30 Talata sa Bibliya tungkol sa Paggunita

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

2 Paralipomeno 35:25-27

At tinaghuyan ni Jeremias si Josias: at ang lahat na mangaawit na lalake at babae ay nagsipanambitan tungkol kay Josias sa kanilang mga panaghoy, hanggang sa araw na ito; at sila'y nagsigawa ng alituntunin sa Israel; at, narito, nangasusulat sa mga panaghoy. Ang iba nga sa mga gawa ni Josias, at ang kaniyang mga mabuting gawa, ayon sa nasusulat sa kautusan ng Panginoon, At ang kaniyang mga gawa, na una at huli, narito, nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel at Juda.

Mga Hukom 11:28-40

Nguni't hindi dininig ng hari ng mga anak ni Ammon ang mga salita ni Jephte na ipinaalam sa kaniya. Nang magkagayo'y ang Espiritu ng Panginoon ay suma kay Jephte, at siya'y nagdaan ng Galaad at Manases, at nagdaan sa Mizpa ng Galaad, at mula sa Mizpa ng Galaad ay nagdaan siya sa mga anak ni Ammon. At nagpanata si Jephte ng isang panata sa Panginoon, at nagsabi, Kung tunay na iyong ibibigay ang mga anak ni Ammon sa aking kamay,magbasa pa.
Ay mangyayari nga, na sinomang lumabas na sumalubong sa akin sa mga pintuan ng aking bahay, pagbalik kong payapa na galing sa mga anak ni Ammon, ay magiging sa Panginoon, at aking ihahandog na pinakahandog na susunugin. Sa gayo'y nagdaan si Jephte sa mga anak ni Ammon upang lumaban sa kanila; at sila'y ibinigay ng Panginoon sa kaniyang kamay. At sila'y sinaktan niya ng di kawasang pagpatay mula sa Aroer hanggang sa Minnith, na may dalawang pung bayan, at hanggang sa Abelkeramim. Sa gayo'y sumuko ang mga anak ni Ammon sa mga anak ni Israel. At si Jephte ay naparoon sa Mizpa sa kaniyang bahay; at, narito, ang kaniyang anak na babae ay lumalabas na sinasalubong siya ng pandereta at ng sayaw: at siya ang kaniyang bugtong na anak: liban sa kaniya'y wala na siyang anak na lalake o babae man. At nangyari, pagkakita niya sa kaniya, na kaniyang hinapak ang kaniyang damit, at sinabi, Sa aba ko, aking anak! pinapakumbaba mo akong lubos, at ikaw ay isa sa mga bumabagabag sa akin: sapagka't aking ibinuka ang aking bibig sa Panginoon, at hindi na ako makapanumbalik. At sinabi niya sa kaniya, Ama ko, iyong ibinuka ang iyong bibig sa Panginoon; gawin mo sa akin ang ayon sa ipinangusap ng iyong bibig; yamang ipinanghiganti ka ng Panginoon sa iyong mga kaaway, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Ammon. At sinabi niya sa kaniyang ama, Ipagawa mo ang bagay na ito sa akin: pahintulutan mo lamang akong dalawang buwan, upang ako'y humayo't yumaon sa mga bundukin at aking itangis ang aking pagkadalaga, ako at ang aking mga kasama. At kaniyang sinabi, Yumaon ka. At pinapagpaalam niya siyang dalawang buwan: at siya'y yumaon, siya at ang kaniyang mga kasama, at itinangis ang kaniyang pagkadalaga sa mga bundukin. At nangyari, sa katapusan ng dalawang buwan, na siya'y nagbalik sa kaniyang ama, na ginawa sa kaniya ang ayon sa kaniyang panata na kaniyang ipinanata: at siya'y hindi nasipingan ng lalake. At naging kaugalian sa Israel, Na ipinagdidiwang taon taon ng mga anak na babae ng Israel ang anak ni Jephte na Galaadita, na apat na araw sa isang taon.

