66 Talata sa Bibliya tungkol sa Hindi Namamatay

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mateo 16:28

Katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayo rito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, hanggang sa kanilang makita ang Anak ng tao na pumaparito sa kaniyang kaharian.

Marcos 9:1

At sinabi niya sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayong ito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, hanggang sa makita nila ang kaharian ng Dios na dumarating na may kapangyarihan.

Lucas 9:27

Datapuwa't katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayo rito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, hanggang sa mangakita nila ang kaharian ng Dios.

Mga Hukom 6:23

At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Kapayapaan ang sumaiyo; huwag kang matakot: hindi ka mamamatay.

Habacuc 1:12

Di baga ikaw ay mula sa walang hanggan, Oh Panginoon kong Dios, aking Banal? kami ay hindi mangamamatay. Oh Panginoon, iyong itinakda siya ukol sa kahatulan; at ikaw, Oh Malaking Bato, ay iyong itinatag siya na pinakasaway.

1 Samuel 15:32

Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel, Dalhin ninyo rito sa akin si Agag na hari ng mga Amalecita. At masayang naparoon si Agag sa kaniya. At sinabi ni Agag, Tunay na ang kapaitan ng kamatayan ay nakaraan na.

Awit 118:18

Pinarusahan akong mainam ng Panginoon; nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.

Awit 119:92

Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan, namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian.

Jonas 3:9

Sino ang nakaaalam kung manumbalik ang Dios at magsisisi, at hihiwalay sa kaniyang mabangis na galit, upang tayo'y huwag mangamatay.

Jonas 1:14

Kaya't sila'y nagsidaing sa Panginoon, at nangagsabi, Ipinamamanhik namin sa iyo, Oh Panginoon, ipinamamanhik namin sa iyo, huwag mo kaming ipahamak dahil sa buhay ng lalaking ito, at huwag mong ihulog sa amin ang walang salang dugo; sapagka't ikaw, Oh Panginoon, iyong ginawa ang nakalulugod sa iyo.

Jonas 1:6

Sa gayo'y lumapit sa kaniya ang puno ng sasakyan, at sinabi sa kaniya, Ano ang inaakala mo, O matutulugin? bumangon ka, tumawag ka sa iyong Dios, baka sakaling alalahanin ng Dios tayo, upang huwag tayong mangamatay.

Marcos 5:39

At pagkapasok niya, ay kaniyang sinabi sa kanila, Bakit kayo'y nangagkakagulo at nagsisitangis? hindi patay ang bata, kundi natutulog.

Juan 11:2

At ito'y yaong si Maria na nagpahid sa Panginoon ng unguento, at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok, na ang kaniyang kapatid na si Lazaro ay may-sakit.

Juan 11:21

Sinabi nga ni Marta kay Jesus, Panginoon, kung ikaw sana'y narito, disin ang kapatid ko ay hindi namatay.

Juan 11:32

Si Maria nga, pagdating niya sa kinaroroonan ni Jesus, at pagkakita sa kaniya, ay nagpatirapa sa kaniyang paanan, na sinabi sa kaniya, Panginoon, kung ikaw sana'y narito, disin ay hindi namatay ang aking kapatid.

Juan 11:37

Datapuwa't ang ilan sa kanila'y nagsipagsabi, Hindi baga magagawa ng taong ito, na nagpadilat ng mga mata ng bulag, na ang taong ito naman ay huwag mamatay?

Jonas 2:6

Ako'y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok; Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man: Gayon may isinampa mo ang aking buhay mula sa hukay, Oh Panginoon kong Dios.

Mga Bilang 16:48

At siya'y tumayo sa gitna ng mga patay at ng mga buhay; at ang salot ay tumigil.

1 Samuel 12:19

At sinabi ng buong bayan kay Samuel, Ipanalangin mo ang iyong mga lingkod sa Panginoon mong Dios, upang huwag kaming mamatay; sapagka't aming idinagdag sa lahat ng aming mga kasalanan ang kasamaang ito, na humingi kami para sa amin ng isang hari.

Isaias 28:18

At ang inyong tipan sa kamatayan ay mawawalan ng kabuluhan, at ang iyong pakikipagkasundo sa Sheol ay hindi mamamalagi; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay daraan, kayo nga'y ipapahamak niyaon.

Mga Gawa 27:24

Na nagsabi, Huwag kang matakot, Pablo; kailangang ikaw ay humarap kay Cesar: at narito, ipinagkaloob sa iyo ng Dios ang lahat ng kasama mo sa paglalayag.

Exodo 10:17

Ngayon nga'y ipatawad mo, isinasamo ko sa iyo, ang aking kasalanan, na ngayon na lamang at idalangin ninyo sa Panginoon ninyong Dios, na kaniya lamang ilayo sa akin ang kamatayang ito.

Awit 33:19

Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at upang ingatan silang buhay sa kagutom.

Awit 102:20

Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo: upang kalagan yaong nangaitakdang patayin;

Awit 9:13

Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; masdan mo ang kadalamhatian na aking tinitiis sa kanila na mangagtatanim sa akin, ikaw na nagtataas sa akin mula sa mga pintuan ng kamatayan;

Awit 56:13

Sapagka't iniligtas mo ang aking kaluluwa sa kamatayan: hindi mo ba iniligtas ang aking mga paa sa pagkahulog? upang ako'y makalakad sa harap ng Dios sa liwanag ng buhay.

