40 Talata sa Bibliya tungkol sa Pangingilin

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Gawa 27:21

At nang maluwat nang hindi sila nagsisikain, ay tumayo nga si Pablo sa gitna nila, at sinabi, Mga ginoo, nangakinig sana kayo sa akin, at hindi umalis sa Creta, at nailagan ang kapinsalaang ito at kapahamakan.

Levitico 10:8-10

At sinalita ng Panginoon kay Aaron, na sinasabi, Huwag iinom ng alak o ng matapang na inumin man, ikaw o ang iyong mga anak man, pagka kayo'y papasok sa tabernakulo ng kapisanan, upang kayo'y huwag mamatay: magiging palatuntunang walang hanggan sa buong panahon ng inyong mga lahi: At upang inyong malagyan ng pagkakaiba ang banal at ang karaniwan, at ang karumaldumal at ang malinis:

Mga Bilang 6:3-4

Ay hihiwalay siya sa alak at sa matapang na inumin; siya'y hindi iinom ng suka ng alak, o tubang nakalalasing, ni iinom man ng anomang katas na galing sa ubas o kakain man ng sariwang ubas o pasas. Sa lahat ng araw ng kaniyang pagkatalaga ay hindi siya kakain ng anomang bagay na ibinubunga ng puno ng ubas, magmula sa mga butil hanggang sa balat.

Mga Hukom 13:4

Ngayon nga'y magingat ka, isinasamo ko sa iyo, at huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing, at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay:

Mga Hukom 13:13-14

At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Manoa, Sa lahat ng aking sinabi sa babae ay magingat siya. Siya'y hindi makakakain ng anomang bagay na nanggagaling sa ubasan, ni uminom man lamang ng alak ni ng inuming nakalalasing, ni kumain man ng anomang maruming bagay; lahat ng iniutos ko sa kaniya ay sundin niya.

Ester 1:8

At ang paginom ay ayon sa kautusan; walang pagpilit: sapagka't gayon ibinilin ng hari sa lahat na pinuno ng kaniyang bahay, na kanilang gawin ayon sa kalooban ng bawa't isa.

Kawikaan 23:31-32

Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro, Sa huli ay kumakagat ito na parang ahas, at tumutukang parang ulupong.

Kawikaan 31:4

Hindi sa mga hari, Oh Lemuel, hindi sa mga hari ang paginom ng alak; ni sa mga pangulo man, na magsabi, saan nandoon ang matapang na alak?

Jeremias 35:6-8

Nguni't kanilang sinabi, Kami ay hindi magsisiinom ng alak; sapagka't si Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang ay nagutos sa amin, na nagsasabi, Huwag kayong magsisiinom ng alak, maging kayo, o ang inyong mga anak man, magpakailan man: Ni huwag kayong mangagtatayo ng bahay, o mangaghahasik ng binhi, o mangagtatanim sa ubasan, o mangagtatangkilik ng anoman; kundi ang lahat ninyong mga kaarawan ay inyong itatahan sa mga tolda; upang kayo ay mangabuhay na malaon sa lupain na inyong pangingibahang bayan. At aming tinalima ang tinig ni Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang sa lahat na kaniyang ibinilin sa amin na huwag magsiinom ng alak sa lahat ng mga araw namin, kami, ang aming mga asawa, ang aming mga anak na lalake o babae man;

Jeremias 35:14

Ang mga salita ni Jonadab na anak ni Rechab, na kaniyang iniutos sa kaniyang mga anak, na huwag magsiinom ng alak, ay nangatupad; at hanggang sa araw na ito ay hindi sila nagsisiinom, sapagka't kanilang tinalima ang tinig ng kanilang magulang. Nguni't aking sinalita, sa inyo, na bumangon akong maaga, at aking sinasalita, at hindi ninyo ako dininig.

Deuteronomio 29:6

Hindi kayo kumain ng tinapay, ni uminom ng alak o inuming nakalalasing: upang inyong makilala na ako ang Panginoon ninyong Dios.

Mga Hukom 16:17

At isinaysay niya sa kaniya ang kaniyang buong taglayin sa kaniyang puso, at sinabi sa kaniya, Walang pangahit na nagdaan sa aking ulo; sapagka't ako'y naging Nazareo sa Dios mula sa tiyan ng aking ina: kung ako'y ahitan, hihiwalay nga sa akin ang aking lakas, at ako'y hihina, at magiging gaya ng alinmang tao.

Mga Hukom 13:3-5

At napakita ang anghel ng Panginoon sa babae, at nagsabi sa kaniya, Narito ngayon, ikaw ay baog at hindi ka nagkakaanak: nguni't ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake. Ngayon nga'y magingat ka, isinasamo ko sa iyo, at huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing, at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay: Sapagka't, narito, ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake; at walang pangahit na daraan sa kaniyang ulo: sapagka't ang bata ay magiging Nazareo sa Dios, mula sa tiyan: at kaniyang pasisimulang iligtas ang Israel sa kamay ng mga Filisteo.

Daniel 1:8

Nguni't pinasiyahan ni Daniel sa kaniyang puso na siya'y hindi magpapakahamak sa pagkain ng hari, o sa alak man na kaniyang iniinom: kaya't kaniyang hiniling sa pangulo ng mga bating na siya'y huwag mapahamak.

