12 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Bumalik

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Job 37:12

At pumipihit sa palibot sa pamamagitan ng kaniyang patnubay, upang kanilang gawin ang anomang iutos niya sa kanila, sa ibabaw ng balat ng sanglibutang natatahanan:

Panaghoy 1:8

Ang Jerusalem ay lubhang nagkasala; kaya't siya'y naging parang maruming bagay; lahat ng nangagparangal sa kaniya ay humahamak sa kaniya, sapagka't kanilang nakita ang kaniyang kahubaran: Oo, siya'y nagbubuntong-hininga, at tumatalikod.

Jeremias 15:19

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Kung ikaw ay magbalikloob, papananauliin nga kita upang ikaw ay makatayo sa harap ko; at kung iyong ihiwalay ang may halaga sa walang halaga, ikaw ay magiging parang aking bibig: sila'y manunumbalik sa iyo, nguni't hindi ka manunumbalik sa kanila.

Mateo 9:22

Datapuwa't paglingon ni Jesus at pagkakita sa kaniya, ay sinabi, Anak, laksan mo ang iyong loob; pinagaling ka ng iyong pananampalataya. At gumaling ang babae mula sa oras na yaon.

Juan 1:38

At lumingon si Jesus, at nakita silang nagsisisunod, at sinabi sa kanila, Ano ang inyong hinahanap? At sinabi nila sa kaniya, Rabi (na kung liliwanagin, ay Guro), saan ka tumitira?

Lucas 22:61

At lumingon ang Panginoon, at tinitigan si Pedro. At naalaala ni Pedro ang salita ng Panginoon, kung paanong sinabi niya sa kaniya, Bago tumilaok ang manok ngayon, ay ikakaila mo akong makaitlo.

Juan 20:14

Pagkasabi niya ng gayon, siya'y lumingon, at nakitang nakatayo si Jesus, at hindi nalalaman na yaon ay si Jesus.

Pahayag 1:12

At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto:

Sofonias 3:9-20

Sapagka't akin ngang sasaulian ang mga bayan ng dalisay na wika, upang silang lahat ay makatawag sa pangalan ng Panginoon; na paglingkuran siya na may pagkakaisa. Mula sa dako roon ng mga ilog ng Etiopia, ang mga nagsisipamanhik sa akin, sa makatuwid baga'y ang anak na babae ng aking pinapangalat, ay magdadala ng handog sa akin. Sa araw na yao'y hindi ka mapapahiya ng dahil sa lahat ng iyong gawa, na iyong isinalangsang laban sa akin; sapagka't kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo ang iyong nangagpapalalong nagsasaya, at hindi ka na magpapalalo pa sa aking banal na bundok.magbasa pa.
Nguni't aking iiwan sa gitna mo ang isang nagdadalamhati at maralitang bayan, at sila'y magsisitiwala sa pangalan ng Panginoon. Ang nalabi sa Israel ay hindi gagawa ng kasamaan, ni magsasalita man ng mga kabulaanan; ni masusumpungan man ang isang magdarayang dila sa kanilang bibig; sapagka't sila'y magsisikain at magsisihiga, at walang takot sa kanila. Umawit ka, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka; Oh Israel; ikaw ay matuwa at magalak ng buong puso, Oh anak na babae ng Jerusalem. Inalis ng Panginoon ang mga kahatulan sa iyo, kaniyang iniwaksi ang iyong kaaway: ang hari sa Israel, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ay nasa gitna mo; hindi ka na matatakot pa sa kasamaan. Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem; Huwag kang matakot; Oh Sion, huwag manghina ang iyong mga kamay. Ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, na makapangyarihan na magliligtas; siya'y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan; siya'y magpapahinga sa kaniyang pagibig; siya'y magagalak sa iyo na may pagawit. Aking pipisanin yaong nangamamanglaw dahil sa takdang kapulungan, na sila'y mga naging iyo; na ang pasan sa kaniya ay isang kakutyaan. Narito, sa panahong yao'y aking parurusahan ang lahat na mga dumadalamhati sa iyo: at aking ililigtas ang napipilay, at aking pipisanin ang pinalayas; at aking gagawin silang kapurihan at kabantugan, na ang kahihiyan nila ay napasa buong lupa. Sa panahong yao'y aking ipapasok kayo, at sa panahong yao'y aking pipisanin kayo; sapagka't aking gagawin kayong kabantugan at kapurihan sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa, pagka aking ibinalik kayo sa harap ng inyong mga mata mula sa inyong pagkabihag sabi ng Panginoon.

Topics on Bumalik

Pahintulot na Bumalik sa Tahanan

Deuteronomio 20:5-8

At ang mga pinuno ay magsasalita sa bayan, na sasabihin, Sinong tao ang nagtayo ng isang bagong bahay, at hindi pa niya natatalagahan? siya'y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay, baka siya'y mamatay sa pakikibaka at ibang tao ang magtalaga.

Yaong mga Bumalik mula sa Pagkakatapon

2 Paralipomeno 33:13

At siya'y dumalangin sa kaniya; at siya'y dininig, at pinakinggan ang kaniyang pamanhik, at ibinalik siya sa Jerusalem sa kaniyang kaharian. Nang magkagayo'y nakilala ni Manases na ang Panginoon ay siyang Dios.

Never miss a post

n/a