80 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagsagip

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Awit 35:10

Lahat ng aking mga buto ay magsasabi, Panginoon, sino ang gaya mo, na inililigtas ang dukha doon sa totoong malakas kay sa kaniya, Oo, ang dukha at ang mapagkailangan sa sumasamsam sa kaniya?

Deuteronomio 22:27

Sapagka't nasumpungan niya siya sa parang, ang dalagang magaasawa ay sumigaw, at walang magligtas sa kaniya.

Deuteronomio 28:29

At ikaw ay magaapuhap sa katanghaliang tapat na gaya ng bulag na nagaapuhap sa kadiliman, at hindi ka giginhawa sa iyong mga lakad: at ikaw ay mapipighati at sasamsaman kailan man, at walang taong magliligtas sa iyo.

1 Samuel 12:21

At huwag kayong lumiko; sapagka't kung gayo'y susunod kayo sa mga walang kabuluhang bagay na hindi ninyo mapapakinabangan o makapagpapalaya man, sapagka't mga walang kabuluhan.

Isaias 42:22

Nguni't ito ay isang bayang nanakaw at nasamsam; silang lahat ay nangasilo sa mga hukay, at sila'y nangakubli sa mga bilangguan: sila'y pinaka huli at walang magligtas; pinaka samsam, at walang magsabi, Iyong papanumbalikin.

Daniel 8:4

Aking nakita ang lalaking tupa na nanunudlong sa dakong kalunuran, at sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan; at walang hayop na makatayo sa harap niya, ni wala sinoman na makapagligtas mula sa kaniyang kamay; kundi kaniyang ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban, at nagmalaking mainam.

Hosea 5:14

Sapagka't ako'y magiging parang leon sa Ephraim, at parang isang batang leon sa sangbahayan ni Juda, Ako, sa makatuwid baga'y ako, ay aagaw at aalis; ako'y magaalis, at walang magliligtas.

Mikas 5:8

At ang nalabi sa Jacob ay magiging sa gitna ng mga bansa, sa gitna ng maraming bayan, na parang leon sa mga hayop sa gubat, na parang batang leon sa mga kawan ng mga tupa; na kung siya'y dumaraan ay yumayapak at lumalapa, at walang magligtas.

Isaias 41:10
Mga Konsepto ng TaludtodKatuwiranPagkabalisa at KalumbayanAko ay Kanilang Magiging DiyosHuwag Matakot sapagkat ang Diyos ay TutulongDiyos na Nagbibigay LakasPagkabalisa at TakotKatapangan at LakasTakot sa DiyosTakot at KabalisahanNababalisaPag-iingat ng DiyosTustosTulongPagtulongNatatakotNagtitiwala sa Diyos at Hindi NababalisaPagkabalisaNagbibigay KaaliwanPagiging TakotKahirapanPagiging KristyanoPakikipaglabanPagiging Ganap na KristyanoPagiging Tiwala ang LoobMasamang PamumunoPagiging tulad ni CristoMasamang PananalitaKaaliwan kapag NagiisaKapayapaan sa Lumang Tipan, MakaDiyos naKaisipan, Sakit ngPag-aalinlangan, Pagtugon saDiyos na Nagbibigay LakasKalakasan, EspirituwalPawiin ang TakotPagiging MatulunginMananakopPesimismoKaisipan, Kalusugan ngPuso, SinaktangPaghihirap, Kalakasan ng Loob tuwing mayPagiisaNagpapanatiling ProbidensiyaPagiingatKatiyakan, Katangian ngKaaliwanKalakasan, Ang Diyos ang AtingKamay ng DiyosPinagtaksilanPagiisaKalakasan ng Loob sa BuhayMapagkakatiwalaanTiwala sa Diyos, Nagbubunga ng KatapanganPagiging Alam ang LahatAko ang PanginoonPagiingat mula sa DiyosPagasa at LakasTakotPagiging PinagpalaTamang GulangDiyos na nasa IyoKanang Kamay ng DiyosPagpapakamatay, Kaisipan ngDiyos, Katuwiran ngPagiging Lingkod ng DiyosDiyos na Saiyo ay TutulongDiyos na Sumasaiyo

Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

2 Corinto 12:9-10

At siya'y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo. Kaya nga ako'y nagagalak sa mga kahinaan, sa mga pagkaapi, sa mga pangangailangan, sa mga pagkakausig, sa mga paghihinagpis, dahil kay Cristo: sapagka't pagka ako'y mahina, ako nga'y malakas.

Mga Hukom 10:15

At sinabi ng mga anak ni Israel sa Panginoon, Kami ay nagkasala: gawin mo sa amin anomang iyong mabutihin; isinasamo namin sa iyo, na iligtas mo lamang kami sa araw na ito.

