45 Bible Verses about Lahat ng Bagay

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Ecclesiastes 3:1

Sa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit:

1 Corinthians 16:14

Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.

Ephesians 4:6

Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.

1 Thessalonians 5:21

Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;

Romans 8:28

At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.

1 Corinthians 15:28

At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.

Colossians 3:17

At anomang inyong ginagawa, sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan niya.

Colossians 1:16

Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya;

Philippians 4:6

Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.

1 Thessalonians 5:18

Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.

Colossians 1:17

At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya.

John 1:3

Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.

1 Corinthians 1:5

Na kayo ay pinayaman sa kanya, sa lahat ng mga bagay sa lahat ng pananalita at sa lahat ng kaalaman;

1 Corinthians 6:12

Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ay nararapat. Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; nguni't hindi ako pasasakop sa kapangyarihan ng anoman.

Ecclesiastes 8:17

Namasdan ko nga ang lahat ng gawa ng Dios, na hindi matalastas ng tao ang gawa na ginagawa sa ilalim ng araw: sapagka't sikaping mainam man ng tao na hanapin, ay hindi rin masusumpungan; oo, bukod dito, bagaman isipin ng pantas na maalaman hindi rin niya masusumpungan.

1 Corinthians 8:6

Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.

2 Timothy 2:7

Isipin mo ang sinasabi ko; sapagka't bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay.

Acts 2:44

At ang lahat ng mga nagsisampalataya ay nangagkakatipon, at lahat nilang pag-aari ay sa kalahatan;

Psalm 146:6

Na gumawa ng langit at lupa, ng dagat, at ng lahat na nandoon; na nagiingat ng katotohanan magpakailan man:

Ephesians 5:13

Datapuwa't ang lahat ng mga bagay pagka sawata ay itinatanyag ng kaliwanagan: sapagka't ang lahat ng mga bagay na itinatanyag ay kaliwanagan.

1 John 2:15

Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama.

1 Corinthians 11:12

Sapagka't kung paanong ang babae ay sa lalake, gayon din naman ang lalake ay sa pamamagitan ng babae; datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay sa Dios.

Matthew 21:22

At lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin, na may pananampalataya, ay inyong tatanggapin.

Ecclesiastes 10:19

Ang kapistahan ay ginagawa sa ikapagtatawa, at ang alak ay nagpapasaya sa buhay: at ang salapi ay sumasagot sa lahat ng mga bagay.

Hebrews 4:13

At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin: nguni't ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan.

1 Corinthians 14:40

Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay.

1 Corinthians 10:23

Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay nararapat. Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay makapagpapatibay.

Matthew 13:46

At pagkasumpong ng isang mahalagang perlas, ay yumaon siya at ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik, at binili yaon.

Luke 14:17

At sa panahon ng paghapon ay sinugo niya ang kaniyang alipin, upang sabihin sa mga inanyayahan, Magsiparito kayo; sapagka't ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na.

Philippians 4:13

Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.

John 17:10

At ang lahat ng mga bagay ay iyo, at ang mga iyo ay akin: at ako'y lumuluwalhati sa kanila.

Matthew 19:26

At pagtingin ni Jesus ay sinabi sa kanila, Hindi mangyayari ito sa mga tao; datapuwa't sa Dios ang lahat ng mga bagay ay mangyayari.

Philippians 4:9

Ang mga bagay na inyong natutuhan at tinanggap at narinig at nakita sa akin, ang mga bagay na ito ang gawin ninyo: at ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo.

Titus 1:15

Sa malinis ang lahat ng mga bagay ay malinis: datapuwa't sa nangahawa at di nagsisisampalataya ay walang anomang malinis; kundi pati ng kanilang pagiisip at kanilang budhi ay pawang nangahawa.

Romans 15:4

Sapagka't ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa.

Colossians 3:14

At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan.

1 Corinthians 3:21

Kaya't huwag ipagmamapuri ninoman sa mga tao, Sapagka't ang lahat ng mga bagay ay sa inyo.

1 Corinthians 2:10

Nguni't ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka't nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na mga bagay ng Dios.

Topics on Lahat ng Bagay

Cristo na Nakakaalam ng Lahat ng Bagay

Juan 16:30

Ngayon ay nakikilala namin na nalalaman mo ang lahat ng mga bagay, at hindi nangangailangan na tanungin ka ng sinoman: dahil dito'y nagsisisampalataya kami na ikaw ay nagbuhat sa Dios.

Lahat ng Bagay ay Nangyayari na may Dahilan

Mga Taga-Roma 8:28
Mga Konsepto ng TaludtodLayuninPlano ng DiyosDiyos, Plano ngNagtitiwala sa Plano ng DiyosNagtratrabaho ng MagkasamaLahat ng Bagay ay Nangyayari na may DahilanNagtratrabaho para sa DiyosNagtratrabahoMagigingPagsasagawa ng MahusayBuhay na may LayuninPagkakaalam sa DiyosDiyos na Ginawang Mabuti ang MasamaPlano ng Diyos Para Sa AtinNagtratrabaho para sa PanginoonAyon sa Kanyang KaloobanNagbibigay KaaliwanKahirapanKamanghamanghang DiyosPagiging TakotPagiging tulad ni CristoPagkabalisaPinagtaksilanMalamigPagiging HinirangPagiging Alam ang LahatMasamang PananalitaPagiging KristyanoMasamang ImpluwensiyaPinabayaanPagiging Tiwala ang LoobKalakasan, MakaDiyos naMasakit na PaghihiwalayTiwala sa Panawagan ng DiyosPagtanggap ng TuroMasamang mga BagayKapayapaan, Karanasan ng Mananampalataya saPagibig sa DiyosPaghihirap, Kalakasan ng Loob tuwing mayKaisipan, Kalusugan ngPagibig para sa Diyos, Bunga ngProbidensyaPagiging Ganap na KristyanoPangako sa mga Nahihirapan, MgaTagumpay bilang Gawa ng DiyosAksidenteDiyos, Panukala ngKabutihan bilang Bunga ng EspirituPagkabalisa, Pagtagumpayan angPanahon ng Buhay, MgaDiyos, Kabutihan ngKaaliwan sa KapighatianKinatawanPaglalaan at Pamamahala ng DiyosPagkilala sa DiyosPatnubay, Mga Pangako ng Diyos naBanal na Agapay, Ibinigay ngPagkakamali, MgaTadhanaDiyos na Gumagawa ng MabutiProblema, Pagsagot saProbidensya ng Diyos sa mga PangyayariMagandaPagibig, Katangian ngMasama, Tagumpay laban saKahirapan na Nagtapos sa MabutiKaaliwan kapag PinanghihinaanLahat ng Bagay

At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a