1 Mga Hari 11:41

Ang iba nga sa mga gawa ni Salomon, at ang lahat na kaniyang ginawa, at ang kaniyang karunungan, hindi ba nasusulat sa aklat ng mga gawa ni Salomon?

2 Paralipomeno 9:29

Ang iba nga sa mga gawa ni Salomon, na una at huli, di ba nangasusulat sa kasaysayan ni Nathan na propeta, at sa panghuhula ni Ahias na Silonita, at sa mga pangitain ni Iddo na tagakita tungkol kay Jeroboam na anak ni Nabat?

Lucas 22:19

At siya'y dumampot ng tinapay, at nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito'y aking katawan, na ibinibigay dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.

1 Corinto 11:23-26

Sapagka't tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay; At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin. At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.magbasa pa.
Sapagka't sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya.

Genesis 35:1

At sinabi ng Dios kay Jacob, Tumindig ka, umahon ka sa Bethel, at tumahan ka roon; at gumawa ka roon ng isang dambana sa Dios na napakita sa iyo nang ikaw ay tumatakas mula sa harap ng iyong kapatid na si Esau.

Josue 4:19-24

At ang bayan ay umahon mula sa Jordan nang ikasangpung araw ng unang buwan, at humantong sa Gilgal, sa hangganang silanganan ng Jerico. At yaong labing dalawang bato, na kanilang kinuha sa Jordan, ay ibinunton ni Josue sa Gilgal. At siya'y nagsalita sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Pagka itatanong ng inyong mga anak sa kanilang mga magulang sa panahong darating, na sasabihin, Anong kahulugan ng mga batong ito?magbasa pa.
Ay inyo ngang ipatatalastas sa mga anak ninyo, na sasabihin, Ang Israel ay tumawid sa Jordang ito sa tuyong lupa. Sapagka't tinuyo ng Panginoon ninyong Dios ang tubig ng Jordan sa harap ninyo, hanggang sa kayo'y nakatawid, gaya ng ginawa ng Panginoon ninyong Dios sa Dagat na Mapula, na kaniyang tinuyo sa harap namin, hanggang sa kami ay nakatawid; Upang makilala ng lahat na mga bayan sa lupa ang kamay ng Panginoon, na makapangyarihan; upang sila'y matakot sa Panginoon ninyong Dios magpakailan man.

Mga Hukom 6:24

Nang magkagayo'y nagtayo roon si Gedeon ng isang dambana sa Panginoon, at tinawag na Jehova-salom: hanggang sa araw na ito ay nasa sa Ophra pa ng mga Abiezerita.

2 Samuel 24:18

At si Gad ay naparoon sa araw na yaon kay David, at nagsabi sa kaniya, Ikaw ay yumaon, magtayo ka ng isang dambana sa Panginoon sa giikan ni Arauna na Jebuseo.

Exodo 20:8-11

Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin. Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan:magbasa pa.
Sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal.

Deuteronomio 5:12-15

Iyong ipagdiwang ang araw ng sabbath, upang ipangilin, gaya ng iniuutos sa iyo ng Panginoon mong Dios. Anim na araw na gagawa ka, at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain: Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong asno, ni anoman sa iyong hayop, ni ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan; upang ang iyong aliping lalake at babae ay makapagpahingang gaya mo.magbasa pa.
At iyong aalalahanin na ikaw ay naging alipin sa lupain ng Egipto, at ikaw ay inilabas ng Panginoon mong Dios doon sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay at unat na bisig: kaya't iniutos sa iyo ng Panginoon mong Dios, na ipangilin mo ang araw ng sabbath.

Exodo 31:12-17

At ang Panginoo'y nagsalita kay Moises, na sinasabi, Salitain mo rin sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Katotohanang ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath; sapagka't isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, upang inyong makilala na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo. Inyong ipangingilin ang sabbath nga; sapagka't yao'y pangilin sa inyo: bawa't lumapastangan ay walang pagsalang papatayin: sapagka't sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na yaon, ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan.magbasa pa.
Anim na araw na gagawin ang gawain; datapuwa't ang ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan, pangilin sa Panginoon: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw ng sabbath, ay walang pagsalang papatayin. Kaya't ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng sabbath, na tutuparin ang sabbath sa buong panahon ng kanilang mga lahi, na pinakapalaging tipan. Ito'y isang tanda sa akin at sa mga anak ni Israel magpakailan man: sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, at sa ikapitong araw, ay nagpahinga at naginhawahan.

