7 Bible Verses about Biyak ang Paa

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Leviticus 11:3

Alinmang may hati ang paa na baak at ngumunguya, sa mga hayop, ay inyong makakain.

Leviticus 11:26

Bawa't hayop na may hati ang paa na hindi baak, o hindi ngumunguya, ay karumaldumal sa inyo: bawa't humipo sa mga iyan ay magiging karumaldumal.

Deuteronomy 14:6

At bawa't hayop na may hati ang paa, at baak, at ngumunguya sa mga hayop, ay inyong makakain.

Leviticus 11:7

At ang baboy, sapagka't may hati ang paa at baak, datapuwa't hindi ngumunguya, karumaldumal nga sa inyo.

Leviticus 11:4

Gayon ma'y huwag ninyong kakanin ang mga ito sa mga ngumunguya o doon sa mga may hati ang paa: ang kamelyo, sapagka't ngumunguya, nguni't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo.

Leviticus 11:5

At ang koneho, sapagka't ngumunguya, datapuwa't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo.

Leviticus 11:6

At ang liebre; sapagka't ngumunguya datapuwa't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a