1 Samuel 7:8

At sinabi ng mga anak ni Israel kay Samuel, Huwag kang tumigil ng kadadalangin sa Panginoon nating Dios, ng dahil sa atin, upang iligtas niya tayo sa kamay ng mga Filisteo.

Awit 22:11

Huwag mo akong layuan; sapagka't kabagabagan ay malapit; sapagka't walang tumulong.

Awit 35:17

Panginoon, hanggang kailan titingin ka? Iligtas mo ang aking kaluluwa sa kanilang mga pagsira, ang aking sinta mula sa mga leon.

Awit 43:1

Hatulan mo ako, Oh Dios, at ipagsanggalang mo ang aking usap laban sa masamang bansa: Oh iligtas mo ako sa magdaraya at hindi ganap na tao.

Awit 69:13-14

Nguni't tungkol sa akin, ang dalangin ko'y sa iyo, Oh Panginoon, sa isang kalugodlugod na panahon: Oh Dios, sa karamihan ng iyong kagandahang-loob, Iligtas mo ako sa burak, at huwag mo akong ilubog: maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin, at sa malalim na tubig.

Awit 71:2

Iligtas mo ako sa iyong katuwiran, at sagipin mo ako: ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at iligtas mo ako,

Awit 107:19

Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.

Awit 142:6

Pakinggan mo ang aking daing; sapagka't ako'y totoong nababa: iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin; sapagka't sila'y malakas kay sa akin.

Awit 143:9

Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa aking mga kaaway: tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako.

Awit 144:7

Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas; sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa malaking tubig, sa kamay ng mga taga ibang lupa;

Mga Taga-Roma 15:31

Upang ako'y maligtas sa mga hindi nagsisisampalataya na nangasa Judea, at nang ang aking pamamahagi sa Jerusalem ay maging kalugodlugod sa mga banal;

Exodo 3:8

At ako'y bumaba upang iligtas sila sa kamay ng mga Egipcio at upang sila'y isampa sa isang mabuting lupain at malawak, mula sa lupaing yaon, sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot sa dako ng Cananeo, at ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Heveo at ng Jebuseo.

Exodo 18:10

At sinabi ni Jethro, Purihin ang Panginoon, na nagligtas sa inyo, sa kamay ng mga Egipcio, at sa kamay ni Faraon; na siyang nagligtas sa bayan sa kamay ng mga Egipcio.

1 Samuel 11:13

At sinabi ni Saul, Walang taong papatayin sa araw na ito; sapagka't ngayo'y gumawa ang Panginoon ng pagliligtas sa Israel.

2 Samuel 22:17-20

Siya'y nagsugo mula sa itaas, kaniyang kinuha ako; kaniyang kinuha ako sa maraming tubig; Kaniyang iniligtas ako sa aking malakas na kaaway, Sa nangagtatanim sa akin; sapagka't sila'y totoong malakas kay sa akin. Sila'y nagsidating sa akin sa kaarawan ng sakuna ko: Nguni't ang Panginoon ay siyang alalay sa akin.magbasa pa.
Kaniyang dinala din ako sa maluwang na dako: Kaniyang iniligtas ako, sapagka't kaniyang kinalugdan ako.

Awit 18:16-19

Siya'y nagsugo mula sa itaas, kinuha niya ako; sinagip niya ako sa maraming tubig. Iniligtas niya ako sa aking malakas na kaaway, At sa mga nangagtatanim sa akin, sapagka't sila'y totoong makapangyarihan sa ganang akin. Sila'y nagsidating sa akin sa kaarawan ng aking kasakunaan, nguni't ang Panginoon ay siyang aking gabay.magbasa pa.
Inilabas naman niya ako sa maluwag na dako; iniligtas niya ako, sapagka't siya'y nalulugod sa akin.

2 Mga Hari 13:5

(At binigyan ng Panginoon ang Israel ng isang tagapagligtas, na anopa't sila'y nagsilabas na mula sa kamay ng mga taga Siria: at ang mga anak ni Israel ay nagsitahan sa kanilang mga tolda, gaya ng dati.

1 Paralipomeno 11:14

At sila'y nagsitayo sa gitna ng putol na yaon at ipinagsanggalang, at pinatay ang mga Filisteo; at iniligtas ng Panginoon sila sa pamamagitan ng isang dakilang pagtatagumpay.