Exodo 12:14-17

At ang araw na ito'y magiging sa inyo'y isang alaala, at inyong ipagdidiwang na pinakapista sa Panginoon; sa buong panahon ng inyong lahi ay inyong ipagdidiwang na pinakapista na bilang tuntunin magpakailan man. Pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura; sa unang araw ay inyong ihihiwalay sa inyong mga bahay ang lebadura; sapagka't sinomang kumain ng tinapay na may lebadura mula sa unang araw hanggang sa ikapitong araw ay ihihiwalay sa Israel, ang taong yaon. At sa unang araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagkakatipon at sa ikapitong araw man ay magkakaroon ding kayo ng isang banal na pagkakatipon; walang anomang gawa na gagawin sa mga araw na iyan, liban na yaong nararapat kanin ng bawa't tao, na siya lamang maaaring gawin ninyo.magbasa pa.
At iyong ipangingilin ang pista ng tinapay na walang lebadura; sapagka't sa araw ring ito kinuha ko ang inyong mga hukbo sa lupain ng Egipto: kaya't inyong ipangingilin ang araw na ito sa buong panahon ng inyong lahi, na bilang tuntunin magpakailan man.

Exodo 13:1-10

At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, Pakabanalin mo sa akin ang lahat ng mga panganay, anomang nagbubukas ng bahay-bata sa mga anak ni Israel: maging sa tao at maging sa hayop ay akin. At sinabi ni Moises sa bayan, Alalahanin ninyo ang araw na ito na inialis ninyo sa Egipto, sa bahay ng pagkaalipin; sapagka't sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay hinango kayo ng Panginoon sa dakong ito, wala sinomang kakain ng tinapay na may lebadura.magbasa pa.
Sa araw na ito ay umaalis kayo ng buwan ng Abib. At mangyayari, na pagkadala sa iyo ng Panginoon sa lupain ng Cananeo, at ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Hebreo, at ng Jebuseo, na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, na ibibigay sa iyo, na lupang binubukalan ng gatas at pulot ay iyong ipangingilin ang paglilingkod na ito sa buwang ito. Pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura, at sa ikapitong araw ay magiging isang kapistahan sa Panginoon. Tinapay na walang lebadura ang kakanin sa loob ng pitong araw, at huwag makakakita sa iyo, ng tinapay na may lebadura, ni makakakita ng lebadura sa iyo, sa lahat ng iyong mga hangganan. At sasaysayin mo sa iyong anak sa araw na yaon, na iyong sasabihin: Dahil sa ginawa ng Panginoon sa akin nang ako'y umalis sa Egipto. At sa iyo'y magiging pinakatanda sa ibabaw ng iyong kamay, at pinakaalaala sa pagitan ng iyong mga mata, upang ang kautusan ng Panginoon ay sumaiyong bibig: sapagka't sa pamamagitan ng malakas na kamay, ay inalis ka ng Panginoon sa Egipto. Isasagawa mo nga ang palatuntunang ito sa kapanahunan nito taon taon.

Awit 9:1-6

Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso; aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa. Ako'y magpapakasaya at magpapakagalak sa iyo: ako'y aawit ng pagpuri sa iyong pangalan, Oh ikaw na kataastaasan. Pagka ang aking mga kaaway ay magsisibalik, sila'y matitisod at malilipol sa iyong harapan.magbasa pa.
Sapagka't iyong inalalayan ang aking matuwid at ang aking usap; ikaw ay nauupo sa luklukan na humahatol na may katuwiran. Iyong sinaway ang mga bansa, iyong nilipol ang masama, iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man. Ang kaaway ay dumating sa wakas, sila'y lipol magpakailan man; at ang mga siyudad na iyong dinaig, ang tanging alaala sa kanila ay napawi.

