55 Talata sa Bibliya tungkol sa Insekto

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Levitico 11:20-23

Lahat na may pakpak na umuusad na lumalakad na may apat na paa ay marumi nga sa inyo. Gayon man, ang mga ito'y inyong makakain sa lahat ng may pakpak na umuusad na may apat na paa, ang mga may dalawang paang mahaba, bukod pa sa kanilang mga paa, upang kanilang ipanglukso sa lupa; Sa kanila'y makakain ninyo ang mga ito: ang balang ayon sa kaniyang pagkabalang, at ang lukton ayon sa kaniyang pagkalukton, at ang kuliglig lupa ayon sa kaniyang pagkakuliglig, at ang tipaklong ayon sa kaniyang pagkatipaklong.magbasa pa.
Datapuwa't lahat na may pakpak na umuusad na mayroong apat na paa, ay kasuklamsuklam nga sa inyo.

Deuteronomio 14:19

At lahat ng may pakpak na umuusad, ay marumi sa inyo: hindi kakanin.

Mga Hukom 14:8

At pagkaraan ng sandali ay bumalik siya upang kunin niya siya, at siya'y lumiko upang tingnan ang patay na leon: at, narito, may isang kawan ng pukyutan sa loob ng bangkay ng leon, at pulot-pukyutan.

Deuteronomio 1:44

At ang mga Amorrheo na tumatahan sa bundok na yaon, ay nagsilabas na laban sa inyo, at kayo'y hinabol, na gaya ng ginagawa ng mga pukyutan, at kayo'y tinalo sa Seir, hanggang sa Horma.

Awit 118:12

Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y nangamatay na parang apoy ng mga dawag: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.

Isaias 7:18

At mangyayari sa araw na yaon, na susutsutan ng Panginoon ang langaw na nasa kahulihulihang bahagi ng mga ilog ng Egipto, at ang pukyutan na nasa lupain ng Asiria.

1 Samuel 24:14

Sinong nilabas ng hari ng Israel? sinong hinahabol mo? isang patay na aso, isang kuto.

1 Samuel 26:20

Ngayon nga'y huwag ibubo ang aking dugo sa lupa sa harap ng Panginoon; sapagka't lumabas ang hari sa Israel upang humanap ng isang kuto, gaya ng isang humahabol ng isang pugo sa mga bundok.

Exodo 8:24

At ginawang gayon ng Panginoon, at nagsipasok ang mga makapal na pulupulutong na langaw sa bahay ni Faraon, at sa bahay ng kaniyang mga lingkod: at sa buong lupain ng Egipto ay nasisira ang lupa dahil sa mga pulupulutong na langaw.

Exodo 8:21-22

Saka kung hindi mo payayaunin ang aking bayan ay magsusugo ako ng pulupulutong na langaw sa iyo, at sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan, at sa loob ng iyong mga bahay: at ang mga bahay ng mga Egipcio ay mapupuno ng pulupulutong na langaw, at gayon din ang lupa na kinaroroonan nila. At aking ihihiwalay sa araw na yaon ang lupain ng Gosen, na kinatatahanan ng aking bayan, upang huwag magkaroon doon ng pulupulutong na langaw: ng iyong maalaman na ako ang Panginoon sa gitna ng lupa.

Awit 78:45

Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila; at mga palaka, na nagsigiba sa kanila.

Isaias 51:6

Itingin ninyo ang inyong mga mata sa mga langit, at magsitungo kayo sa lupa sa ibaba; sapagka't ang mga langit ay mapapawing parang usok, at ang lupa ay malulumang parang bihisan; at silang nagsisitahan doon ay mangamamatay ng gayon ding paraan: nguni't ang pagliligtas ko ay magpakailan man, at ang aking katuwiran ay hindi mawawakasan.

Exodo 8:16

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo kay Aaron: Iunat mo ang iyong tungkod, at paluin mo ang alabok ng lupa, upang maging mga kuto sa lupaing Egipto.

Mateo 23:24

Kayong mga tagaakay na bulag na inyong sinasala ang lamok, at nilulunok ninyo ang kamelyo!

Exodo 8:17-18

At kaniyang ginawang gayon; at iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay pati ng kaniyang tungkod, at pinalo ang alabok ng lupa, at nagkakuto sa tao at sa hayop; lahat ng alabok ng lupa ay naging mga kuto sa buong lupain ng Egipto. At ang mga mahiko ay gumawa ng gayon sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto, upang maglabas ng mga kuto, nguni't hindi nila nagawa: at nagkakuto sa tao at sa hayop.

