14 Talata sa Bibliya tungkol sa Ilog, Tawiran ng

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Genesis 31:21

Ganito tumakas si Jacob sangpu ng buong kaniya; at bumangon at tumawid sa ilog Eufrates, at siya'y tumungo sa bundok ng Gilead.

Genesis 32:10

Hindi ako marapat sa kababababaan ng lahat ng kaawaan, at ng buong katotohanan na iyong ipinakita sa iyong lingkod: sapagka't dala ko ang aking tungkod, na dinaanan ko ang Jordang ito; at ngayo'y naging dalawang pulutong ako.

Deuteronomio 2:13-14

Ngayon, tumindig kayo, at tumawid kayo sa batis ng Zered. At tayo'y tumawid sa batis ng Zered. At ang mga araw na ating ipinaglakad mula sa Cades-barnea hanggang sa tayo'y nakarating sa batis ng Zered, ay tatlong pu't walong taon, hanggang sa ang buong lahi ng mga lalaking mangdidigma ay nalipol sa gitna ng kampamento, gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon.

Deuteronomio 2:18

Ikaw ay dadaan sa araw na ito sa Ar, na hangganan ng Moab:

1 Mga Hari 2:37

Sapagka't sa araw na ikaw ay lumabas, at tumawid sa batis ng Cedron, talastasin mong mainam, na ikaw ay walang pagsalang mamamatay: ang iyong dugo ay sasa iyong sariling ulo.

Mga Bilang 32:21

At bawa't may almas sa inyo ay daraan sa Jordan sa harap ng Panginoon, hanggang sa kaniyang mapalayas ang kaniyang mga kaaway sa harap niya.

Mga Bilang 32:27

Nguni't ang iyong mga lingkod ay magsisitawid, bawa't lalake na may almas sa pakikipagbaka, sa harap ng Panginoon upang makipagbaka, gaya ng sinabi ng aking panginoon.

Mga Bilang 32:29

At sinabi sa kanila ni Moises, Kung ang mga anak ni Gad at ang mga anak ni Ruben ay magsisitawid na kasama ninyo sa Jordan, ang lahat ng lalake na may almas sa pakikipagbaka, sa harap ng Panginoon, at kung ang lupain ay mapasuko sa harap ninyo: ay ibibigay nga ninyo sa kanila na pinakaari ang lupain ng Galaad.

Mga Bilang 32:32

Kami ay tatawid na may almas sa harap ng Panginoon sa lupain ng Canaan, at ang magiging pag-aari naming mana ay sa dakong ito ng Jordan.

Josue 1:14

Ang inyong mga asawa, ang inyong mga bata, at ang inyong mga hayop ay tatahan sa lupain na ibinigay sa inyo ni Moises sa dako roon ng Jordan; nguni't kayo'y tatawid na may sandata sa harap ng inyong mga kapatid, kayong lahat na makapangyarihang lalaking matapang, at tutulong sa kanila;

2 Samuel 17:20

At ang mga bataan ni Absalom ay nagsidating sa babae sa bahay; at kanilang sinabi, Saan nandoon si Ahimaas at si Jonathan? At sinabi ng babae sa kanila, Sila'y tumawid sa batis ng tubig. At nang kanilang mahanap at hindi nila masumpungan ay bumalik sila sa Jerusalem.

Josue 1:11

Kayo'y magdaan sa gitna ng kampamento, at magutos sa bayan, na sabihin, Maghanda kayo ng baon; sapagka't sa loob ng tatlong araw ay tatawid kayo sa Jordang ito, upang yumaong ariin ang lupain, na ibinibigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios upang ariin.

Josue 3:1

At bumangong maaga si Josue sa kinaumagahan; at sila'y umalis sa Sittim at napasa Jordan, siya at ang lahat na mga anak ni Israel; at sila'y tumigil doon bago sila tumawid.

Josue 3:6

At nagsalita si Josue sa mga saserdote, na sinasabi, Buhatin ninyo ang kaban ng tipan at magpauna kayo sa bayan. At kanilang binuhat ang kaban ng tipan, at nagpauna sa bayan.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a