Awit 126:1-3

Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion, tayo ay gaya niyaong nangananaginip. Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa, at ang dila natin ng awit: nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa, Ginawan sila ng Panginoon ng mga dakilang bagay. Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay; na siyang ating ikinatutuwa.

Levitico 23:9-14

At sinalita ng Panginoon kay Moises na sinasabi, Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagka kayo'y nakapasok sa lupain na ibibigay ko sa inyo, at inyong nagapas na ang ani niyaon, ay magdadala nga kayo sa saserdote ng bigkis na pinaka pangunang bunga ng inyong paggapas: At aalugin niya ang bigkis sa harap ng Panginoon upang tanggapin sa ganang inyo: sa kinabukasan pagkatapos ng sabbath aalugin ng saserdote.magbasa pa.
At sa araw na inyong alugin ang bigkis, ay maghahandog kayo ng isang korderong lalake ng unang taon, na walang kapintasan, na pinakahandog na susunugin sa Panginoon. At ang handog na harina niyaon ay magiging dalawang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina na hinaluan ng langis, handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy: at ang pinakahandog na inumin niyaon ay alak, na ikaapat na bahagi ng isang hin. At huwag kayong kakain ng tinapay, ni trigong sinangag, ni uhay na bago, hanggang sa araw na ito, hanggang sa inyong madala ang alay sa inyong Dios: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi, sa lahat ng inyong mga tahanan.

Levitico 23:15-22

At kayo'y bibilang sa inyo mula sa kinabukasan ng sabbath mula sa araw na inyong dalhin ang bigkis na handog na inalog: magiging pitong sabbath na ganap. Sa makatuwid baga'y hanggang sa kinabukasan ng ikapitong sabbath, bibilang kayo ng limang pung araw; at maghahandog kayo ng bagong handog na harina sa Panginoon. Sa inyong mga tahanan ay magdadala kayo ng dalawang tinapay na aalugin na may dalawang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina, at lulutuin na may levadura na pinaka pangunang bunga sa Panginoon.magbasa pa.
At ihaharap ninyo ang tinapay na kalakip ng pitong kordero ng unang taon na walang kapintasan, at ng isang guyang toro at ng dalawang tupang lalake: mga handog sa Panginoon na susunugin, na kalakip ng kanilang handog na harina, at ng kanilang mga handog na inumin, handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon. At maghahandog kayo ng isang lalaking kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan, at ng dalawang korderong lalake ng unang taon na haing mga handog tungkol sa kapayapaan. At aalugin ng saserdote pati ng tinapay ng mga unang bunga, na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon, na kalakip ng dalawang kordero: ang mga tinapay ay magiging itinalaga sa Panginoon na ukol sa saserdote. At inyong ihahayag sa araw ding iyan; magiging banal na pagpupulong nga sa inyo; kayo'y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod: siyang palatuntunan sa lahat ng inyong mga tahanan, sa buong panahon ng inyong lahi. At pagka inyong aanihin ang ani sa inyong lupain, ay huwag ninyong pakakaanihin ang mga sulok ng inyong bukid, ni pamulutan ang inyong naanihan: sa dukha at sa taga ibang lupa inyong ititira: ako ang Panginoon ninyong Dios.

Mga Bilang 28:26-31

Gayon din sa araw ng mga unang bunga, na paghahandog ninyo ng isang bagong handog na harina sa Panginoon sa inyong pista ng mga sanglinggo, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod: Kundi kayo'y maghahandog ng isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy sa Panginoon; dalawang guyang toro, isang tupang lalake, at pitong korderong lalake ng unang taon; At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi para sa bawa't toro, dalawang ikasangpung bahagi sa isang tupang lalake,magbasa pa.
Isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa pitong kordero; Isang kambing na lalake upang itubos sa inyo. Bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, ay inyong ihahandog ang mga yaon (yaong mga walang kapintasan sa inyo), at ang mga inuming handog ng mga yaon.

