23 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Gulang, Haba ng Buhay batay sa

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Santiago 4:14-15

Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas. Ano ang inyong buhay? Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi. Sapagka't ang dapat ninyong sabihin ay, Kung loloobin ng Panginoon ay mangabubuhay kami, at gagawin namin ito o yaon.

Genesis 5:27

At ang lahat na naging araw ni Matusalem ay siyam na raan at anim na pu't siyam na taon: at siya'y namatay.

Genesis 25:7

At ito ang mga araw ng mga taon ng buhay na ikinabuhay ni Abraham, isang daan at pitong pu't limang taon.

Genesis 47:28

At si Jacob ay tumira sa lupain ng Egipto na labing pitong taon; kaya't ang mga araw ni Jacob, ang mga taon ng kaniyang buhay, ay isang daan at apat na pu't pitong taon.

2 Samuel 5:4-5

Si David ay may tatlong pung taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y nagharing apat na pung taon. Sa Hebron ay naghari siya sa Juda na pitong taon at anim na buwan: at sa Jerusalem ay naghari siya na tatlong pu at tatlong taon sa buong Israel at Juda.

2 Samuel 19:34-35

At sinabi ni Barzillai sa hari, Gaano na lamang ang mga araw ng mga taon ng aking buhay, na aahon pa ako sa Jerusalem na kasama ng hari? Ako sa araw na ito'y may walong pung taon na; makapapansin pa ba ako ng mabuti at masama? malalasahan pa ba ng iyong lingkod ang kaniyang kinakain at iniinom? maririnig ko pa ba ang tinig ng mangaawit na lalake at babae? bakit pa nga magiging isang pasan ang iyong lingkod sa aking panginoon na hari?

Isaias 23:15

At mangyayari, sa araw na yaon na ang Tiro ay malilimutang pitong pung taon, ayon sa mga kaarawan ng isang hari: pagkatapos ng pitong pung taon ay mangyayari sa Tiro ang gaya sa awit ng patutot.

Awit 39:4-6

Panginoon, ipakilala mo sa akin ang aking wakas, at ang sukat ng aking mga kaarawan, kung ano; ipakilala mo sa akin kung gaano kahina ako. Narito, gaya ng mga dangkal ginawa mo ang aking mga kaarawan; at ang aking gulang ay tila wala sa harap mo: tunay na bawa't tao sa kaniyang mainam na kalagayan ay pawang walang kabuluhan. (Selah) Tunay na bawa't tao ay lumalakad sa walang kabuluhang lilim: tunay na sila'y nagugulo ng walang kabuluhan: kaniyang ibinubunton ang mga kayamanan, at hindi nalalaman kung sinong nagsisipulot.

Genesis 47:9

At sinabi ni Jacob kay Faraon, Ang mga araw ng mga taon ng aking pakikipamayan ay isang daan at tatlong pung taon; kaunti at masasama ang mga naging araw ng mga taon ng aking buhay, at hindi umabot sa mga araw ng mga taon ng buhay ng aking mga magulang sa mga araw ng kanilang pakikipamayan.

Awit 89:47

Oh alalahanin mo kung gaano kaikli ang aking panahon: sa anong pagkawalang kabuluhan nilalang mo ang lahat ng mga anak ng mga tao.

Awit 90:3-6

Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao; at iyong sinasabi, Magsipanumbalik kayo, kayong mga anak ng mga tao. Sapagka't isang libong taon sa iyong paningin ay parang kahapon lamang nang makaraan, at parang pagpupuyat sa gabi. Iyong dinadala sila na parang baha; sila'y parang pagkakatulog: sa kinaumagahan ay parang damo sila na tumutubo.magbasa pa.
Sa kinaumagahan ay namumulaklak at lumalago; sa kinahapunan ay pinuputol at natutuyo.

Kawikaan 3:1-2

Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan; kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos: Sapagka't karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay, at kapayapaan, ay madadagdag sa iyo.

Never miss a post

n/a