34 Talata sa Bibliya tungkol sa Alinsunod

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Taga-Roma 12:2
Mga Konsepto ng TaludtodLipunan, Tungkulin saBagong Panahon, Paniniwala saPagtatangiPaglalakbayKulturaKaisipan, MgaMagigingAng IsipanPagsunodPagbabasa ng BibliaUgaliPagpapanibagoKaranasanProsesoGulangPlano ng Diyos Para Sa AtinPagbabago ng SariliKasulatanPagkakaalam sa Kalooban ng DiyosPagiging tulad ni CristoMasamang PananalitaMasamang ImpluwensiyaMasamang KaisipanPagbabagoPagsubokDiyos, Kabutihan ngKalaguang EspirituwalHindi KamunduhanPinagpaparisanUgali ng Kristyano sa harapan ng SanlibutanKaisipan ng MatuwidSarili, Pagpapakalayaw saImpluwensyaPagiisipPaninindigan sa MundoKamunduhanKaganapan ng DiyosMga Taong NagbagoEspirituwal na PagbabagoPampagandaKasalanan, Pagiwas saIsipan, Laban ngPagiisipBinagong PusoMasama, Tagumpay laban saMakalamanPagbabago, Katangian ngSanlibutang Laban sa DiyosRepormasyonBagong IsipDiyos, Kaperpektuhan ngPagpipigil sa iyong KaisipanAlkoholLipunan, Mabuting Kalagayan ngPagibig, Pangaabuso saPagpapasakop sa Kalooban ng DiyosKarunungang Kumilala, Katangian ngKamunduhan, IwasanPaghahanapPagpapanibago ng Bayan ng DiyosDiyos, Panukala ngPamimilit ng BarkadaProblema, Pagsagot saEspirituwal na Digmaan, Kalaban saMaalalahaninBinagoKarunungang Kumilala, Pinagmumulan ngKautusan, Paglalarawan saPagbabagoSarili, DisiplinaKalusuganDapat Unahin sa Buhay, MgaPananawSarili, Imahe sa

At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

Levitico 20:23

At huwag kayong lalakad ng ayon sa mga kaugalian ng mga bansang aking palalayasin sa harap ninyo: sapagka't ang lahat ng kasamaang ito ay ginawa nila, at kaya ko kinapopootan.

Deuteronomio 18:9

Pagpasok mo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay huwag kang magaaral gumawa ng ayon sa mga karumaldumal ng mga bansang yaon.

2 Mga Hari 17:15

At kanilang itinakuwil ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang tipan na kaniyang itinipan sa kanilang mga magulang, at ang kaniyang mga patotoo na kaniyang ipinatotoo sa kanila; at sila'y nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan, at nagsisunod sa mga bansa na nangasa palibot nila, ayon sa ibinilin ng Panginoon na huwag silang magsigawa ng gaya ng mga yaon.

Ezekiel 11:12

At inyong malalaman na ako ang Panginoon: sapagka't kayo'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, o inyo mang isinagawa ang aking mga kahatulan, kundi kayo'y nagsigawa ng ayon sa mga kaugalian ng mga bansa na nangasa palibot ninyo.

Daniel 1:8

Nguni't pinasiyahan ni Daniel sa kaniyang puso na siya'y hindi magpapakahamak sa pagkain ng hari, o sa alak man na kaniyang iniinom: kaya't kaniyang hiniling sa pangulo ng mga bating na siya'y huwag mapahamak.

Daniel 3:12

May ilang Judio na iyong inihalal sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia na si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego; ang mga lalaking ito, Oh hari, ay hindi ka pinakundanganan: sila'y hindi nangaglilingkod sa iyong mga dios, ni nagsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo.

Mga Taga-Efeso 4:17

Ito nga ang sinasabi ko, at sinasaksihan sa Panginoon, na kayo'y hindi na nagsisilakad pa na gaya naman ng lakad ng mga Gentil, sa pagpapalalo sa kanilang pagiisip,

Mga Taga-Colosas 3:7-8

Na inyo ring nilakaran nang una, nang kayo'y nangabubuhay pa sa mga bagay na ito; Datapuwa't ngayon ay inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: galit, kapootan, paghihinala, panunungayaw, mga salitang kahalay-halay na mula sa inyong bibig:

1 Timoteo 1:9-11

Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao, Dahil sa mga nakikiapid, dahil sa mga mapakiapid sa kapuwa lalake, dahil sa mga nagnanakaw ng tao, dahil sa mga bulaan, dahil sa mga mapagsumpa ng kabulaanan, at kung mayroon pang ibang bagay laban sa mabuting aral; Ayon sa evangelio ng kaluwalhatian ng mapagpalang Dios, na ipinagkatiwala sa akin.

Mga Taga-Efeso 5:1-2

Kayo nga'y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal; At magsilakad kayo sa pagibig, gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.

Mga Taga-Roma 6:3-10

O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan? Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay. Sapagka't kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli;magbasa pa.
Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo'y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan; Sapagka't ang namatay ay ligtas na sa kasalanan. Datapuwa't kung tayo'y nangamatay na kalakip ni Cristo, ay naniniwala tayo na mangabubuhay naman tayong kalakip niya; Na nalalaman nating si Cristo na nabuhay na maguli sa mga patay ay hindi na mamamatay; ang kamataya'y hindi naghahari sa kaniya. Sapagka't ang kamatayan na ikinamatay niya, ay kaniyang ikinamatay na minsan sa kasalanan: datapuwa't ang buhay na kaniyang ikinabubuhay, ay kaniyang ikinabubuhay sa Dios.

Mga Taga-Roma 8:10-11

At kung si Cristo ay nasa sa inyo, ang katawan ay patay dahil sa kasalanan; datapuwa't ang espiritu ay buhay dahil sa katuwiran. Nguni't kung ang Espiritu niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo.

Mga Taga-Filipos 3:10-11

Upang makilala ko siya, at ang kapangyarihan ng kaniyang pagkabuhay na maguli, at ang pakikisama ng kaniyang mga kahirapan, na ako'y natutulad sa kaniyang pagkamatay; Kung aking tamuhin sa anomang paraan ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.

1 Pedro 4:1

Kung paano ngang si Cristo ay nagbata sa laman, ay magsandata rin naman kayo ng gayong pagiisip; sapagka't siya na nagbata sa laman ay nagpapatigil sa kasalanan;

Mga Taga-Efeso 2:4-6

Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin, Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas), At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus:

1 Corinto 15:20-22

Datapuwa't si Cristo nga'y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging pangunahing bunga ng nangatutulog. Sapagka't yamang sa pamamagitan ng tao'y dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din naman ng tao'y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay. Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a