga banal, at ng lahat ng mga pinatay sa lupa.

261
Mga Konsepto ng TaludtodLangit at mga AnghelDiyos ng LiwanagAnghel, Gumagawa ng Kalooban ng Diyos ang mga

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan; at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian.

297
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaDemonyo, Masamang Gawain ng mgaDemonyo, Uri ng mgaEspiritu, MgaKasuklamsuklam, Seremonya ngHawlaPagkawasak ng BabilonyaBabilonya, Pagkawasak ngSigaw ng DiyosMaruming Espiritu, MgaTahanan ng mga NilalangIbang Tahanan ng mga NilalangMaruming Hayop, Mga

At siya'y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon.

348
Mga Konsepto ng TaludtodUsokPagsunog sa mga LungsodGumawa Sila ng Imoralidad

At ang mga hari sa lupa, na nangakiapid at nangabuhay na malayaw na kasama niya, ay mangagsisiiyak at mangagsisitaghoy tungkol sa kaniya, pagkakita nila ng usok ng kaniyang pagkasunog,

364
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaPalalong Puso, MgaBulaang TiwalaPusong Makasalanan at TinubosKapalaluan, Halimbawa ngReynaPagpapahirapBalo, MgaKayabangan, Katangian ng MasamaHindi TumatangisDiyos na Nambabagabag

Kung gaano ang pagkakapagmapuri, at pagkapamuhay na malayaw, ay gayon din naman ang ibigay ninyo sa kaniyang pahirap at pagluluksa: sapagka't sinasabi niya sa kaniyang puso, Ako'y nakaupong reina, at hindi ako bao, at hindi ko makikita kailan man ang pagluluksa.

365
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaKalakal

At ang mga mangangalakal sa lupa ay mangagsisiiyak at mangagluluksa tungkol sa kaniya, sapagka't wala nang bibili pa ng kaniyang kalakal;

374
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaKalakasan, MakaDiyos naPagsunog sa mga TaoTaggutom, Darating naPagtangis dahil sa PagkawasakMaiksing Panahon para KumilosTaggutom na DaratingDiyos na MalakasTaggutom

Kaya't darating sa isang araw ang mga salot sa kaniya, kamatayan at pagluluksa, at gutom; at siya'y lubos na susunugin sa apoy; sapagka't malakas ang Panginoong Dios na humatol sa kaniya.

378
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaKamanyangPabangoEspiritu, Kalikasan ngKalakalSinamonKalakalPagbibigay ng AlakProbisyon ng LangisGrupo ng mga Alipin

At kanela, at especias, at incienso, at ungguento, at kamangyan, at alak, at langis, at mainam na harina, at trigo, at mga baka, at mga tupa; at kalakal na mga kabayo at mga karo, at mga alipin; at mga kaluluwa ng mga tao.

382
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaOrasKapangyarihan, Pagliligtas ng DiyosAbaKahirapan ng mga MasamaSandaling PanahonNakatayo sa MalayoTakot sa Ibang BagayMaiksing Panahon para KumilosNanghihinayangAmerika sa Propesiya ng BibliaAng Kahatulan ng Babilonya

At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagka't sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.

389
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaDiyos na Nakakaalala ng KasalananAng Kahatulan ng Babilonya

Sapagka't ang kaniyang mga kasalanan ay umabot hanggang sa langit at naalaala ng Dios ang kaniyang mga katampalasanan.

391
Mga Konsepto ng TaludtodSaro ng Poot ng DiyosPaghihiganti, Halimbawa ngHalo Halong AlakDobleng ParusaHayaang Lumago ang KasamaanPagbibigay, Balik na

Ibigay din ninyo ang ayon sa ibinigay niya sa inyo, at ibayuhin ninyo ng ibayo sa kaniyang mga gawa: sa sarong kaniyang pinaghaluan ay ipaghalo ninyo siya ng ibayo.

392
Mga Konsepto ng TaludtodPaglalakbayPagkawasak ng BabilonyaNakatayo sa MalayoMagdaragatLuging Balik sa KayamananMaiksing Panahon para KumilosPagiging Walang AsawaDistansyaMaglayagPahayag

Sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol ang gayong malaking kayamanan. At bawa't pinunong daong, at bawa't naglalayag saan mang dako, at ang mga mangdaragat, at lahat ng nagsisipaghanap-buhay sa dagat, ay nangakatayo sa malayo,

395
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaPulang-pulaGaringLinoPerlas, MgaMahahalagang BatoKalaswaanKalakalPulang MateryalesLila, Tela na KulayPagkamal na PilakPagkamal ng TansoBato, Mga KasangkapangMamahaling Bato, MgaInihatid na mga GintoBakal

Ng kalakal na ginto at pilak, at mahalagang bato, at mga perlas, at mainam na lino, at kayong kulay ube, at sutla, at kayong pula; at sarisaring mababangong kahoy, at bawa't kasangkapang garing, at bawa't kasangkapang mahalagang kahoy, at tanso, at bakal, at marmol;

399
Mga Konsepto ng TaludtodPulang-pulaGintoLinoPulang Kasuotan, MgaLilang KasuotanGintong PalamutiPagsusuot ng mga PalamutiNanghihinayang

Na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, niyaong dakilang bayan, siya na nararamtan ng mahalagang lino at ng kayong kulay ube, at pula, at napapalamutihan ng ginto at ng mahalagang bato at ng perlas!

400
Mga Konsepto ng TaludtodSalapi, Paguugali saKayamananPagiging Hindi KontentoBagay na Lumilipas, Mga

At ang mga bungang pinipita mo ay nangapalayo sa iyo, at lahat ng mga bagay na maiinam at mariringal ay nangalipol sa iyo, at hindi na mangasusumpungan pa.

403
Mga Konsepto ng TaludtodAbo sa UloPagsunog sa mga LungsodNatatanging mga BagayUmuusok

At nangagsisisigaw pagkakita sa usok ng kaniyang pagkasunog, na nangagsasabi, Anong bayan ang katulad ng dakilang bayan?

405
Mga Konsepto ng TaludtodNakatayo sa MalayoTakot sa Ibang BagayDistansya

Ang mga mangangalakal ng mga bagay na ito, na nangagsiyaman dahil sa kaniya, ay mangagsisitayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nagsisiiyak at nagsisipagluksa;