7 Talata sa Bibliya tungkol sa Habag, Halimbawa ng

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

1 Samuel 11:13

At sinabi ni Saul, Walang taong papatayin sa araw na ito; sapagka't ngayo'y gumawa ang Panginoon ng pagliligtas sa Israel.

1 Samuel 26:9

At sinabi ni David kay Abisai, Huwag mong patayin siya: sapagka't sinong maguunat ng kaniyang kamay laban sa pinahiran ng langis ng Panginoon at mawawalan ng sala?

2 Samuel 19:22

At sinabi ni David, Ano ang ipakikialam ko sa inyo, mga anak ni Sarvia, na kayo'y magiging mga kaaway ko sa araw na ito? may sinoman bang papatayin sa araw na ito sa Israel? sapagka't di ko ba talastas na ako'y hari sa araw na ito sa Israel?

1 Mga Hari 1:52

At sinabi ni Salomon, Kung siya'y pakikilalang karapatdapat na tao, ay walang malalaglag na isang buhok sa kaniya sa lupa; nguni't kung kasamaan ang masumpungan sa kaniya siya'y mamamatay.

2 Mga Hari 6:22

At siya'y sumagot. Huwag mong sasaktan sila; sasaktan mo ba ang iyong binihag ng iyong tabak at ng iyong busog? maghain ka ng tinapay at tubig sa harap nila, upang kanilang makain at mainom, at magsiparoon sa kanilang panginoon.

Juan 8:7

Datapuwa't nang sila'y nangagpatuloy ng pagtatanong sa kaniya, ay umunat siya, at sa kanila'y sinabi, Ang walang kasalanan sa inyo, ay siyang unang bumato sa kaniya.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a