Deuteronomio 16:9-12

Pitong sanglinggo ang iyong bibilangin sa iyo: mula sa iyong pagpapasimulang isuot ang panggapas sa mga nakatayong trigo ay magpapasimula kang bumilang ng pitong sanglinggo. At iyong ipagdidiwang ang kapistahan ng mga sanglinggo sa Panginoon mong Dios na may dulot ng kusang handog ng iyong kamay, na iyong ibibigay, ayon sa ipinagpala sa iyo ng Panginoon mong Dios: At ikaw ay magagalak sa harap ng Panginoon mong Dios, ikaw at ang iyong anak na lalake at babae, at ang iyong aliping lalake at babae, at ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, at ang taga ibang bayan, at ang ulila, at ang babaing bao, na nasa gitna mo, sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios na patatahanan sa kaniyang pangalan.magbasa pa.
At iyong aalalahanin na ikaw ay naging alipin sa Egipto: at iyong gaganapin at gagawin ang mga palatuntunang ito.

Levitico 23:33-43

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Iyong salitain sa mga anak ni Israel, na sabihin, Sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwang ito ay kapistahan ng mga balag na pitong araw sa Panginoon. Sa unang araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong; kayo'y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod.magbasa pa.
Pitong araw na maghahandog kayo sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy; sa ikawalong araw ay magkakaroon kayo ng banal na pagpupulong; at kayo'y maghahandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy; siyang pinaka dakilang kapulungan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod. Ito ang mga takdang kapistahan sa Panginoon, na inyong itatanyag na mga banal na pagpupulong, upang maghandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy, ng handog na susunugin, at ng handog na harina, ng hain, at ng mga handog na inumin na bawa't isa ay sa kaniyang sariling kaarawan: Bukod sa mga sabbath sa Panginoon, at bukod sa inyong mga kaloob, at bukod sa lahat ng inyong mga panata, at bukod sa lahat ng inyong mga handog na kusa na inyong ibinibigay sa Panginoon. Gayon ma'y sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan, pagka inyong natipon ang bunga ng lupain, ay magdidiwang kayo sa Panginoon ng kapistahang pitong araw: ang unang araw ay magiging takdang kapahingahan, at ang ikawalong araw ay magiging takdang kapahingahan. At magdadala kayo sa unang araw ng bunga ng magagandang punong kahoy, ng mga sanga ng mga palma, at ng mga sanga ng mayayabong na punong kahoy, at ng mga sause ng batis; at kayo'y magpapakagalak sa harap ng Panginoon ninyong Dios, na pitong araw. At inyong ipangingiling isang kapistahan sa Panginoon na pitong araw sa bawa't taon: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi: sa ikapitong buwan ay ipagdidiwang ninyo ang kapistahang ito. Kayo'y tatahan sa mga balag na pitong araw; yaong lahat ng tubo sa Israel ay tatahan sa mga balag: Upang maalaman ng inyong mga lahi na sa mga balag pinatahan ko ang mga anak ni Israel, nang aking ilabas sa lupain ng Egipto: ako ang Panginoon ninyong Dios.

