10 Talata sa Bibliya tungkol sa Gulo sa Tahanan
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Kung ang sinoman ay magasawa, at sumiping sa kaniya, at kaniyang kapootan siya, At kaniyang bintangan ng mga kahiyahiyang bagay, at ikalat ang isang masamang dangal niya, at sabihin, Aking kinuha ang babaing ito, at nang sipingan ko siya, ay hindi ko nasumpungan sa kaniya ang mga tanda ng pagka donselya: Kung magkagayo'y ang ama ng dalaga at ang kaniyang ina ay kukuha at maglalabas ng mga tanda ng pagka donselya ng dalaga sa harap ng mga matanda sa bayan, sa pintuang-bayan;magbasa pa.
At sasabihin ng ama ng dalaga sa mga matanda, Ibinigay ko ang aking anak sa lalaking ito na maging asawa at kaniyang kinapootan siya; At, narito, kaniyang binibintangan ng mga kahiyahiyang bagay, na sinasabi, Hindi ko nasumpungan sa iyong anak ang mga tanda ng pagka donselya: at gayon ma'y ito ang mga tanda ng pagka donselya ng aking anak. At kanilang ilaladlad ang kasuutan sa harap ng matatanda sa bayan. At kukunin ng mga matanda sa bayang yaon ang lalake at parurusahan siya; At kanilang sisingilin siya ng isang daang siklong pilak at ibibigay sa ama ng dalaga sapagka't kaniyang ikinalat ang isang masamang dangal ng isang donselya sa Israel: at siya'y magiging kaniyang asawa; hindi niya mapalalayas siya sa lahat ng kaniyang kaarawan.
Pagka ang isang lalake ay kumuha ng isang babae at pinakasalan, ay mangyayari nga, na kung ang babae ay hindi kalugdan ng kaniyang mga mata, sapagka't kinasumpungan niya ng isang kahiyahiyang bagay, ay lalagda siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibibigay niya sa kaniyang kamay, at papagpapaalamin niya siya sa kaniyang bahay.
Sinabi rin naman, Ang sinomang lalake na ihiwalay na ang kaniyang asawa, ay bigyan niya siya ng kasulatan ng paghihiwalay: Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya.
Ang mangmang na anak ay kapanglawan ng kaniyang ama: at ang mga pakikipagtalo ng asawa ay walang likat na tulo.
Lalong maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa palatalong babae sa maluwang na bahay.
Lalong maigi ang tumahan sa ilang na lupain, kay sa makisama sa palatalo at magagaliting babae.
Maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa kasama ng palaaway na babae sa maluwang na bahay.
Na pasakop kayo sa isa't isa sa takot kay Cristo. Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon. Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.magbasa pa.
Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay. Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya; Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita, Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan. Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili: Sapagka't walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan; kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia; Sapagka't tayo ay mga sangkap ng kaniyang katawan. Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman. Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa't sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia. Gayon man ay umibig naman ang bawa't isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili; at ang babae ay gumalang sa kaniyang asawa.
Mga anak, magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid. Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang unang utos na may pangako), Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa.magbasa pa.
At, kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon.
Mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak, upang huwag manghina ang loob nila.
Mga Katulad na Paksa
- Ama, Mga Pananagutan ng mga
- Asawang Babae, Mga
- Bubong
- Bubungan
- Diborsyo sa Lumang Tipan
- Galit, Pagpipigil ng
- Hindi Pagkakasundo
- Kaguluhan
- Magaliting Asawang Babae