Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Zacarias 8

Zacarias Rango:

17
Mga Konsepto ng TaludtodPundasyonKalakasan ng mga TaoAng Ikalawang TemploPundasyon ng mga GusaliMagpakalakas!Muling Pagtatatag ng TemploNananatiling MalakasPagtatapos ng MalakasMuling Pagtatatag

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Inyong palakasin ang inyong mga kamay, ninyong nangakakarinig sa mga araw na ito ng mga salitang ito sa bibig ng mga propeta, mula nang araw na ilagay ang tatagang-baon sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo, sa templo, upang matayo.

35
Mga Konsepto ng TaludtodKaligtasanKabayaranWalang KapahingahanAng mga Tao at Hayop ay Kapwa NaapektuhanPakikipaglaban sa Isa't IsaWalang Kapayapaan

Sapagka't bago dumating ang mga araw na yaon ay walang upa sa tao, ni anomang upa sa hayop; at wala ring anomang kapayapaan doon sa lumalabas o pumapasok dahil sa kaaway: sapagka't aking inilagay ang lahat na tao na bawa't isa'y laban sa kaniyang kapuwa.

41
Mga Konsepto ng TaludtodNakaligtas, Lingap sa mgaKasaysayan ng mga Bansa

Nguni't ngayo'y sa nalabi sa bayang ito ay hindi ako magiging gaya ng mga unang araw, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

51
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Maghahatid ng Pinsala ang

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung paanong inisip kong gawan kayo ng masama, nang mungkahiin ako ng inyong mga magulang sa poot, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at hindi ako nagsisi;

53
Mga Konsepto ng TaludtodPananimMabunga, Natural naAgrikultura, Paglagong Mula sa DiyosHamogBinhiPuno ng UbasLupain, Bunga ngNakaligtas, Lingap sa mgaPanahon ng KapayapaanAgrikulturaPagtatanim ng mga BinhiBinhi, MgaPagpapala at KaunlaranPagtatanim ng mga Binhi

Sapagka't magkakaroon ng binhi ng kapayapaan; ang puno ng ubas ay magbubunga, at ang lupa'y mapapakinabangan, at ibibigay ng langit ang kaniyang hamog; at aking ipamamana sa nalabi sa bayang ito ang lahat na bagay na ito.

79
Mga Konsepto ng TaludtodHindi PabagobagoKalakasan ng mga TaoPagpapala sa pamamagitan ng Bayan ng DiyosDiyos na Nagliligtas sa NangangailanganMagpakalakas!Pagpapala sa Iba

At mangyayari, na kung paanong kayo'y naging isang sumpa sa gitna ng mga bansa, Oh sangbahayan ni Juda, at sangbahayan ni Israel, gayon ko kayo ililigtas, at kayo'y magiging isang kapalaran. Huwag kayong mangatakot, kundi inyong palakasin ang inyong mga kamay.

83
Mga Konsepto ng TaludtodKaharian ng Diyios, Pagdating ngAng Ebanghelyo para sa mga BansaJerusalem

Oo, maraming bansa at mga matibay na bansa ay magsisiparoon upang hanapin ang Panginoon ng mga hukbo sa Jerusalem, at hilingin ang lingap ng Panginoon.

89
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Gumagawa ng MabutiPlano ng Diyos, Mga

Gayon ko uli inisip sa mga araw na ito na gawan ng mabuti ang Jerusalem at ang sangbahayan ni Juda: huwag kayong mangatakot.

99
Mga Konsepto ng TaludtodKaranasan sa DiyosPananamitJudio, Ang mgaWika, MgaHuling mga ArawDiyos na nasa IyoPapuntang MagkakasamaSampung TaoHumawakJerusalem sa Milenyal na Kaharian

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sa mga araw na yao'y mangyayari, na sangpung lalake sa lahat ng wika sa mga bansa ay magtatanganan, sila nga'y magsisitangan sa laylayan niya na Judio, na mangagsasabi, Kami ay magsisiyaong kasama mo, sapagka't aming narinig na ang Dios ay kasama mo.

