28 Talata sa Bibliya tungkol sa Inaani ang iyong Itinanim
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.
Sapagka't ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan; datapuwa't ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan.
Kayo'y sinugo ko upang anihin ang hindi ninyo pinagpagalan: iba ang nangagpagal, at kayo'y siyang nagsipasok sa kanilang pinagpagalan.
Kung ipinaghasik namin kayo ng mga bagay na ayon sa espiritu, malaking bagay baga na aming anihin ang inyong mga bagay na ayon sa laman?
At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka't sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung hindi tayo manganghihimagod.
Sapagka't dito'y totoo ang kasabihan, Isa ang naghahasik, at iba ang umaani.
Datapuwa't sinasabi ko, Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana.
Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa katuwiran, magsigapas kayo ayon sa kaawaan; bungkalin ninyo ang inyong pinabayaang bukiran; sapagka't panahon na hanapin ang Panginoon, hanggang sa siya'y dumating, at magdala ng katuwiran sa inyo.
At ito ang magiging tanda sa iyo: kayo'y magsisikain sa taong ito ng tumutubo sa kaniyang sarili, at sa ikalawang taon ay ng tumubo doon; at sa ikatlong taon ay kayo'y mangaghasik, at magsiani, at mangagtanim ng mga ubasan, at kumain ng bunga niyaon.
Sapagka't sila'y nangagsasabog ng hangin, at sila'y magsisiani ng ipoipo: siya'y walang nakatayong trigo; ang uhay ay hindi maglalaman ng harina; at kung maglaman, ay lalamunin ng mga taga ibang lupa.
Ayon sa aking pagkakita yaong nagsisipagararo ng kasamaan, at nangaghahasik ng kabagabagan ay gayon din ang inaani.
At lumapit naman ang tumanggap ng isang talento at sinabi, Panginoon, nakikilala kita na ikaw ay taong mapagmatigas, na gumagapas ka doon sa hindi mo hinasikan, at nagaani ka doon sa hindi mo sinabugan;
Dahil sa ako'y natakot sa iyo, sapagka't ikaw ay taong mabagsik kinukuha mo ang hindi mo inilagay, at ginagapas mo ang hindi mo inihasik.
Ang nagmamalas sa hangin ay hindi maghahasik; at ang tumitingin sa mga alapaap ay hindi aani.
Siyang naghahasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan; at ang pamalo ng kaniyang poot ay maglilikat.
Sinabi niya sa kaniya, Sa sariling bibig mo kita hinahatulan ikaw na masamang alipin. Nalalaman mo na ako'y taong mabagsik, na kumukuha ng hindi ko inilagay, at gumagapas ng hindi ko inihasik;
Ihasik mo sa umaga ang iyong binhi, at huwag mong iurong ang iyong kamay sa hapon; sapagka't hindi mo nalalaman kung alin ang tutubo, kung ito o yaon, o kung kapuwa magiging mabuti.
Ikaw ay maghahasik, nguni't hindi ka magaani: ikaw ay magpipisa ng mga olibo, nguni't hindi ka magpapahid ng langis; at ng ubas, nguni't hindi ka iinom ng alak.
Ikaw na mangmang, ang inyong inihahasik ay hindi binubuhay maliban na kung mamatay:
At ang iyong inihahasik ay hindi mo inihahasik ang katawang lilitaw, kundi ang butil lamang, na marahil ay trigo, o ibang bagay;
Ang masama ay nakikinabang ng mga marayang sahod: nguni't ang naghahasik ng katuwiran ay nagtatamo ng tiwasay na ganting pala.
Magiging kapistahan ng jubileo nga sa inyo ang ikalimang pung taon: huwag ninyong hahasikan ni aanihin ang tumubo sa kaniyang sarili, ni titipunin ang mga ubas ng ubasan na hindi nakapon.
At maghahasik kayo sa ikawalong taon, at kakain kayo ng dating kinamalig na mga bunga hanggang sa ikasiyam na taon, hanggang sa dumating ang pagbubunga ng ikawalo ay kakain kayo ng dating kinamalig.
At ang bunga ng katuwiran ay natatanim sa kapayapaan sa mga nagsisigawa ng kapayapaan.
At ang nagbibigay ng binhi sa naghahasik at ng tinapay na pinakapagkain, ay magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik, at magdaragdag ng mga bunga ng inyong katuwiran:
Wariin ninyo ang mga uwak, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas man; na walang bangan ni kamalig man; at sila'y pinakakain ng Dios: gaano ang kahigtan ng kahalagahan ninyo kay sa mga ibon!
Mga Paksa sa Inaani ang iyong Itinanim
Hindi Inaani ang Iyong Itinanim
Genesis 45:6Sapagka't may dalawang taon nang ang kagutom ay nasa lupain; at may limang taon pang hindi magkakaroon ng pagbubukid, o pagaani man.
Mga Katulad na Paksa
- Agrikultura, Katangiang Kailangan
- Ang Banal na Espiritu, Nagbibigay Buhay
- Ang Pita ng Laman
- Asal Hayop na Pamumuhay
- Babala laban sa Panlilinlang
- Bagyo, Mga
- Binhi
- Binhi, Mga
- Biyaya at Espiritu Santo
- Bulaang Tiwala
- Bunga ng Kasalanan
- Espirituwal na Buhay
- Etika, Dahilan ng
- Etika, Saligan ng
- Gantimpala ng Diyos
- Hangin
- Hindi Inaani ang Iyong Itinanim
- Hindi Nagtatanim
- Hindi Pagbubunga
- Impyerno sa Totoong Karanasan
- Inaani
- Ipoipo
- Iwasan ang Panlilinlang
- Kalikasan, Nabubulok na
- Kaparusahan ayon sa mga Gawa
- Kasalanan ay Kumakapit sa Makasalanan
- Korapsyon
- Kuripot na mga Tao
- Lagay ng Panahon bilang Hatol ng Diyos
- Mahigpit, Pagiging
- Makalangit na Gantimpala
- Mapag-abusong Magulang
- Masama, Babala laban sa
- Matalinghagang Pag-aararo
- Matipid
- Moral na Kabulukan
- Namumuhay para sa Materyal
- Pablo, Katuruan ni
- Pag-Aani
- Pagbibigay Lugod sa Diyos
- Pagbubungkal
- Paghihirap mula sa mga Banyaga
- Pagiging Linlang
- Pagkawasak ng mga Halaman
- Pagmamay-aring Nasisira
- Pagpasok sa Buhay
- Pagtatanim
- Pagtatanim at Pagaani
- Pagtatanim ng Mabuti
- Pagtatanim ng mga Binhi
- Pagtatanim ng mga Binhi
- Pangako ng Kalangitan
- Panlilibak
- Panlilinlang sa Sarili
- Pita ng Laman bilang Makasalanang Likas
- Pumailanglang
- Salsal
- Suklian
- Tadhana
- Tagapag-ani
- Unibersalismo
- Walang Hanggang Buhay, Kalikasan ng