Awit 105:31

Siya'y nagsalita, at dumating ang mga pulutong na mga langaw, at kuto sa lahat ng kanilang mga hangganan.

Isaias 40:22

Siya ang nakaupo sa balantok ng lupa, at ang mga nananahan doon ay parang mga balang; siyang naglaladlad ng langit na parang tabing, at inilaladlad na parang tolda upang tahanan;

Mga Bilang 13:33

At doo'y aming nakita ang mga Nefilim, ang mga anak ni Anac, na mula sa mga Nefilim: at kami sa aming sariling paningin ay naging parang mga balang, at gayon din kami sa kanilang paningin.

1 Mga Hari 8:37

Kung magkaroon ng kagutom sa lupain, kung magkaroon ng salot, kung magkaroon ng pagkakatuyot, o amag, balang o tipaklong, kung kulungin sila ng kanilang kaaway sa lupain ng kanilang mga bayan; anomang salot, anomang sakit na magkaroon,

2 Paralipomeno 6:28

Kung magkaroon ng kagutom sa lupain, kung magkaroon ng salot, kung magkaroon ng pagkalanta o amag, balang o tipaklong; kung kubkubin sila ng kanilang mga kaaway sa lupain ng kanilang mga bayan; anomang salot o anomang sakit na magkaroon;

Awit 105:34

Siya'y nagsalita at ang mga balang ay nagsidating, at ang mga higad, ay yao'y walang bilang,

Nahum 3:15

Doon ka sasakmalin ng apoy; ihihiwalay ka ng tabak; sasakmalin kang parang uod: magpakarami kang gaya ng uod: magpakarami kang gaya ng balang.

Exodo 23:28

At aking susuguin ang mga putakti sa unahan mo, na magpapalayas sa Heveo, sa Cananeo at sa Hetheo, sa harap mo.

Deuteronomio 7:20

Bukod dito'y susuguin sa kanila ng Panginoon mong Dios ang malaking putakti hanggang sa ang nangaiiwan, at nangagtatago ay mamatay sa harap mo.

Josue 24:12

At sinugo ko ang malalaking putakti sa unahan ninyo, na siyang nagtaboy sa kanila sa harap ninyo, sa makatuwid baga'y sa dalawang hari ng mga Amorrheo: hindi sa pamamagitan ng inyong tabak, ni ng inyong busog.

Joel 2:25

At aking isasauli sa inyo ang mga taon na kinain ng balang, ng uod, at ng kuliglig, at ng tipaklong na siyang aking malaking hukbo, na aking sinugo sa gitna ninyo.

Mateo 3:4

Si Juan nga ay nananamit ng balahibo ng kamelyo, at may isang pamigkis na katad sa palibot ng kaniyang baywang; at ang kaniyang pagkain ay mga balang at pulot-pukyutan.

Marcos 1:6

At si Juan ay nananamit ng balahibo ng kamelyo, at may isang pamigkis na katad sa palibot ng kaniyang baywang, at kumakain ng mga balang at pulot-pukyutan.

Exodo 10:12-14

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa lupain ng Egipto, upang magdala ng mga balang, at bumaba sa lupain ng Egipto, at kumain ng lahat na halaman sa lupain, yaong lahat na iniwan ng granizo. At iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod sa lupain ng Egipto, at ang Panginoo'y nagpahihip ng hanging silanganan sa lupain ng buong araw na yaon, at ng buong gabi; at nang maumaga, ang hanging silanganan ay nagdala ng mga balang. At ang mga balang ay bumaba sa buong lupain ng Egipto, at nagsipagpahinga sa lahat ng hangganan ng Egipto; totoong napakakapal; bago noon ay hindi nagkaroon ng gayong balang, at hindi na magkakaroon pa, pagkatapos noon, ng gayon.

Awit 78:46

Ibinigay rin niya ang kanilang bunga sa tipaklong, at ang kanilang pakinabang sa balang.

Kawikaan 30:27

Ang mga balang ay walang hari, gayon ma'y lumalabas silang lahat na pulupulutong;

Jeremias 46:23

Kanilang puputulin ang kaniyang gubat, sabi ng Panginoon, bagaman mahirap pasukin; sapagka't sila'y higit kay sa mga balang, at walang bilang.

