10 Bible Verses about Buhay sa Pamamagitan ng Karunungan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Proverbs 15:24

Sa pantas ay paitaas ang daan ng buhay, upang kaniyang mahiwalayan ang Sheol sa ibaba.

Proverbs 3:22

Sa gayo'y magiging buhay sila sa iyong kaluluwa, at biyaya sa iyong leeg.

Proverbs 8:35

Sapagka't sinomang nakakasumpong sa akin, ay nakakasumpong ng buhay. At magtatamo ng lingap ng Panginoon.

Proverbs 16:22

Ang kaunawaan ay bukal ng buhay sa nagtatamo: nguni't ang saway ng mga mangmang ay siyang kanilang kamangmangan.

Proverbs 9:6

Iwan ninyo, ninyong mga musmos at kayo'y mabuhay; at kayo'y magsilakad sa daan ng kaunawaan.

Proverbs 4:13

Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan: iyong ingatan; sapagka't siya'y iyong buhay.

Proverbs 10:17

Nasa daan ng buhay siyang nakikinig ng saway: nguni't siyang nagpapabaya ng saway ay nagkakamali.

Proverbs 13:14

Ang kautusan ng pantas ay bukal ng buhay, upang lumayo sa mga silo ng kamatayan.

Proverbs 6:23

Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay:

Proverbs 5:6

Na anopa't hindi niya nasusumpungan ang kapanatagan ng landas ng buhay; ang kaniyang mga lakad ay hindi panatag, at hindi niya nalalaman.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a