108
Mga Konsepto ng TaludtodPista, MgaPagaayuno, Katangian ngKagalakan ng IsraelKapayapaan sa Pamumuhay KristyanoBuwan, Ikaapat naBuwan, IkalimangBuwan, IkapitongBuwan, IkasampungPagaayuno, PalagiangPanghinaharap na Kagalakan sa Piling ng DiyosPagmamahal sa MabutiBuwan, MgaPagaayunoPagdiriwangPagaayuno at Pananalangin

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang ayuno sa ikaapat na buwan, at ang ayuno sa ikalima, at ang ayuno sa ikapito, at ang ayuno sa ikasangpu, ay magiging sa sangbahayan, ni Juda'y kagalakan at kaligayahan, at mga masayang kapistahan; kaya't inyong ibigin ang katotohanan at kapayapaan.

113
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang mga Saksi, Pagkakakilanlan saPangako ng Tao, MgaMasamang BalakKasalanan at ang Katangian ng DiyosDiyos na Nagagalit sa mga Bagay

At huwag magisip ang sinoman sa inyo ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapuwa; at huwag ninyong ibigin ang sinungaling na sumpa: sapagka't ang lahat ng ito ay mga bagay na aking kinapopootan, sabi ng Panginoon.

115

At ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin, na nagsasabi,

117
Mga Konsepto ng TaludtodAng mga Bansa sa Harapan ng Diyos

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Mangyayari pa, na darating ang mga bansa, at ang nagsisitahan sa maraming bayan;

119

At ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin, na nagsasabi,

138
Mga Konsepto ng TaludtodPagmamadaliPaghahanap sa Lingap ng Diyos

At ang nagsisitahan sa isang bayan ay paroroon sa isa, na magsasabi, Magsiparoon tayong madali, na ating hilingin ang lingap ng Panginoon, at hanapin ang Panginoon ng mga hukbo; ako man ay paroroon.

142
Mga Konsepto ng TaludtodKapansananMatandang Edad, Pagkamit ngPagkamahinaPagasa para sa mga MatatandaNaguupo na PanatagPaggamit ng mga DaanPaglalakad na may TungkodGulangJerusalem

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Tatahanan pa ng mga matandang lalake at babae ang mga lansangan ng Jerusalem, bawa't tao na may kaniyang tungkod sa kaniyang kamay dahil sa totoong katandaan.

150
Mga Konsepto ng TaludtodPangalan para sa Jerusalem, MgaPangalan at Titulo para sa IglesiaDiyos, Katotohanan ngDiyos na Nananahan sa JerusalemJerusalemZion

Ganito ang sabi ng Panginoon, Ako'y nagbalik sa Sion, at tatahan ako sa gitna ng Jerusalem: at ang Jerusalem ay tatawagin, Bayan ng katotohanan; at ang bundok ng Panginoon ng mga hukbo, Ang banal na bundok.

160
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Sigasig ngPaninibugho

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ako'y may paninibugho sa Sion ng malaking paninibugho, at ako'y may paninibugho sa kaniya ng malaking poot.

163
Mga Konsepto ng TaludtodSilanganKanluranSilangan at KanluranDiyos na Hangad Iligtas ang Lahat

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking ililigtas ang aking bayan sa lupaing silanganan at sa lupaing kalunuran;

165
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Katuwiran ngDiyos na Gumagawa ng TamaPagsasagawa ng TamaPangako ng PagbabalikAko ay Kanilang Magiging Diyos

At aking dadalhin sila, at sila'y magsisitahan sa gitna ng Jerusalem; at sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios, sa katotohanan at sa katuwiran.

169
Mga Konsepto ng TaludtodInaasahanNakaligtas, Pananakot sa mgaMadali para sa DiyosMabigat na Gawain

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung maging kagilagilalas sa mga mata ng nalabi sa bayang ito sa mga araw na yaon, magiging kagilagilalas din naman baga sa aking mga mata? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

189
Mga Konsepto ng TaludtodAsuntoNegosyo sa Tabi ng Pasukang DaananHumahatol ng MatuwidPagpapalabas ng KatotohananPagsasalita ng KatotohananPagsasagawa ng Gawain ng DiyosHanapin ang KapayapaanKahatulan, MgaNagsasabi ng Katotohanan

Ito ang mga bagay na inyong gagawin, Magsalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa; humatol kayo ng katotohanan at kapayapaan sa inyong mga pintuang-bayan;