9 Talata sa Bibliya tungkol sa Hindi Nagtatanim

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Jeremias 35:7

Ni huwag kayong mangagtatayo ng bahay, o mangaghahasik ng binhi, o mangagtatanim sa ubasan, o mangagtatangkilik ng anoman; kundi ang lahat ninyong mga kaarawan ay inyong itatahan sa mga tolda; upang kayo ay mangabuhay na malaon sa lupain na inyong pangingibahang bayan.

Jeremias 50:16

Ihiwalay ninyo ang manghahasik sa Babilonia, at siyang pumipigil ng karit sa panahon ng pagaani: dahil sa takot sa mamimighating tabak ay babalik bawa't isa sa kaniyang bayan, at tatakas bawa't isa sa kaniyang sariling lupain.

Jeremias 4:3

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, sa mga tao ng Juda at ng Jerusalem, Inyong bungkalin ang inyong binabayaang bukiran, at huwag kayong maghasik sa gitna ng mga tinik.

Mateo 25:24

At lumapit naman ang tumanggap ng isang talento at sinabi, Panginoon, nakikilala kita na ikaw ay taong mapagmatigas, na gumagapas ka doon sa hindi mo hinasikan, at nagaani ka doon sa hindi mo sinabugan;

Lucas 19:21

Dahil sa ako'y natakot sa iyo, sapagka't ikaw ay taong mabagsik kinukuha mo ang hindi mo inilagay, at ginagapas mo ang hindi mo inihasik.

Mateo 25:26

Datapuwa't sumagot ang kaniyang panginoon at sinabi sa kaniya, Ikaw na aliping masama at tamad, nalalaman mong ako'y gumagapas sa hindi ko hinasikan, at nagaani doon sa hindi ko sinabugan;

Lucas 19:22

Sinabi niya sa kaniya, Sa sariling bibig mo kita hinahatulan ikaw na masamang alipin. Nalalaman mo na ako'y taong mabagsik, na kumukuha ng hindi ko inilagay, at gumagapas ng hindi ko inihasik;

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a