2 Paralipomeno 20:15

At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo, buong Juda, at ninyong mga taga Jerusalem, at ikaw na haring Josaphat: ganito ang sabi ng Panginoon sa inyo, Huwag kayong mangatakot, o manglupaypay man dahil sa malaking karamihang ito; sapagka't ang pakikipagbaka ay hindi inyo, kundi sa Dios.

2 Paralipomeno 32:22

Ganito iniligtas ng Panginoon si Ezechias at ang mga taga Jerusalem sa kamay ni Sennacherib na hari, sa Asiria, at sa kamay ng lahat na iba, at pinatnubayan sila sa bawa't dako.

Nehemias 9:27

Kaya't iyong ibinigay sila sa kamay ng kanilang mga kalaban, na siyang nangagpapanglaw sa kanila: at sa panahon ng kanilang kabagabagan, nang sila'y magsidaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit; at ayon sa iyong saganang mga kaawaan ay iyong binigyan sila ng mga tagapagligtas, na nangagligtas sa kanila sa kamay ng kanilang mga kalaban.

Jeremias 20:13

Kayo'y magsiawit sa Panginoon, magsipuri kayo sa Panginoon; sapagka't kaniyang iniligtas ang kaluluwa ng mapagkailangan mula sa kamay ng mga manggagawa ng kasamaan.

2 Paralipomeno 20:29

At ang takot sa Dios ay napasa lahat na kaharian ng mga lupain, nang kanilang mabalitaang ang Panginoon ay nakipaglaban sa mga kaaway ng Israel.

Daniel 6:27

Siya'y nagliligtas at nagpapalaya, at siya'y gumagawa ng mga tanda at mga kababalaghan sa langit at sa lupa, na siyang nagligtas kay Daniel mula sa kapangyarihan ng mga leon.

Genesis 45:7

At sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang papanatilihin kayong pinakalahi sa lupa, at upang iligtas kayong buhay sa pamamagitan ng dakilang pagliligtas.

Job 5:19

Kaniyang ililigtas ka sa anim na kabagabagan. Oo, sa pito, ay walang kasamaang kikilos sa iyo.

Awit 91:14-15

Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko siya: aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't kaniyang naalaman ang pangalan ko. Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; ako'y sasa kaniya sa kabagabagan: aking ililigtas siya, at pararangalan siya.

Awit 126:1

Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion, tayo ay gaya niyaong nangananaginip.

Kawikaan 11:8

Ang matuwid ay naliligtas sa kabagabagan, at ang masama ay dumarating na kahalili niya.

Joel 2:32

At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas, sapagka't sa bundok ng Sion at sa Jerusalem doroon yaong nangakatanan, gaya ng sinabi ng Panginoon, at sa nangalabi ay yaong mga tinatawag ng Panginoon.

Jonas 2:10

At ang Panginoon ay nagsalita sa isda, at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa.

Awit 72:12-14

Sapagka't kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing; at ang dukha na walang katulong. Siya'y maaawa sa dukha at mapagkailangan, at ang mga kaluluwa ng mga mapagkailangan ay kaniyang ililigtas. Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan; at magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin:

Awit 82:3-4

Hatulan mo ang dukha at ulila: gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili. Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan: iligtas ninyo sila sa kamay ng masama,

Jeremias 29:11-14

Sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas. At kayo'y magsisitawag sa akin, at kayo'y magsisiyaon at magsisidalangin sa akin, at aking didinggin kayo. At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso.magbasa pa.
At ako'y masusumpungan sa inyo, sabi ng Panginoon, at aking ibabalik uli kayo na mula sa inyong pagkabihag, at aking pipisanin kayo mula sa lahat ng bansa, at mula sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa inyo, sabi ng Panginoon; at aking ibabalik kayo uli sa dakong mula sa aking pinagdalhang bihag sa inyo.

Lucas 1:74

Na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway, Ay paglingkuran natin siya ng walang takot,

Lucas 11:21-22

Pagka ang lalaking malakas na nasasandatahang lubos ay nagbabantay sa kaniyang sariling looban, ang kaniyang mga pag-aari ay wala sa panganib. Datapuwa't kung siya'y datnan ng ibang lalong malakas kay sa kaniya, at siya'y matalo, ay kukunin nito sa kaniya ang lahat ng kaniyang sandata na kaniyang inaasahan, at ipamamahagi ang mga nasamsam sa kaniya.

Mga Hebreo 2:14-15

Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, siya nama'y gayon ding nakabahagi sa mga ito; upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang diablo: At mailigtas silang lahat na dahil sa takot sa kamatayan ay nangasailalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila.

1 Corinto 15:54-57

Datapuwa't pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan. Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo? Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan; at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan:magbasa pa.
Datapuwa't salamat sa Dios, na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo.

