14 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Hindi Umiinom ng Alak
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Huwag iinom ng alak o ng matapang na inumin man, ikaw o ang iyong mga anak man, pagka kayo'y papasok sa tabernakulo ng kapisanan, upang kayo'y huwag mamatay: magiging palatuntunang walang hanggan sa buong panahon ng inyong mga lahi:
Ni iinom ng alak ang sinomang saserdote pagka sila'y magsisipasok sa lalong loob na looban.
Sapagka't siya'y magiging dakila sa paningin ng Panginoon, at siya'y hindi iinom ng alak ni matapang na inumin; at siya'y mapupuspos ng Espiritu Santo, mula pa sa tiyan ng kaniyang ina.
Sapagka't naparito si Juan Bautista na hindi kumakain ng tinapay at hindi umiinom ng alak at inyong sinasabi, Siya'y may isang demonio.
Ay hihiwalay siya sa alak at sa matapang na inumin; siya'y hindi iinom ng suka ng alak, o tubang nakalalasing, ni iinom man ng anomang katas na galing sa ubas o kakain man ng sariwang ubas o pasas.
Ngayon nga'y magingat ka, isinasamo ko sa iyo, at huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing, at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay:
Nguni't sinabi niya sa akin, Narito, ikaw ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake; at ngayo'y huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing man, at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay: sapagka't ang bata'y magiging Nazareo sa Dios mula sa tiyan hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.
Siya'y hindi makakakain ng anomang bagay na nanggagaling sa ubasan, ni uminom man lamang ng alak ni ng inuming nakalalasing, ni kumain man ng anomang maruming bagay; lahat ng iniutos ko sa kaniya ay sundin niya.
Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na hindi na ako iinom mula ngayon ng bunga ng ubas, hanggang sa dumating ang kaharian ng Dios.
At siya'y dinulutan nila ng alak na hinaluan ng mirra: datapuwa't hindi niya tinanggap.
Ang mga salita ni Jonadab na anak ni Rechab, na kaniyang iniutos sa kaniyang mga anak, na huwag magsiinom ng alak, ay nangatupad; at hanggang sa araw na ito ay hindi sila nagsisiinom, sapagka't kanilang tinalima ang tinig ng kanilang magulang. Nguni't aking sinalita, sa inyo, na bumangon akong maaga, at aking sinasalita, at hindi ninyo ako dininig.
Nguni't kanilang sinabi, Kami ay hindi magsisiinom ng alak; sapagka't si Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang ay nagutos sa amin, na nagsasabi, Huwag kayong magsisiinom ng alak, maging kayo, o ang inyong mga anak man, magpakailan man:
At aming tinalima ang tinig ni Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang sa lahat na kaniyang ibinilin sa amin na huwag magsiinom ng alak sa lahat ng mga araw namin, kami, ang aming mga asawa, ang aming mga anak na lalake o babae man;
Topics on Hindi Umiinom ng Alak
Hindi Umiinom ng Alak
Deuteronomio 29:6Hindi kayo kumain ng tinapay, ni uminom ng alak o inuming nakalalasing: upang inyong makilala na ako ang Panginoon ninyong Dios.