16 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Buhay na mga Bagay

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Genesis 1:21

At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa't may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti.

Genesis 1:24

At sinabi ng Dios, Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri: at nagkagayon.

Genesis 1:20

At sinabi ng Dios, Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid.

Genesis 7:15

At nagsidating kay Noe sa sasakyan na dalawa't dalawa, ang lahat ng hayop na may hinga ng buhay.

Genesis 7:22

Ang bawa't may hinga ng diwa ng buhay sa kanilang ilong, lahat na nasa lupang tuyo ay namatay.

Isaias 38:19

Ang buhay, ang buhay, siya'y pupuri sa iyo, gaya ng ginagawa ko sa araw na ito: Ang ama sa mga anak ay magpapatalastas ng iyong katotohanan.

Exodo 22:4

Kung ang ninakaw ay masumpungang buhay sa kaniyang kamay, maging baka, o asno, o tupa, ay magbabayad siya ng ibayo.

Mangangaral 9:4

Sapagka't sa kaniya, na napisan sa lahat na may buhay ay may pagasa: sapagka't ang buhay na aso ay maigi kay sa patay na leon.

Levitico 13:10

At titingnan siya ng saserdote; at, narito, kung makitang may pamamaga na maputi sa balat, na pumuti ang balahibo, at may matigas na lamang buhay sa pamamaga,

Levitico 13:14

Datapuwa't sa alin mang araw na makitaan siya ng lamang buhay, ay magiging karumaldumal siya.

Levitico 13:15

At titingnan ng saserdote ang lamang buhay, at ipakikilala siyang karumaldumal: ang lamang buhay ay karumaldumal: ketong nga.

Levitico 13:16

O kung magbago uli ang lamang buhay at pumuti, ay lalapit nga siya sa saserdote;

Amos 8:14

Silang nagsisisumpa sa pamamagitan ng kasalanan ng Samaria, at nagsasabi, Buhay ang Dios mo, Oh Dan; at, Buhay ang daan ng Beer-seba; sila'y mangabubuwal, at kailan may hindi na mangakababangon.

Never miss a post

n/a