9 Talata sa Bibliya tungkol sa Ano ba ang Kalagayan?
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At narinig ng Dios ang tinig ng bata; at tinawag ng anghel ng Dios si Agar, mula sa langit, at sa kaniya'y sinabi, Naano ka Agar? Huwag kang matakot; sapagka't narinig ng Dios ang tinig ng bata sa kinalalagyan.
At kaniyang sinigawan ang mga anak ni Dan. At inilingon nila ang kanilang mga mukha, at sinabi kay Michas, Anong mayroon ka, na ikaw ay nagpisan ng ganyang pulutong?
At kaniyang sinabi, Inyong kinuha ang aking mga dios na aking ginawa, at ang saserdote, at kayo'y yumaon, at ano pang mayroon ako? at bakit nga sasabihin ninyo sa akin, Anong mayroon ka?
Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa kaniya, Anong ibig mo, reina Esther? at ano ang iyong hiling? mabibigay sa iyo kahit kalahati ng kaharian.
Oh nananahan sa Aroer, tumayo ka sa tabi ng daan, at manubok ka: itanong mo sa kaniya na tumatakas, at sa kaniya na tumatanan; iyong sabihin; Ano ang nangyari?
At sinabi niya sa kanila, Ano ang mga salitaan ninyong ito sa inyong paglalakad? At sila'y nagsitigil, na nangalulumbay ang mga mukha.
At aking narinig, nguni't di ko naunawa: nang magkagayo'y sinabi ko, Oh Panginoon ko, ano ang magiging wakas ng mga bagay na ito?
At sinabi ng dakilang saserdote, Tunay baga ang mga bagay na ito?
At siya, sa pagtitig niya sa kaniya, at sa pagkatakot niya, ay nagsabi, Ano ito, Panginoon? At sinabi niya sa kaniya, Ang mga panalangin mo at ang iyong mga paglilimos ay nangapailanglang na isang alaala sa harapan ng Dios.