29 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Daan sa Diyos

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Zacarias 3:7

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan, at kung iyong iingatan ang aking bilin, iyo nga ring hahatulan ang aking bayan, at iyo ring iingatan ang aking mga looban, at bibigyan kita ng kalalagyan sa gitna ng mga ito na nangakaharap.

Juan 16:23

At sa araw na yaon ay hindi kayo magtatanong sa akin ng anomang tanong. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung kayo'y hihingi ng anoman sa Ama, ay ibibigay niya sa inyo sa aking pangalan.

Kawikaan 8:35

Sapagka't sinomang nakakasumpong sa akin, ay nakakasumpong ng buhay. At magtatamo ng lingap ng Panginoon.

Topics on Daan sa Diyos

Daan sa Diyos sa Lumang Tipan

Exodo 29:44-45

At aking pakakabanalin ang tabernakulo ng kapisanan, at ang dambana; si Aaron man at ang kaniyang mga anak ay aking papagbabanalin upang mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.

Daan sa Diyos, Katangian ng

Awit 65:4

Mapalad ang tao na iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo, upang siya'y makatahan sa iyong mga looban: kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay, ng iyong banal na templo.

Never miss a post

n/a