9 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Banyagang mga Hari

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Genesis 36:33

At namatay si Bela, at naghari na kahalili niya si Jobab na anak ni Zera, na taga Bozra.

Genesis 36:34

At namatay si Jobab at naghari na kahalili niya si Husam, na taga lupain ng mga Temaneo.

Genesis 36:35

At namatay si Husam, at naghari na kahalili niya si Adad, na anak ni Badad, na siya ring sumakit kay Midian sa parang ni Moab: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avita.

Genesis 36:36

At namatay si Adad at naghari na kahalili niya si Samla na taga Masreca.

Genesis 36:37

At namatay si Samla at naghari na kahalili niya si Saul, na taga Rehoboth na tabi ng Ilog.

Genesis 36:38

At namatay si Saul, at naghari na kahalili niya si Baalanan na anak ni Achbor.

Genesis 36:39

At namatay si Baalanan na anak ni Achbor, at naghari na kahalili niya si Adar; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pau; at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel na anak ni Matred, na anak na babae ni Mezaab.

2 Mga Hari 13:24

At si Hazael na hari sa Siria ay namatay; at si Ben-adad na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

2 Mga Hari 19:37

At nangyari, nang siya'y sumamba sa bahay ni Nisroch na kaniyang dios, na sinugatan siya ng tabak ni Adramelech, at ni Saresar: at sila'y nagsitanan na patungo sa lupain ng Ararat. At si Esar-hadon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Never miss a post

n/a