17 Talata sa Bibliya tungkol sa Saserdote, Gawain ng
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At sinugo sila ni Moises, sa pakikibaka, isang libo sa bawa't lipi, sila at si Phinees na anak ni Eleazar na saserdote, sa pakikibaka, na may mga kasangkapan ng santuario, at may mga pakakak na panghudyat sa kaniyang kamay.
At sila'y nagutos sa bayan, na sinasabi, Pagka inyong nakita ang kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios, at dinadala ng mga saserdote na Levita, ay kikilos nga kayo sa inyong dako at susunod doon.
At nagsalita si Josue sa mga saserdote, na sinasabi, Buhatin ninyo ang kaban ng tipan at magpauna kayo sa bayan. At kanilang binuhat ang kaban ng tipan, at nagpauna sa bayan.
At iyong uutusan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan, na iyong sasabihin, Pagka kayo'y dumating sa tabi ng tubig ng Jordan, ay tumigil kayo sa Jordan.
At nangyari nang umalis ang bayan sa kanilang mga tolda, upang tumawid sa Jordan, ay nasa unahan ng bayan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan;
At ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon ay tumayong panatag sa tuyong lupa sa gitna ng Jordan; at ang buong Israel ay dumaan sa tuyong lupa, hanggang sa nakatawid na lubos sa Jordan ang buong bansa.
Sapagka't ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ay tumayo sa gitna ng Jordan, hanggang sa natapos ang bawa't bagay na iniutos ng Panginoon kay Josue na salitain sa bayan, ayon sa buong iniutos ni Moises kay Josue: at ang bayan ay nagmadali at tumawid.
Iutos mo sa mga saserdote na nagdadala ng kaban ng patotoo, na sila'y sumampa mula sa Jordan.
At nangyari, nang umahon mula sa gitna ng Jordan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, at nang matungtong sa tuyong lupa ang mga talampakan ng mga paa ng mga saserdote, na ang tubig ng Jordan ay nanauli sa kanilang dako, at umapaw sa pangpang na gaya ng dati.
At ang buong Israel, at ang kanilang mga matanda at mga pinuno at ang kanilang mga hukom, ay tumayo sa dakong ito ng kaban at sa dakong yaon sa harap ng mga saserdote na mga Levita, na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa na gaya rin ng mga taga-roon; kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Gerizim at kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Ebal; gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon, na kanilang basbasan muna ang bayan ng Israel.
At, narito, pati si Sadoc at ang lahat na Levita na kasama niya, na may dala ng kaban ng tipan ng Dios; at kanilang inilapag ang kaban ng Dios, at sumampa si Abiathar, hanggang sa ang buong bayan ay nakalabas sa bayan.
Ang mga ito nga ang mga saserdote at ang mga Levita na nagsisampa na kasama ni Zorobabel na anak ni Sealthiel, at ni Jesua: si Seraias, si Jeremias, si Ezra; Si Amarias; si Malluch, si Hartus; Si Sechanias, si Rehum, si Meremoth;magbasa pa.
Si Iddo, si Ginetho, si Abias; Si Miamin, si Maadias, si Bilga; Si Semaias, at si Joiarib, si Jedaias; Si Sallum, si Amoc, si Hilcias, si Jedaias. Ang mga ito'y ang mga pinuno sa mga saserdote at sa kanilang mga kapatid sa mga kaarawan ni Jesua. Bukod dito'y ang mga Levita: si Jesua, si Binnui, si Cadmiel, si Serebias, si Juda, at si Mathanias, na namamahala sa pagpapasalamat, siya at ang kaniyang mga kapatid.
At ang lahat na matanda sa Israel ay naparoon, at binuhat ng mga saserdote ang kaban.
At kanilang iniahon ang kaban ng Panginoon, at ang tabernakulo ng kapisanan, at ang lahat na banal na kasangkapan na nasa Tolda; iniahon nga ang mga ito ng mga saserdote at ng mga Levita.
Nangyari nga, na samantalang ginaganap niya ang pagkasaserdote sa harapan ng Dios ayon sa kapanahunan ng kaniyang pulutong,
At ito ang patotoo ni Juan, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya'y itanong, Sino ka baga?
At nang sila'y nangagsasalita pa sa bayan, ay nagsilapit sa kanila ang mga saserdote, at ang puno sa templo, at ang mga Saduceo,