20 Bible Verses about Diyos Ko, Tulong!

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Psalm 12:1

Tumulong ka, Panginoon, sapagka't ang banal na tao ay nalilipol; sapagka't nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao.

Psalm 109:26

Tulungan mo ako, Oh Panginoon kong Dios; Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob:

Matthew 15:25

Datapuwa't lumapit siya at siya'y sinamba niya, na nagsasabi, Panginoon, saklolohan mo ako.

Mark 9:22

At madalas na siya'y inihahagis sa apoy at sa tubig, upang siya'y patayin: datapuwa't kung mayroon kang magagawang anomang bagay, ay maawa ka sa amin, at tulungan mo kami.

Psalm 44:26

Ikaw ay bumangon upang kami ay tulungan, at tubusin mo kami dahil sa iyong kagandahang-loob.

Psalm 35:2

Humawak ka ng kalasag at ng longki, at tumayo ka na pinaka tulong sa akin.

Psalm 59:4

Sila'y nagsisitakbo at nagsisihanda na wala akong sala: ikaw ay gumising na tulungan mo ako, at masdan mo.

Psalm 30:10

Iyong dinggin, Oh Panginoon, at maawa ka sa akin: Panginoon, maging saklolo nawa kita.

Psalm 119:173

Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako; sapagka't aking pinili ang iyong mga tuntunin.

Deuteronomy 33:7

At ito ang basbas sa Juda; at kaniyang sinabi, Dinggin mo, Panginoon, ang tinig ng Juda, At padatnin mo sa kaniyang bayan: Sukat na sa kaniya ang kaniyang mga kamay; At ikaw ay maging tulong laban sa kaniyang mga kaalit.

Psalm 60:11

Tulungan mo kami laban sa kaaway; sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao.

Psalm 108:12

Gawaran mo kami ng tulong laban sa kaaway; sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao.

Psalm 38:22

Magmadali kang tulungan mo ako, Oh Panginoon na aking kaligtasan.

Psalm 40:13

Kalugdan mo nawa, Oh Panginoon, na iligtas ako: Ikaw ay magmadaling tulungan mo ako, Oh Panginoon.

Psalm 70:1

Magmadali ka, Oh Dios, na iligtas mo ako; magmadali ka na tulungan mo ako, Oh Panginoon.

Psalm 70:5

Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan; magmadali ka sa akin, Oh Dios: ikaw ay aking katulong at aking tagapagligtas; Oh Panginoon, huwag kang magluwat.

Psalm 71:12

Oh Dios, huwag kang lumayo sa akin: Oh Dios ko, magmadali kang tulungan mo ako.

Psalm 22:19

Nguni't huwag kang lumayo, Oh Panginoon: Oh ikaw na aking saklolo, magmadali kang tulungan mo ako.

Psalm 119:175

Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo; at tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan.

Psalm 20:2

Saklolohan ka mula sa santuario, at palakasin ka mula sa Sion;

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a