Mga Gawa 7:34

Totoong nakita ko ang kapighatian ng aking bayang nasa Egipto, at narinig ko ang kanilang hibik, at ako'y bumaba upang sila'y iligtas: at ngayo'y halika, susuguin kita sa Egipto.

Mga Hukom 3:9

At nang dumaing sa Panginoon ang mga anak ni Israel ay nagbangon ang Panginoon ng isang tagapagligtas sa mga anak ni Israel, na siyang nagligtas sa kanila, sa makatuwid baga'y si Othoniel na anak ni Cenaz, na kapatid na bata ni Caleb.

Mga Hukom 10:1

At pagkamatay ni Abimelech ay bumangon doon, upang magligtas sa Israel, si Tola na anak ni Pua, na anak ni Dodo, na lalake ng Issachar; at siya'y tumahan sa Samir sa lupaing maburol ng Ephraim.

Mga Gawa 7:10

At siya'y iniligtas sa lahat ng kaniyang kapighatian, at siya'y binigyan ng ikalulugod at karunungan sa harapan ni Faraon na hari sa Egipto; at siya'y ginawang gobernador sa Egipto at sa buong bahay niya.

Jeremias 38:6-13

Nang magkagayo'y sinunggaban nila si Jeremias, at inihagis siya sa hukay ni Malchias na anak ng hari, na nasa looban ng bantay: at kanilang inihugos si Jeremias sa pamamagitan ng mga lubid. At sa hukay ay walang tubig, kundi burak; at lumubog si Jeremias sa burak. Nang marinig nga ni Ebed-melec na taga Etiopia, na bating na nasa bahay ng hari, na kanilang isinilid si Jeremias sa hukay; (na ang hari noo'y nakaupo sa pintuang-bayan ng Benjamin), Si Ebed-melec ay lumabas sa bahay ng hari, at nagsalita sa hari, na nagsasabi,magbasa pa.
Panginoon ko na hari, ang mga lalaking ito ay nagsigawa ng kasamaan sa lahat ng kanilang ginawa kay Jeremias na propeta, na kanilang isinilid sa hukay; at siya'y mamamatay sa dakong kaniyang kinaroonan dahil sa kagutom; sapagka't wala nang tinapay sa bayan. Nang magkagayo'y nagutos ang hari kay Ebed-melec na taga Etiopia, na nagsasabi, Magsama ka mula rito ng tatlong pung lalake, at isampa mo si Jeremias na propeta mula sa hukay, bago siya mamatay. Sa gayo'y nagsama ng mga lalake si Ebed-melec, at pumasok sa bahay ng hari, sa ilalim ng silid ng kayamanan, at kumuha mula roon ng mga basahan, at mga lumang damit, at kanilang ibinaba sa pamamagitan ng mga lubid sa hukay kay Jeremias. At sinabi ni Ebed-melec na taga Etiopia kay Jeremias, Ilagay mo ngayon ang mga basahang ito at mga lumang damit sa iyong mga kilikili sa ibabaw ng mga lubid. At ginawang gayon ni Jeremias. Sa gayo'y isinampa nila si Jeremias ng mga lubid, at itinaas siya mula sa hukay: at si Jeremias ay naiwan sa looban ng bantay.

Daniel 3:17

Narito, ang aming Dios na aming pinaglilingkuran ay makapagliligtas sa amin sa mabangis na hurnong nagniningas; at ililigtas niya kami sa iyong kamay, Oh hari.

Daniel 6:21-23

Sinabi nga ni Daniel sa hari, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man. Ang Dios ko'y nagsugo ng kaniyang anghel, at itinikom ang mga bibig ng mga leon, at hindi nila ako sinaktan; palibhasa'y sa harap niya ay nasumpungan akong walang sala; at gayon din sa harap mo, Oh hari, wala akong ginawang kasamaan. Nang magkagayo'y natuwang mainam ang hari, at ipinagutos na kanilang isampa si Daniel mula sa yungib. Sa gayo'y isinampa si Daniel mula sa yungib, at walang anomang sugat nasumpungan sa kaniya, sapagka't siya'y tumiwala sa kaniyang Dios.

Mga Gawa 23:27

Ang taong ito'y hinuli ng mga Judio, at papatayin na lamang sana nila, nang dumalo akong may kasamang mga kawal at siya'y iniligtas ko, nang mapagtantong siya'y isang taga Roma.

2 Timoteo 3:11

Mga paguusig, mga pagbabata; anomang mga bagay ang nangyari sa akin sa Antioquia, sa Iconio, sa Listra; anomang mga paguusig ang tiniis ko: at sa lahat ay iniligtas ako ng Panginoon.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a