16 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Inaalam kung Ano ang Kinakain ng mga Hayop

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Deuteronomio 14:6-8

At bawa't hayop na may hati ang paa, at baak, at ngumunguya sa mga hayop, ay inyong makakain. Gayon ma'y ang mga ito ay hindi kakanin sa mga ngumunguya, o sa baak ang paa: ang kamelyo, at ang liebre, at ang coneho, sapagka't sila'y ngumunguya, nguni't walang hati ang paa; mga marumi sa inyo; At ang baboy, sapagka't may hating paa, nguni't hindi ngumunguya, ito'y marumi sa inyo: ang laman nila'y huwag ninyong kakanin, at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin.

Levitico 11:4

Gayon ma'y huwag ninyong kakanin ang mga ito sa mga ngumunguya o doon sa mga may hati ang paa: ang kamelyo, sapagka't ngumunguya, nguni't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo.

Levitico 11:5

At ang koneho, sapagka't ngumunguya, datapuwa't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo.

Levitico 11:6

At ang liebre; sapagka't ngumunguya datapuwa't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo.

Levitico 11:7

At ang baboy, sapagka't may hati ang paa at baak, datapuwa't hindi ngumunguya, karumaldumal nga sa inyo.

Levitico 11:26

Bawa't hayop na may hati ang paa na hindi baak, o hindi ngumunguya, ay karumaldumal sa inyo: bawa't humipo sa mga iyan ay magiging karumaldumal.

Isaias 30:24

Ang mga baka at gayon din ang mga guyang asno na bumubukid ng lupa ay magsisikain ng may lasang pagkain, na pinahanginan ng pala at hunkoy.

Mateo 15:27

Datapuwa't sinabi niya, Oo, Panginoon: sapagka't ang mga aso man ay nagsisikain ng mga mumo na nangalalaglag mula sa dulang ng kanilang mga panginoon.

Marcos 7:28

Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi sa kaniya, Oo, Panginoon; kahit ang mga aso sa ilalim ng dulang ay nagsisikain ng mga mumo ng mga anak.

2 Samuel 12:3

Nguni't ang mahirap ay walang anomang bagay, liban sa isang munting korderong babae, na kaniyang binili at inalagaan: at lumaki sa kaniya, at sa kaniyang mga anak; kumakain ng kaniyang sariling pagkain at umiinom ng kaniyang sariling inumin, at humihiga sa kaniyang sinapupunan, at sa kaniya'y parang isang anak.

Isaias 11:7

At ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping: at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka.

Isaias 65:25

Ang lobo at ang kordero ay manginginaing magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka; at alabok ang magiging pagkain ng ahas. Sila'y hindi mananakit o magpapahamak man sa aking buong banal na bundok, sabi ng Panginoon.

Genesis 3:14

At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay:

Mikas 7:17

Sila'y magsisihimod sa alabok na parang ahas; parang nagsisiusad na hayop sa lupa sila'y magsisilabas na nagsisipanginig mula sa kanilang mga kulungan; sila'y magsisilapit na may takot sa Panginoon nating Dios, at mangatatakot dahil sa iyo.

Lucas 15:16

At ibig sana niyang mabusog ang kaniyang tiyan ng mga ipa na kinakain ng mga baboy: at walang taong magbigay sa kaniya.

Never miss a post

n/a