Mga Bilang 29:12-39

At sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod, at mangingilin kayong pitong araw sa Panginoon: At maghahandog kayo ng isang handog na susunugin, na pinakahandog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon: labing tatlong guyang toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon: na mga walang kapintasan: At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi sa bawa't toro sa labing tatlong toro, dalawang ikasangpung bahagi sa bawa't tupang lalake sa dalawang tupang lalake,magbasa pa.
At isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa labing apat na kordero At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon at sa inuming handog niyaon. At sa ikalawang araw ay maghahandog kayo ng labing dalawang guyang toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan: At ang handog na harina ng mga yaon, at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero ayon sa bilang ng mga yaon, alinsunod sa palatuntunan: At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina, at sa mga inuming handog ng mga yaon. At sa ikatlong araw ay labing isang toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan; At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan. At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon. At sa ikaapat na araw ay sangpung toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan: Ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan: At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon. At sa ikalimang araw ay siyam na toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan: At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan: At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, at sa handog na inumin niyaon. At sa ikaanim na araw, ay walong toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan: At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan: At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan: bukod pa sa palaging handog na susunugin, sa handog na harina niyaon, at sa mga inuming handog niyaon, At sa ikapitong araw ay pitong toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan: At ang handog na harina ng mga yaon, at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan: Sa ikawalong araw, ay magkakaroon kayo ng isang takdang pagpupulong; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod; Kundi kayo'y maghahandog ng isang handog na susunugin, na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon: isang toro, isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon, na walang kapintasan: Ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa toro, sa lalaking tupa, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang alinsunod sa palatuntunan: Ang mga ito ay inyong ihahandog sa Panginoon sa inyong mga takdang kapistahan, bukod pa sa inyong mga panata, at sa inyong mga kusang handog, na mga pinakahandog ninyong susunugin, at ang inyong mga pinakahandog na harina, at ang inyong mga pinakainuming handog, at ang inyong mga pinakahandog tungkol sa kapayapaan.

Deuteronomio 16:13-17

Iyong ipagdidiwang na pitong araw ang kapistahan ng mga tabernakulo, pagkatapos na makamalig mo ang aning mula sa iyong giikan at sa iyong pisaan ng ubas: At ikaw ay magagalak sa iyong pagpipista, ikaw, at ang iyong anak na lalake at babae, at ang iyong aliping lalake at babae, at ang Levita, at ang taga ibang bayan, at ang ulila, at ang babaing bao, na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan. Pitong araw na ipagdidiwang mo ang pista sa Panginoon mong Dios sa dakong pipiliin ng Panginoon: sapagka't pagpapalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng iyong kinikita, at sa lahat ng gawa ng iyong mga kamay, at ikaw ay lubos na magagalak.magbasa pa.
Makaitlo sa isang taon na ang iyong mga lalake ay magsisiharap sa Panginoon mong Dios, sa dakong kaniyang pipiliin; sa kapistahan ng tinapay na walang lebadura, at sa kapistahan ng mga sanglinggo, at sa kapistahan ng mga tabernakulo: at huwag silang haharap na walang dala sa Panginoon: Bawa't lalake ay magbibigay ng kaniyang kaya, ayon sa pagpapala na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.

Exodo 23:14-17

Makaitlong magdidiwang ka ng pista sa akin, sa bawa't taon. Ang pista ng tinapay na walang lebadura ay iyong ipagdidiwang; pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura, gaya ng iniutos ko sa iyo, sa takdang panahon, sa buwan ng Abib (sapagka't niyaon ka umalis sa Egipto); at walang lalapit sa harap ko na walang dala: At ang pista ng pagaani ng mga unang bunga ng iyong kapagalan, na iyong inihasik sa bukid: at ang pista ng pagaani, sa katapusan ng taon, nang pagaani mo ng iyong kapagalan sa bukid.magbasa pa.
Makaitlo sa bawa't taon na ang lahat na iyong mga lalake ay haharap sa Panginoong Dios.

Exodo 31:16

Kaya't ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng sabbath, na tutuparin ang sabbath sa buong panahon ng kanilang mga lahi, na pinakapalaging tipan.

Mga Bilang 32:42

At si Noba ay naparoon at sinakop ang Kenath, at ang mga nayon niyaon, at tinawag na Noba, ayon sa kaniyang sariling pangalan.

Josue 5:3

At gumawa si Josue ng mga sundang na pinkiang bato, at tinuli ang mga anak ni Israel sa burol ng mga balat ng masama.

Isaias 12:5-6

Magsiawit kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y gumawa ng mga marilag na bagay: ipaalam ito sa buong lupa. Humiyaw ka ng malakas at sumigaw ka, ikaw na nananahan sa Sion: sapagka't dakila ang Banal ng Israel sa gitna mo.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a