30 Talata sa Bibliya tungkol sa Cristo, Paghihirap ng mga Disipulo ni
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Nguni't ikaw ay magpigil sa lahat ng mga bagay, magtiis ka ng mga kahirapan, gawin mo ang gawa ng evangelista, ganapin mo ang iyong ministerio.
Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus.
Sapagka't sa kaniya'y aking ipakikilala kung gaano karaming mga bagay ang dapat niyang tiisin dahil sa aking pangalan.
Sapagka't sa inyo'y ipinagkaloob alangalang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya:
At ang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin, ay hindi karapatdapat sa akin.
Nang magkagayo'y sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.
At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan pati ng kaniyang mga alagad, at sa kanila'y sinabi, Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.
Sinomang hindi nagdadala ng kaniyang sariling krus, at sumusunod sa akin, ay hindi maaaring maging alagad ko.
At sinabi niya sa lahat, Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin sa arawaraw ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.
Upang ang sinoma'y huwag mabagabag sa pamamagitan ng mga kapighatiang ito; sapagka't kayo rin ang nangakaaalam na itinalaga kami sa bagay na ito.
Sapagka't sa katotohanan, nang kami ay kasama ninyo ay aming sinabi nang una sa inyo na kami ay mangagbabata ng kapighatian; gaya nga na nangyari, at nalalaman ninyo.
Huwag mo ngang ikahiya ang pagpapatotoo sa ating Panginoon, ni ako na bilanggo niya: kundi magtiis ka ng mga kahirapan dahil sa evangelio ayon sa kapangyarihan ng Dios;
At kung ang isang sangkap ay nagdaramdam, ang lahat ng mga sangkap ay nangagdaramdam na kasama niya; o kung ang isang sangkap ay nagkakapuri, ang lahat ng mga sangkap ay nangagagalak na kasama niya.
Gayon ma'y wala siyang ugat sa kaniyang sarili, kundi sangdaling tumatagal; at pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa salita, ay pagdaka'y natitisod siya.
Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.
Maliban na pinatotohanan sa akin ng Espiritu Santo sa bawa't bayan, na sinasabing ang mga tanikala at ang mga kapighatian ay nagsisipagantay sa akin.
Dahil dito'y nangaaliw kami, mga kapatid, tungkol sa inyo sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa lahat naming kagipitan at kapighatian:
Na ito ang inyong totoong ikinagagalak, bagama't ngayo'y sa sangdaling panahon, kung kailangan, ay pinalumbay kayo sa muli't muling pagsubok,
Sapagka't ito'y kalugodlugod, kung dahil sa budhing ukol sa Dios ay magtiis ang sinoman ng mga kalumbayan, na magbata ng di matuwid.
Datapuwa't kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran ay mapapalad kayo: at huwag kayong mangatakot sa kanilang pangtakot, o huwag kayong mangagulo;
Sapagka't lalong magaling, kung gayon ang iniibig ng kalooban ng Dios na kayo'y mangagbata dahil sa paggawa ng mabuti kay sa dahil sa paggawa ng masama.
Nguni't huwag magbata ang sinoman sa inyo na gaya ng mamamatay-tao, o magnanakaw, o manggagawa ng masama, o gaya ng mapakialam sa mga bagay ng iba: Nguni't kung ang isang tao ay magbata na gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito. Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios: at kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios?
Kaya't ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa kalooban ng Dios ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang.
At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo.
Sapagka't anong kapurihan nga, kung kayo'y nangagkakasala, at kayo'y tinatampal ay inyong tanggapin na may pagtitiis? nguni't kung kayo'y gumagawa ng mabuti, at kayo'y nagbabata, ay inyong tanggapin na may pagtitiis, ito'y kalugodlugod sa Dios.
At hindi lamang gayon, kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan;
Datapuwa't sa lahat ng mga bagay ay ipinagkakapuri namin ang aming sarili, gaya ng mga ministro ng Dios, sa maraming pagtitiis, sa mga kapighatian, sa mga pangangailangan, sa mga paghihinagpis,
Sa magkabikabila ay nangagigipit kami, gayon ma'y hindi nangaghihinagpis; nangatitilihan, gayon ma'y hindi nangawawalan ng pagasa;
Sapagka't ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo't lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan;
At ang aming pagasa tungkol sa inyo ay matibay; yamang nalalaman na kung paanong kayo'y mga karamay sa mga sakit, ay gayon din naman kayo sa kaaliwan.
Mga Katulad na Paksa
- Ang Krus
- Ating Pagkapako sa Krus
- Bagabag
- Bagabag at Kabigatan
- Biyaya
- Buhay, Mga Paghihirap sa
- Daraanan
- Diyos, Paghihirap ng
- Ebanghelyo, Hinihingi ng
- Ehersisyo
- Kahirapan
- Kahirapan sa Pamumuhay Kristyano
- Kahirapan, Mga
- Kahirapan, Mga Pakinabang ng
- Kahirapan, Pansamantala
- Kaluwalhatian
- Kamatayan sa Sarili
- Kaparusahan
- Katatagan
- Katiyagaan ay Nagdudulot ng
- Katiyagaan sa Oras ng Kahirapan
- Katiyagaan sa Relasyon
- Katulad ni Cristo
- Kawalang-Pagasa
- Lumilipas na Kahirapan
- Mabigat na Trabaho at Pagtitiyaga
- Mabubuting Gawa
- Maiksing Panahon Hanggang Katapusan
- Matatag
- Matiyaga
- Mga Disipulo, Katangian ng mga
- Ministro, Sila ay Dapat Na
- Nagtitiyaga
- Nakagagawa ng Pagkakamali
- Pag-uusig
- Pag-uusig, Katangian ng
- Pag-uusig, Ugali sa
- Pagasa sa Oras ng Kagipitan
- Pagbabahagi ng Ebanghelyo
- Pagbibigay ng Sarili
- Pagdidisipulo
- Pagdidisipulo, Halaga ng
- Pagdidisupulo, Katangian ng
- Paghihirap
- Paghihirap ng mga Mananampalataya
- Paghihirap para sa Kapakanan ni Cristo
- Paghihirap, Kabigatan tuwing may
- Pagiging Matatag
- Pagkabalisa
- Pagkamakasarili
- Pagkamartir
- Pagkamartir, Katangian ng
- Pagpako sa Pita ng Laman
- Pagpapakasakit
- Pagpapakasakit
- Pagsasagawa ng Mahusay
- Pagsasagawa sa Bagay na Mabuti
- Pagsunod
- Pagtagumpayan ang Mahirap na Sandali
- Pagtanggi
- Pagtitiyaga
- Pakikibahagi kay Cristo
- Pakikibahagi sa Kahirapan ni Cristo
- Pakikipagisa kay Cristo, Kahalagahan ng
- Pananampalataya, Pagsubok sa
- Panggagaya
- Pangingilin bilang Disiplina
- Paniniil, Ugali ng Diyos laban sa
- Paninindigan kay Jesu-Cristo
- Pansamantalang Kahirapan ng mga Banal
- Pedro
- Positibong Pananaw
- Propesiya sa Huling Panahon
- Rehabilitasyon
- Sandaling Panahon
- Sarili, Paglimot sa
- Sariling Sakripisyo
- Tagubilin sa Pagsunod
- Talikuran
- Ugali ng Paglimot sa Sarili
- Walang Hanggang Pagpapala