18 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Tagapamahala sa Edom

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Genesis 36:31

At ito ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago maghari ang sinomang hari sa angkan ni Israel.

2 Mga Hari 8:20

Sa kaniyang mga kaarawan ay nanghimagsik ang Edom na humiwalay sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ng Juda, at naghalal sila ng hari sa kanila.

Genesis 36:21

At si Dison, at si Ezer, at si Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo, na mga angkan ni Seir sa lupain ng Edom.

Mga Bilang 20:14

At si Moises ay nagutos ng mga sugo sa hari sa Edom mula sa Cades, na ipinasabi, Ganito, ang sabi ng iyong kapatid na Israelita, Talastas mo ang buong kahirapan na dumating sa amin:

Genesis 36:32

At si Bela na anak ni Beor ay naghari sa Edom; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba.

Genesis 36:33

At namatay si Bela, at naghari na kahalili niya si Jobab na anak ni Zera, na taga Bozra.

Genesis 36:34

At namatay si Jobab at naghari na kahalili niya si Husam, na taga lupain ng mga Temaneo.

Genesis 36:35

At namatay si Husam, at naghari na kahalili niya si Adad, na anak ni Badad, na siya ring sumakit kay Midian sa parang ni Moab: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avita.

Genesis 36:36

At namatay si Adad at naghari na kahalili niya si Samla na taga Masreca.

Genesis 36:37

At namatay si Samla at naghari na kahalili niya si Saul, na taga Rehoboth na tabi ng Ilog.

Genesis 36:38

At namatay si Saul, at naghari na kahalili niya si Baalanan na anak ni Achbor.

Genesis 36:39

At namatay si Baalanan na anak ni Achbor, at naghari na kahalili niya si Adar; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pau; at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel na anak ni Matred, na anak na babae ni Mezaab.

Genesis 36:15-19

Ito ang mga pangulo sa mga anak ni Esau: ang mga anak ni Eliphaz, na panganay ni Esau; ang pangulong Teman, ang pangulong Omar, ang pangulong Zepho, ang pangulong Cenaz, Ang pangulong Cora, ang pangulong Gatam, ang pangulong Amalec: ito ang mga pangulong nagmula kay Eliphaz sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Ada. At ito ang mga anak ni Reuel na anak ni Esau; ang pangulong Nahath, ang pangulong Zera, ang pangulong Samma ang pangulong Mizza: ito ang mga pangulong nagmula kay Reuel sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Basemath, na asawa ni Esau.magbasa pa.
At ito ang mga anak ni Aholibama na asawa ni Esau; ang pangulong Jeus, ang pangulong Jaalam, ang pangulong Cora: ito ang mga pangulong nagmula kay Aholibama na anak ni Ana, na asawa ni Esau. Ito ang mga anak ni Esau, at ito ang kanilang mga pangulo: na siyang Edom.

Genesis 36:40

At ito ang mga pangalan ng mga pangulong nagmula kay Esau, ayon sa kanikaniyang angkan, ayon sa kanikaniyang dako, alinsunod sa kanikaniyang pangalan; ang pangulong Timma, ang pangulong Alva, ang pangulong Jetheth;

Genesis 36:41

Ang pangulong Aholibama, ang pangulong Ela, ang pangulong Pinon.

Genesis 36:42

Ang pangulong Cenaz, ang pangulong Teman, ang pangulong Mibzar.

Genesis 36:43

Ang pangulong Magdiel, ang pangulong Hiram: ito ang mga pangulo ni Edom, ayon sa kanikaniyang tahanan sa lupain na kanilang pag-aari. Ito'y si Esau na ama ng mga Edomita.

Genesis 36:29-30

Ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo; ang pangulong Lotan, ang pangulong Sobal, ang pangulong Zibeon, ang pangulong Ana, Ang pangulong Dison, ang pangulong Ezer, ang pangulong Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo ayon sa kanilang mga pangulo, sa lupain ng Seir.

Never miss a post

n/a