20 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Sayaw

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Exodo 15:20

At si Miriam na propetisa na kapatid ni Aaron, ay tumangan ng isang pandereta sa kaniyang kamay; at sumunod ang lahat ng mga babae sa kaniya, na may mga pandereta at nagsayawan.

Mga Hukom 11:34

At si Jephte ay naparoon sa Mizpa sa kaniyang bahay; at, narito, ang kaniyang anak na babae ay lumalabas na sinasalubong siya ng pandereta at ng sayaw: at siya ang kaniyang bugtong na anak: liban sa kaniya'y wala na siyang anak na lalake o babae man.

Mga Hukom 21:21-23

At tingnan ninyo, at, narito, kung ang mga anak na babae sa Silo ay lumabas na sumayaw ng mga sayaw, lumabas nga kayo sa ubasan, at kumuha ang bawa't lalake sa inyo, ng kaniyang asawa sa mga anak sa Silo; at yumaon kayo sa lupain ng Benjamin. At mangyayari, na pagka ang kanilang mga magulang o ang kanilang mga kapatid ay naparito upang kami ay usapin, ay aming sasabihin sa kanila, Ipagkaloob na ninyo sila sa amin: sapagka't hindi namin kinuha na asawa sa bawa't isa sa kanila sa pagkikipagbaka: o ibinigay man ninyo sila sa kanila, sa ibang paraan kayo'y magkakasala. At ginawang gayon ng mga anak ni Benjamin, at kinuha nila silang asawa ayon sa kanilang bilang, sa mga sumasayaw, na kanilang dinala: at sila'y yumaon at nagbalik sa kanilang mana, at itinayo ang mga bayan, at tinahanan nila.

1 Samuel 18:6-7

At nangyari pagdating nila, nang bumalik si David mula sa pagpatay sa Filisteo, na ang mga babae ay lumabas mula sa lahat ng mga bayan ng Israel, na nagaawitan at nagsasayawan, upang salubungin ang haring si Saul, ng mga pandereta, ng kagalakan, at ng panugtog ng tugtugin. At nagaawitan ang mga babae sa kanilang pagtugtog, at sinasabi, Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo, At ni David ang kaniyang laksa-laksa.

1 Samuel 21:11

At sinabi ng mga lingkod ni Achis sa kaniya, Hindi ba ito'y si David na hari sa lupain? Hindi ba pinagaawitanan siya sa mga sayaw, na sinasabi, Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo, At ni David ang kaniyang laksalaksa?

1 Samuel 29:5

Hindi ba ito ang David na siyang kanilang pinagaawitanan sa mga sayaw, na sinasabi, Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo, At ni David ang kaniyang laksalaksa?

Jeremias 31:4

Muling itatayo kita, at ikaw ay matatayo, Oh dalaga ng Israel: muli na ikaw ay magagayakan ng iyong mga pandereta, at lalabas ka sa mga sayawan nila na nasasayahan.

Panaghoy 5:15

Ang kagalakan ng aming puso ay naglikat; ang aming sayaw ay napalitan ng tangisan.

Mateo 11:17

At sinasabi, Tinutugtugan namin kayo ng plauta, at hindi kayo nagsisisayaw; nagsipanambitan kami, at hindi kayo nangahapis.

Lucas 7:32

Tulad sila sa mga batang nangakaupo sa pamilihan, at nagsisigawan sa isa't isa; na sinasabi, Tinutugtugan namin kayo ng plauta, at hindi kayo nagsisayaw; nanambitan kami at hindi kayo nagsitangis.

Marcos 6:22

At nang pumasok ang anak na babae ni Herodias ay sumayaw, at siya'y kinalugdan ni Herodes at ng mga kasalo niyang nakaupo sa dulang; at sinabi ng hari sa dalaga, Hingin mo sa akin ang maibigan mo, at ibibigay ko sa iyo.

Lucas 15:25

Nasa bukid nga ang anak niyang panganay: at nang siya'y dumating at malapit sa bahay, ay narinig niya ang tugtugan at ang sayawan.

2 Samuel 6:14

At nagsayaw si David ng kaniyang buong lakas sa harap ng Panginoon; at si David ay nabibigkisan ng isang epod na lino.

1 Paralipomeno 15:29

At nangyari, samantalang ang kaban ng tipan ng Panginoon ay dumarating sa bayan ni David, na si Michal na anak ni Saul ay tumanaw sa dungawan, at nakita niya ang haring David na sumasayaw at tumutugtog; at kaniyang niwalang kabuluhan siya sa kaniyang puso.

1 Mga Hari 18:26

At kanilang kinuha ang baka na ibinigay sa kanila, at kanilang inihanda, at tinawagan ang pangalan ni Baal mula sa kinaumagahan hanggang sa kinatanghaliang tapat, na nagsisipagsabi, Oh Baal dinggin mo kami. Nguni't walang tinig, o sinomang sumagot. At sila'y nagsisilukso sa siping ng dambana na ginawa.

Never miss a post

n/a