65 Talata sa Bibliya tungkol sa Gulang

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Genesis 25:8

At nalagot ang hininga ni Abraham at namatay sa mabuting katandaan, matanda at puspos ng mga taon; at nalakip sa kaniyang bayan.

Genesis 25:7

At ito ang mga araw ng mga taon ng buhay na ikinabuhay ni Abraham, isang daan at pitong pu't limang taon.

Job 32:7

Aking sinabi, Ang mga kaarawan ang mangagsasalita, at ang karamihan ng mga taon ay mangagtuturo ng karunungan.

Mga Bilang 8:25

At mula sa limang pung taong gulang ay titigil sila sa paglilingkod sa gawain at hindi na sila maglilingkod;

1 Mga Hari 1:1

Si David na hari nga ay matanda at totoong magulang na; at kanilang tinakpan siya ng mga kumot, nguni't siya'y hindi naiinitan.

Juan 9:23

Kaya't sinabi ng kaniyang mga magulang, Siya'y may gulang na; tanungin siya.

Zacarias 8:4

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Tatahanan pa ng mga matandang lalake at babae ang mga lansangan ng Jerusalem, bawa't tao na may kaniyang tungkod sa kaniyang kamay dahil sa totoong katandaan.

Genesis 5:27

At ang lahat na naging araw ni Matusalem ay siyam na raan at anim na pu't siyam na taon: at siya'y namatay.

Lucas 3:23

At si Jesus din, nang magpasimula siyang magturo ay may gulang na tatlongpung taon, na anak (ayon sa sinasapantaha) ni Jose, ni Eli,

1 Corinto 1:20

Saan naroon ang marunong? saan naroon ang eskriba? saan naroon ang mapagmatuwid sa sanglibutang ito? hindi baga ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan?

1 Paralipomeno 29:28

At siya'y namatay sa mabuting katandaan, puspus ng mga araw, mga kayamanan, at karangalan: at si Salomon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Levitico 27:7

At kung sa may anim na pung taon na patanda; kung lalake, ay labing limang siklo ang iyong ihahalaga, at sa babae ay sangpung siklo.

Mga Taga-Roma 12:2
Mga Konsepto ng TaludtodLipunan, Tungkulin saBagong Panahon, Paniniwala saPagtatangiPaglalakbayKulturaKaisipan, MgaMagigingAng IsipanPagsunodPagbabasa ng BibliaUgaliPagpapanibagoKaranasanProsesoPlano ng Diyos Para Sa AtinPagbabago ng SariliKasulatanPagkakaalam sa Kalooban ng DiyosPagiging tulad ni CristoMasamang PananalitaMasamang ImpluwensiyaPagbabagoMasamang KaisipanImpluwensyaPaninindigan sa MundoPagiisipPagbabago, Katangian ngKamunduhanIsipan, Laban ngKaganapan ng DiyosEspirituwal na PagbabagoMga Taong NagbagoAlinsunodPampagandaSanlibutang Laban sa DiyosKasalanan, Pagiwas saPagiisipBagong IsipMasama, Tagumpay laban saBinagong PusoPaghahanapMakalamanRepormasyonDiyos, Kaperpektuhan ngAlkoholPagpipigil sa iyong KaisipanLipunan, Mabuting Kalagayan ngPagibig, Pangaabuso saKarunungang Kumilala, Katangian ngPagpapasakop sa Kalooban ng DiyosPagbabagoKamunduhan, IwasanPagpapanibago ng Bayan ng DiyosDiyos, Panukala ngBinagoProblema, Pagsagot saPamimilit ng BarkadaDiyos, Kabutihan ngEspirituwal na Digmaan, Kalaban saKarunungang Kumilala, Pinagmumulan ngMaalalahaninKautusan, Paglalarawan saSarili, DisiplinaKalusuganPinagpaparisanDapat Unahin sa Buhay, MgaPagsubokKalaguang EspirituwalUgali ng Kristyano sa harapan ng SanlibutanHindi KamunduhanKaisipan ng MatuwidSarili, Pagpapakalayaw saPananawSarili, Imahe sa

At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

Lucas 2:36

At naroroon din naman si Ana, na isang propetisa, anak na babae ni Fanuel, sa angkan ni Aser, (siya'y lubhang matanda na, at may pitong taong nakisama sa kaniyang asawa mula sa kaniyang kadalagahan,

Exodo 30:14

Bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ay magbibigay ng handog sa Panginoon.

Josue 14:11

Gayon ma'y malakas pa ako sa araw na ito na gaya nang araw na suguin ako ni Moises: kung paano nga ang lakas ko noon, ay gayon ang lakas ko ngayon, sa pakikidigma, at gayon din sa paglalabas pumasok.

Genesis 21:7

At sinabi niya, Sinong nakapagsabi kay Abraham na si Sara ay magpapasuso ng anak? sapagka't ako'y nagkaanak sa kaniya ng isang lalake sa kaniyang katandaan.

Job 8:8

Sapagka't ikaw ay magsisiyasat, isinasamo ko sa iyo, sa unang panahon, at pasiyahan mo ang sinaliksik ng kanilang mga magulang:

Mga Paksa sa Gulang

Gulang nang Kinoronahan

2 Mga Hari 11:21

Si Joas ay may pitong taon nang magpasimulang maghari.

Gulang ng Pananagutan

Isaias 7:15

Siya'y kakain ng mantekilla at pulot, pagka siya'y natutong tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti.

Gulang sa Kamatayan

1 Samuel 4:15

Si Eli nga'y may siyam na pu't walong taon na; at ang kaniyang mga mata'y malalabo na, siya'y di na makakita.

Gulang, Hindi Patas na Pagtingin batay sa

2 Mga Hari 2:23

At siya'y umahon sa Beth-el mula roon: at samantalang siya'y umaahon sa daan, may nagsilabas sa bayan na mga bata, at tinuya siya, at sinabi nila sa kaniya, Umahon ka, ikaw na kalbo ang ulo; umahon ka, ikaw na kalbo ang ulo.

Pagitan sa Gulang ng mga Levita

Mga Bilang 3:15

Bilangin mo ang mga anak ni Levi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa kanilang mga angkan: bawa't lalake na mula sa isang buwang gulang na patanda ay bibilangin mo.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a