22 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Taggutom, Darating na

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

2 Samuel 24:13

Sa gayo'y naparoon si Gad kay David, at nagsaysay sa kaniya: at nagsabi sa kaniya, Darating ba sa iyo ang pitong taon na kagutom sa iyong lupain? o tatakas ka bang tatlong buwan sa harap ng iyong mga kaaway samantalang hinahabol ka nila? o magkakaroon ba ng tatlong araw na pagkasalot sa iyong lupain? ngayo'y muniin mo, at dilidilihin mo kung anong kasagutan ang aking ibabalik doon sa nagsugo sa akin.

1 Paralipomeno 21:12

Tatlong taong kagutom; o tatlong buwan na pagkalipol sa harap ng iyong mga kaaway, samantalang ang tabak ng iyong mga kaaway ay umabot sa iyo; o kung dili ay tatlong araw na ang tabak ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang salot sa lupain, at ang anghel ng Panginoon ay mangwawasak sa lahat na hangganan ng Israel. Ngayon nga'y akalain mo kung anong sagot ang ibabalik ko sa kaniya na nagsugo sa akin.

Jeremias 14:18

Kung ako'y lumabas sa parang, narito, ang mga pinatay ng tabak! at kung ako'y pumasok sa bayan, narito, sila na mga may sakit ng pagkagutom! sapagka't ang propeta at gayon din ang saserdote ay lumilibot sa lupain at walang kaalaman.

Deuteronomio 32:24

Sila'y mangapupugnaw sa gutom, at lalamunin ng maningas na init, At ng mapait na pagkalipol; At ang mga ngipin ng mga hayop ay susunugin ko sa kanila, Sangpu ng kamandag ng nangagsisiusad sa alabok.

Ezekiel 4:17

Upang sila'y mangailangan ng tinapay at tubig, at manglupaypay na magkakasama, at manganlata sa kanilang kasamaan.

Ezekiel 7:15

Ang tabak ay nasa labas, at ang salot at ang kagutom ay nasa loob: siyang nasa parang ay mamamatay sa tabak; at siyang nasa bayan, kagutom at salot ay lalamon sa kaniya.

Ezekiel 4:16

Bukod dito'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, narito, aking babaliin ang tungkod ng tinapay sa Jerusalem: at sila'y magsisikain ng tinapay ayon sa timbang, at may pagkatakot; at magsisiinom sila ng tubig ayon sa takal, at manglulupaypay:

Deuteronomio 28:51

At kaniyang kakanin ang anak ng iyong hayop at ang bunga ng iyong lupa, hanggang sa maibuwal ka; na wala ring matitira sa iyong trigo, alak, o langis, ng karagdagan ng iyong bakahan, o ng anak ng iyong kawan, hanggang sa ikaw ay maipalipol.

Hosea 4:10

At sila'y magsisikain, at hindi mangabubusog; sila'y magpapatutot, at hindi dadami; sapagka't sila'y nangagwalang bahala sa Panginoon.

Mikas 6:14

Ikaw ay kakain, nguni't hindi ka mabubusog; at ang iyong pagpapakumbaba ay sasa gitna mo: at ikaw ay magtatabi, nguni't wala kang dadalhing maitatabi; at ang iyong ilalabas ay aking iiwan sa tabak.

Hosea 9:2

Ang giikan at ang pisaan ng ubas ay hindi magpapakain sa kanila, at ang bagong alak ay magkukulang sa kaniya.

Pahayag 18:8

Kaya't darating sa isang araw ang mga salot sa kaniya, kamatayan at pagluluksa, at gutom; at siya'y lubos na susunugin sa apoy; sapagka't malakas ang Panginoong Dios na humatol sa kaniya.

Levitico 26:26

Pagka masisira ko ang tungkod ninyong tinapay, ang sangpung babae ay magluluto ng inyong tinapay sa isa lamang hurno, at sa inyo'y isasauli sa timbang ang inyong tinapay: at kayo'y kakain at hindi kayo mangabubusog.

Mangangaral 6:7

Lahat ng gawa ng tao ay para sa kaniyang bibig, at gayon ma'y ang panglasa ay hindi nasisiyahan.

Marcos 13:8

Sapagka't magtitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at lilindol sa iba't ibang dako; magkakagutom: ang mga bagay na ito'y pasimula ng kahirapan.

Jeremias 15:2

At mangyayari, pagka kanilang sinabi sa iyo, Saan kami magsisilabas? sasaysayin mo nga sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang sa kamatayan, ay sa kamatayan; at ang sa tabak, ay sa tabak; at ang sa kagutom, ay sa kagutom; at ang sa pagkabihag, ay sa pagkabihag.

Jeremias 42:16

Mangyayari nga na ang tabak na inyong kinatatakutan, ay aabot sa inyo roon sa lupain ng Egipto, at ang kagutom na inyong kinatatakutan, ay susunod sa inyong mahigpit doon sa Egipto; at doon kayo mangamamatay.

Jeremias 14:12-16

Pagka sila'y nangagaayuno, hindi ko didinggin ang kanilang daing; at pagka sila'y nangaghahandog ng handog na susunugin at ng alay, hindi ko tatanggapin; kundi aking lilipulin sila ng tabak, at ng kagutom, at ng salot. Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios! narito, sinasabi ng mga propeta sa kanila, Kayo'y hindi makakakita ng tabak, o magkakaroon man kayo ng kagutom; kundi bibigyan ko kayo ng talagang kapayapaan sa dakong ito. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang mga propeta ay nanghuhula ng kasinungalingan sa aking pangalan; hindi ko sila sinugo, o inutusan ko man sila, o nagsalita man ako sa kanila: sila'y nanganghuhula sa iyo ng sinungaling na pangitain, at ng panghuhula, at ng bagay na wala, at ng daya ng kanilang sariling puso.magbasa pa.
Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nanghuhula sa aking pangalan, at hindi ko sila sinugo, na gayon ma'y nagsasabi sila, Tabak at kagutom ay hindi sasapit sa lupaing ito: Sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom ay malilipol ang mga propetang yaon. At ang bayan na kanilang pinanghuhulaan ay ihahagis sa mga lansangan ng Jerusalem dahil sa kagutom at sa tabak; at walang maglilibing sa kanila-sa kanila, sa kanilang mga asawa, o sa kanilang mga anak na lalake man, o babae man: sapagka't aking ibubuhos sa kanila ang kanilang kasamaan.

Job 15:23

Siya'y gumagala dahil sa tinapay, na nagsasabi: Nasaan? Kaniyang nalalaman na ang araw ng kadiliman ay handa sa kaniyang kamay:

Job 20:22

Sa lubos niyang kasaganaan ay magigipit siya; ang kamay ng bawa't nasa karalitaan ay darating sa kaniya.

Never miss a post

n/a