41 Talata sa Bibliya tungkol sa Ang Espiritu ng Diyos

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Genesis 41:38

At sinabi ni Faraon sa kaniyang mga lingkod, Makakasumpong kaya tayo ng isang gaya nito, na taong kinakasihan ng espiritu ng Dios?

Exodo 35:31

At kaniyang pinuspos siya ng Espiritu ng Dios, tungkol sa karunungan, sa pagkakilala, at sa kaalaman, at sa lahat ng sarisaring gawain;

Mga Bilang 27:18

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ipagsama mo si Josue na anak ni Nun, isang lalake na kinakasihan ng Espiritu, at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya;

Nehemias 9:20

Iyo rin namang ibinigay ang iyong mabuting Espiritu upang turuan sila, at hindi mo inaalis ang iyong mana sa kanilang bibig, at bigyan mo sila ng tubig sa kanilang pagkauhaw.

Awit 139:7

Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan?

Isaias 32:15

Hanggang sa mabuhos sa atin ang Espiritu na mula sa itaas, at ang ilang ay maging mabungang bukid, at ang mabungang bukid ay mabilang na pinakagubat.

Isaias 44:3-4

Sapagka't ipagbubuhos ko ng tubig siya na uhaw, at ng mga bukal ang tuyong lupa; aking ibubuhos ang aking Espiritu sa iyong lahi, at ang aking pagpapala sa iyong suwi: At sila'y sisibol sa gitna ng damo, gaya ng mga sauce sa tabi ng mga batis.

Isaias 48:16

Kayo'y magsilapit sa akin, inyong dinggin ito; mula sa pasimula ay hindi ako nagsalita ng lihim; mula nang panahon na nangyari ito, nandoon nga ako: at ngayo'y sinugo ako ng Panginoong Dios, at nang kaniyang Espiritu.

Isaias 51:12

Ako, ako nga, ay siyang umaaliw sa inyo: sino ka na natatakot sa tao na mamamatay at sa anak ng tao na gagawing parang damo;

Isaias 59:19-21

Sa gayo'y katatakutan nila ang pangalan ng Panginoon mula sa kalunuran, at ang kaniyang kaluwalhatian ay mula sa sikatan ng araw sapagka't siya'y darating na parang bugso ng tubig na pinayaon ng hinga ng Panginoon. At isang Manunubos ay paroroon sa Sion, at sa kanila, na nangaghihiwalay sa Jacob ng pagsalangsang, sabi ng Panginoon. At tungkol sa akin, ito ang aking tipan sa kanila, sabi ng Panginoon: ang aking Espiritu na nasa iyo, at ang aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig, hindi hihiwalay sa iyong bibig, o sa bibig man ng iyong lahi, o sa bibig man ng angkan ng iyong lahi, sabi ng Panginoon, mula ngayon at magpakailan pa man.

Isaias 63:14

Kung paanong ang kawan na bumababa sa libis, ay pinapagpapahinga ng Espiritu ng Panginoon: gayon mo pinatnubayan ang iyong bayan, upang gawan mo ang iyong sarili ng maluwalhating pangalan.

Ezekiel 36:27

At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa.

Ezekiel 37:9

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Manghula ka sa hangin, manghula ka, anak ng tao, at sabihin mo sa hangin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Manggaling ka sa apat na hangin, Oh hinga, at humihip ka sa mga patay na ito, upang sila'y mangabuhay.

Ezekiel 37:14

At aking ilalagay ang aking Espiritu sa inyo, at kayo'y mangabubuhay, at aking ilalagay kayo sa inyong sariling lupain, at inyong mangalalaman na akong Panginoon ang nagsalita, at nagsagawa, sabi ng Panginoon.

Ezekiel 39:29

Ni hindi ko na naman ikukubli pa ang aking mukha sa kanila; sapagka't binuhusan ko ng aking Espiritu ang sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoong Dios.

Joel 2:28-29

At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain: At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu.

Mikas 2:7

Sasabihin baga Oh sangbahayan ni Jacob, Ang Espiritu baga ng Panginoon ay nagipit? ang mga ito baga ang kaniyang mga gawa? Di baga ang aking mga salita ay nagsisigawa ng mabuti sa nagsisilakad ng matuwid?

Zacarias 4:1-7

At ang anghel na nakipagusap sa akin ay bumalik, at ginising ako, na gaya ng tao na nagigising sa kaniyang pagkakatulog. At sinabi niya sa akin, Ano ang iyong nakikita? At aking sinabi, Ako'y tumingin, at, narito, isang kandelero na taganas na ginto, na may taza sa ibabaw niyaon, at ang pitong ilawan niyaon sa ibabaw; may pitong tubo sa bawa't isa sa mga ilawan na nasa ibabaw niyaon; At may dalawang puno ng olibo sa siping niyaon, isa sa dakong kanan ng taza, at ang isa'y sa dakong kaliwa niyaon.magbasa pa.
At ako'y sumagot at nagsalita sa anghel na nakikipagusap sa akin, na aking sinabi, Anong mga bagay ito, panginoon ko? Nang magkagayo'y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay sumagot na nagsabi sa akin, Hindi mo baga nalalaman kung ano ang mga ito? At aking sinabi, Hindi, panginoon ko. Nang magkagayo'y siya'y sumagot at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Ito ang salita ng Panginoon kay Zorobabel, na sinasabi, Hindi sa pamamagitan ng kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Sino ka, Oh malaking bundok? sa harap ni Zorobabel ay magiging kapatagan ka; at kaniyang ilalabas ang pangulong bato na may hiyawan, Biyaya, biyaya sa kaniya.

2 Paralipomeno 15:1

At ang espiritu ng Dios ay suma kay Azarias na anak ni Obed:

Mga Bilang 24:2

At itinaas ni Balaam ang kaniyang mga mata, at kaniyang nakita ang Israel na tumatahan ayon sa kanilang mga lipi; at ang Espiritu ng Dios ay sumakaniya.

1 Samuel 10:10

At nang sila'y dumating doon sa burol, narito, isang pulutong na mga propeta ay nasasalubong niya; at ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihang suma kaniya, at siya'y nanghula sa gitna nila.

1 Samuel 19:20

At nagsugo si Saul ng mga sugo upang dakpin si David: at nang kanilang makita ang pulutong ng mga propeta na nanganghuhula, at si Samuel ay tumatayong pinakapangulo sa kanila, ang Espiritu ng Dios ay dumating sa mga sugo ni Saul, at sila naman ay nanganghula.

2 Paralipomeno 24:20

At ang Espiritu ng Dios ay dumating kay Zacharias na anak ni Joiada na saserdote; at siya'y tumayong mataas kay sa bayan, at nagsabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Dios, Bakit kayo'y nagsisisalangsang sa mga utos ng Panginoon, na anopa't kayo'y huwag magsiginhawa? sapagka't inyong pinabayaan ang Panginoon, kaniya namang pinabayaan kayo.

Ezekiel 11:24

At itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa pangitain sa Caldea sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios, sa kanila na mga bihag. Sa gayo'y ang pangitain na aking nakita ay napaitaas mula sa akin.

1 Corinto 2:11-14

Sapagka't sino sa mga tao ang nakakakilala ng mga bagay ng tao, kundi ang espiritu ng tao, na nasa kaniya? gayon din naman ang mga bagay ng Dios ay hindi nakikilala ng sinoman, maliban na ng Espiritu ng Dios. Nguni't ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios. Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.magbasa pa.
Nguni't ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a