Awit 86:13

Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin; at iyong iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol.

Awit 79:11

Dumating nawa sa harap mo ang buntong-hininga ng bihag; ayon sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay palagiin mo yaong nangatakda sa kamatayan:

Awit 49:7-8

Wala sa kaniyang makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid, ni magbibigay man sa Dios ng pangtubos sa kaniya: (Sapagka't ang katubusan ng kanilang kaluluwa ay mahal, at ito'y naglilikat magpakailan man:)

Awit 49:9

Upang siya'y mabuhay na lagi, upang siya'y huwag makakita ng kabulukan.

Job 4:7

Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, kung sino ang namatay, na walang malay? O saan nangahiwalay ang mga matuwid?

Genesis 12:13

Isinasamo ko sa iyo, na sabihin mong ikaw ay aking kapatid, upang ako'y mapabuti dahil sa iyo, at upang ang kaluluwa ko'y mabuhay dahil sa iyo.

Mga Hebreo 11:5

Sa pananampalataya si Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan; at hindi siya nasumpungan, sapagka't siya'y inilipat ng Dios: sapagka't bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya'y naging kalugodlugod sa Dios:

2 Mga Hari 2:11

At nangyari, samantalang sila'y nagpapatuloy, at nagsasalitaan, na narito, napakita ang isang karong apoy, at mga kabayong apoy, na naghiwalay sa kanila kapuwa; at si Elias ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo.

1 Corinto 15:51

Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, nguni't tayong lahat ay babaguhin,

Juan 21:23

Kumalat nga ang sabing ito sa gitna ng mga kapatid, na ang alagad na yaon ay hindi mamamatay: gayon ma'y hindi sinabi ni Jesus, sa kaniya na hindi siya mamamatay; kundi, Kung ibig kong siya'y manatili hanggang sa ako'y pumarito, ay ano nga sa iyo?

Juan 3:16
Mga Konsepto ng TaludtodKagalingan sa KanserPagibig ng Diyos kay CristoWalang HangganPagbibigayDiyos na Ibinibigay ang Kanyang AnakPagibig ng Diyos para sa AtinWalang HangganAng SanlibutanDiyos, Pagibig ngAma, Pagibig ngMinamahalPagmamahal sa LahatHindi SumusukoMalamigKatubusanPagtanggap kay CristoPagiging KristyanoPagiging Ganap na KristyanoKinatawanKamanghamanghang DiyosPagiging LiwanagSanggol na si JesusPagiging ManlalakbayGawa ng KabutihanNagbibigay KaaliwanPagiging Ipinanganak na MuliPagasa para sa Di-MananampalatayaPakikipaglaban sa KamatayanDiyos, Paghihirap ngJesus, Ginampanan Niya sa KaligtasanPananampalataya, Kalikasan ngWalang Hanggang KatiyakanMinsang Ligtas, Laging LigtasPagibigInialay na mga BataTirintasCristo bilang Pansin ng Tunay na PananampalatayaCristo, Relasyon Niya sa DiyosKakayahan ng Diyos na MagligtasPuso ng DiyosPagibig bilang Bunga ng EspirituPananampalataya bilang Batayan ng KaligtasanPagkakaalam na Ako ay LigtasPakikipagisa kay Cristo, Katangian ngKaloob, MgaPagpapala, Espirituwal naWalang Hanggang Buhay, Kalikasan ngBuhay sa Pamamagitan ng PananampalatayaUnang PagibigSawing-PusoBiyaya at si Jesu-CristoMga GawainMapagbigay, Diyos naPagbagsak ng Tao, Kinahinatnan ngPagaalay ng mga Panganay na AnakNatatangiAdan, Mga Lahi niUgali ng Diyos sa mga TaoWalang Hanggang Buhay, Biyaya ngNaligtas sa Pamamagitan ng PananampalatayaKaligtasan bilang KaloobPagibig, Katangian ngPaskoPagiging PinagpalaAraw, Paglubog ngKaloob mula sa Diyos, Espirituwal naDiyos, Pagibig ngPagiging Kabilang sa Pamilya ng DiyosEspirituwal na KamatayanNagliligtas na PananampalatayaMisyon ni Jesu-CristoPagiging PagpapalaMalapadBugtong na Anak ng DiyosPagkawala ng Mahal sa BuhayWalang Hanggang Buhay

Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Juan 8:52

Sinabi ng mga Judio sa kaniya, Ngayo'y nalalaman naming mayroon kang demonio. Namatay si Abraham, at ang mga propeta; at sinasabi mo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi niya matitikman magpakailan man ang kamatayan.

Exodo 21:18

At kung may magbabag, at saktan ng isa ang isa, ng bato, o ng kaniyang suntok, at hindi mamatay, kundi mahiga lamang sa banig:

Exodo 9:4

At gagawan ng katangian ng Panginoon ang hayop ng Israel at ang hayop ng Egipto: at walang mamamatay sa lahat ng ukol sa mga anak ni Israel.

Exodo 9:6

At ginawa ng Panginoon ang bagay na yaon ng kinabukasan, at ang lahat ng hayop sa Egipto ay namatay: nguni't sa hayop ng mga anak ni Israel ay walang namatay kahit isa.

Exodo 9:7

At si Faraon ay nagsugo, at narito, walang namatay kahit isa sa kawan ng mga Israelita. Nguni't ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya pinayaon ang bayan.

Marcos 9:48

Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a