Daniel 1:12

Ipinamamanhik ko sa iyo, na subukin mo ang iyong mga lingkod, na sangpung araw; at bigyan kami ng mga gulay na makain, at tubig na mainom.

Jeremias 35:6-14

Nguni't kanilang sinabi, Kami ay hindi magsisiinom ng alak; sapagka't si Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang ay nagutos sa amin, na nagsasabi, Huwag kayong magsisiinom ng alak, maging kayo, o ang inyong mga anak man, magpakailan man: Ni huwag kayong mangagtatayo ng bahay, o mangaghahasik ng binhi, o mangagtatanim sa ubasan, o mangagtatangkilik ng anoman; kundi ang lahat ninyong mga kaarawan ay inyong itatahan sa mga tolda; upang kayo ay mangabuhay na malaon sa lupain na inyong pangingibahang bayan. At aming tinalima ang tinig ni Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang sa lahat na kaniyang ibinilin sa amin na huwag magsiinom ng alak sa lahat ng mga araw namin, kami, ang aming mga asawa, ang aming mga anak na lalake o babae man;magbasa pa.
Ni huwag kaming mangagtayo ng mga bahay na aming matahanan; ni huwag kaming mangagtangkilik ng ubasan, o ng bukid, o ng binhi: Kundi kami ay nagsitahan sa mga tolda, at kami ay nagsitalima, at nagsigawa ng ayon sa lahat na iniutos sa amin ni Jonadab na aming magulang. Nguni't nangyari, nang si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay umahon sa lupain, na aming sinabi, Tayo na, at tayo'y magsiparoon sa Jerusalem dahil sa takot sa hukbo ng mga Caldeo, at dahil sa takot sa hukbo ng mga taga Siria; sa ganito'y nagsisitahan kami sa Jerusalem. Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Yumaon ka, at sabihin mo sa mga tao ng Juda at sa mga nananahan sa Jerusalem, Hindi baga kayo magsisitanggap ng turo upang dinggin ang aking mga salita? sabi ng Panginoon. Ang mga salita ni Jonadab na anak ni Rechab, na kaniyang iniutos sa kaniyang mga anak, na huwag magsiinom ng alak, ay nangatupad; at hanggang sa araw na ito ay hindi sila nagsisiinom, sapagka't kanilang tinalima ang tinig ng kanilang magulang. Nguni't aking sinalita, sa inyo, na bumangon akong maaga, at aking sinasalita, at hindi ninyo ako dininig.

Lucas 7:33

Sapagka't naparito si Juan Bautista na hindi kumakain ng tinapay at hindi umiinom ng alak at inyong sinasabi, Siya'y may isang demonio.

Levitico 10:9

Huwag iinom ng alak o ng matapang na inumin man, ikaw o ang iyong mga anak man, pagka kayo'y papasok sa tabernakulo ng kapisanan, upang kayo'y huwag mamatay: magiging palatuntunang walang hanggan sa buong panahon ng inyong mga lahi:

Mga Bilang 6:3

Ay hihiwalay siya sa alak at sa matapang na inumin; siya'y hindi iinom ng suka ng alak, o tubang nakalalasing, ni iinom man ng anomang katas na galing sa ubas o kakain man ng sariwang ubas o pasas.

Kawikaan 23:31

Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro,

Jeremias 35:6

Nguni't kanilang sinabi, Kami ay hindi magsisiinom ng alak; sapagka't si Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang ay nagutos sa amin, na nagsasabi, Huwag kayong magsisiinom ng alak, maging kayo, o ang inyong mga anak man, magpakailan man:

Daniel 10:3

Hindi ako kumain ng masarap na tinapay, ni pumasok man ang karne ni alak man sa aking bibig, ni naglangis man ako, hanggang sa natapos ang tatlong buong sanglinggo.

1 Corinto 8:13

Kaya, kung ang pagkain ay nakapagpapatisod sa aking kapatid, kailan man ay hindi ako kakain ng lamang-kati, upang ako'y huwag makapagpatisod sa aking kapatid.

Jeremias 35:5-8

At aking inilagay sa harap ng mga anak ng sangbahayan ng mga Rechabita ang mga mankok na puno ng alak, at ang mga saro, at aking sinabi sa kanila, Magsisiinom kayo ng alak. Nguni't kanilang sinabi, Kami ay hindi magsisiinom ng alak; sapagka't si Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang ay nagutos sa amin, na nagsasabi, Huwag kayong magsisiinom ng alak, maging kayo, o ang inyong mga anak man, magpakailan man: Ni huwag kayong mangagtatayo ng bahay, o mangaghahasik ng binhi, o mangagtatanim sa ubasan, o mangagtatangkilik ng anoman; kundi ang lahat ninyong mga kaarawan ay inyong itatahan sa mga tolda; upang kayo ay mangabuhay na malaon sa lupain na inyong pangingibahang bayan.magbasa pa.
At aming tinalima ang tinig ni Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang sa lahat na kaniyang ibinilin sa amin na huwag magsiinom ng alak sa lahat ng mga araw namin, kami, ang aming mga asawa, ang aming mga anak na lalake o babae man;

Deuteronomio 23:22

Nguni't kung ikaw ay magbawang manata, ay hindi magiging kasalanan, sa iyo:

Mga Paksa sa Pangingilin

Pangingilin bilang Disiplina

Levitico 7:22-27

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

Pangingilin mula sa Paginom

Levitico 10:8-9

At sinalita ng Panginoon kay Aaron, na sinasabi,

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a