16 Talata sa Bibliya tungkol sa Buhok, Damit sa
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At sila'y nagsisagot sa kaniya: Siya'y lalaking mabalahibo at nakabigkis ng bigkis na balat ng hayop sa kaniyang mga balakang. At kaniyang sinabi, Siya'y si Elias na Thisbita.
Dahil dito ay mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, kayo'y magsipanaghoy at magsipanangis; sapagka't ang mabangis na galit ng Panginoon ay hindi humihiwalay sa atin.
Gayon ma'y sinabi mo: Ako'y walang sala; tunay na ang kaniyang galit ay humiwalay sa akin. Narito, hahatulan kita, sapagka't iyong sinabi, Hindi ako nagkasala.
At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo;
Managhoy ka na parang babaing nabibigkisan ng kayong magaspang dahil sa asawa ng kaniyang kabataan.
At kayong bughaw, kulay-ube, at pula, at lino at balahibo ng kambing;
At kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino, at balahibo ng kambing;
At bawa't taong may kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino, at balahibo ng mga kambing, at balat ng mga tupa na tininang pula, at ng mga balat ng poka, ay nangagdala.
At lahat ng mga babae na napukaw ang kalooban, sa karunungan, ay nagsihabi ng balahibo ng mga kambing.
At gagawa ka ng mga tabing na balahibo ng kambing na pinaka tolda sa ibabaw ng tabernakulo: labing isang tabing ang iyong gagawin.
At siya'y gumawa ng mga tabing na balahibo ng mga kambing na magagamit sa tolda na nasa ibabaw ng tabernakulo: labing isang tabing ang ginawa niya.
At tungkol sa bawa't kasuutan, at sa lahat ng yari sa balat, at sa lahat ng yari sa balahibo ng kambing, at sa lahat ng bagay na yari sa kahoy, ay pakalinisin ninyo.
At kinuha ni Michal ang mga terap, at inihiga sa higaan at nilagyan sa ulunan ng isang unan na buhok ng kambing, at tinakpan ng mga kumot.
At nang pumasok ang mga sugo, narito, ang mga terap at nasa higaan, pati ng unang buhok ng kambing sa ulunan niyaon.
At mangyayari sa araw na yaon na ang mga propeta ay mangahihiya bawa't isa dahil sa kaniyang pangitain, pagka siya'y nanghuhula; hindi man sila mangagsusuot ng kasuutang balahibo, upang mangdaya:
Si Juan nga ay nananamit ng balahibo ng kamelyo, at may isang pamigkis na katad sa palibot ng kaniyang baywang; at ang kaniyang pagkain ay mga balang at pulot-pukyutan.