Job 13:28

Bagaman ako'y parang bagay na bulok na natutunaw, na parang damit na kinain ng tanga.

Mateo 6:19-20

Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na dito'y sumisira ang tanga at ang kalawang, at dito'y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw: Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo'y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo'y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:

Job 4:19

Gaano pa kaya sila na nagsisitahan sa mga bahay na putik, na ang patibayan ay nasa alabok, na napipisang gaya ng paroparo!

Job 27:18

Siya'y nagtatayo ng kaniyang bahay na gaya ng tanga, at gaya ng isang bantayan na ginagawa ng bantay.

Awit 39:11

Pagka sa pamamagitan ng mga parusa dahil sa kasamaan ay iyong sinasaway ang tao, iyong sinisira ang kaniyang kagandahan na parang pagsira ng tanga: tunay na bawa't tao ay walang kabuluhan. (Selah)

Isaias 50:9

Narito, tutulungan ako ng Panginoong Dios; sino siya na hahatol sa akin? narito, silang lahat ay mangalulumang parang bihisan; lalamunin sila ng tanga.

Isaias 51:8

Sapagka't sila'y lalamunin ng tanga na parang bihisan, at kakanin sila ng uod na parang bihisan na balahibo ng tupa; nguni't ang aking katuwiran ay magiging magpakailan man, at ang aking pagliligtas ay sa lahat ng sali't saling lahi.

Hosea 5:12

Kaya't ako'y sa Ephraim na parang tanga, at sa sangbahayan ni Juda na parang kabulukan.

Job 8:14

Na ang kaniyang pagtitiwala ay mapaparam, at ang kaniyang tiwala ay isang bahay gagamba.

Isaias 59:5

Sila'y pumipisa ng mga itlog ng ahas, at gumagawa ng bahay gagamba: ang kumakain ng kanilang itlog ay namamatay; at ang napipisa ay nilalabasan ng ulupong.

Levitico 11:22

Sa kanila'y makakain ninyo ang mga ito: ang balang ayon sa kaniyang pagkabalang, at ang lukton ayon sa kaniyang pagkalukton, at ang kuliglig lupa ayon sa kaniyang pagkakuliglig, at ang tipaklong ayon sa kaniyang pagkatipaklong.

Kawikaan 30:15

Ang linga ay may dalawang anak, na sumisigaw, bigyan mo, bigyan mo. May tatlong bagay na kailan man ay hindi nasisiyahan, Oo, apat na hindi nagsasabi, siya na:

Exodo 10:4

O kung tatanggihan mong payaunin ang aking bayan, ay narito, bukas ay magdadala ako ng mga balang sa iyong hangganan:

Kawikaan 30:28

Ang butiki ay tumatangan ng kaniyang mga kamay, gayon ma'y nasa mga bahay ng mga hari siya.

Exodo 16:20

Gayon ma'y hindi sila nakinig kay Moises; kungdi ang iba sa kanila ay nagtira niyaon hanggang sa umaga, at inuod at bumaho; at naginit sa kanila si Moises.

Kawikaan 30:24-28

May apat na bagay na maliit sa lupa, nguni't lubhang mga pantas: Ang mga langgam ay bayang hindi matibay, gayon ma'y nagiimbak ng kanilang pagkain sa taginit; Ang mga koneho ay hayop na mahina, gayon ma'y nagsisigawa sila ng kanilang mga bahay sa malalaking bato;magbasa pa.
Ang mga balang ay walang hari, gayon ma'y lumalabas silang lahat na pulupulutong; Ang butiki ay tumatangan ng kaniyang mga kamay, gayon ma'y nasa mga bahay ng mga hari siya.

Joel 1:4

Ang iniwan ng tipaklong, ay kinain ng balang; at ang iniwan ng balang ay kinain ng uod; at ang iniwan ng uod ay kinain ng kuliglig.

Mateo 6:20

Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo'y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo'y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:

Mga Hukom 6:5

Sapagka't sila'y nagsiahong dala nila ang kanilang kawan at ang kanilang mga tolda; at sila'y nagsipasok na parang balang sa karamihan; sila at ang kanilang mga kamelyo ay walang bilang: at kanilang pinasok ang lupain upang gibain.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a