54 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Jacob bilang Patriarka

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Exodo 3:6

Bukod dito ay sinabi, Ako ang Dios ng iyong ama ang Dios ni Abraham, ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob. At si Moises nga ay nagtakip ng kaniyang mukha; sapagka't siya'y natakot na tumingin sa Dios.

Mga Bilang 32:11

Tunay na walang taong lumabas sa Egipto, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ay makakakita ng lupain na aking isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob; sapagka't sila'y hindi lubos na sumunod sa akin:

Deuteronomio 1:8

Narito, aking inilagay ang lupain sa harap ninyo: inyong pasukin at ariin ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na ibibigay sa kanila at sa kanilang binhi pagkamatay nila.

Mga Gawa 3:13

Ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, ang Dios ng ating mga magulang, ay niluwalhati ang kaniyang Lingkod na si Jesus; na inyong ibinigay, at inyong tinanggihan sa harap ni Pilato, nang pasiyahan nito na siya'y pawalan.

Genesis 12:1-3

Sinabi nga ng Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo: At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran: At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.

Mga Taga-Roma 9:11-13

Sapagka't ang mga anak nang hindi pa ipinanganganak, at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti o masama, upang ang layon ng Dios ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kundi doon sa tumatawag, Ay sinabi sa kaniya, Ang panganay ay maglilingkod sa bunso. Gaya ng nasusulat, Si Jacob ay inibig ko, datapuwa't si Esau ay aking kinapootan.

Genesis 25:23

At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Dalawang bansa ay nasa iyong bahay-bata, At dalawang bayan ay papaghihiwalayin mula sa iyong tiyan: At ang isang bayan ay magiging malakas kaysa isang bayan; At ang matanda ay maglilingkod sa bata.

Malakias 1:2

Inibig ko kayo, sabi ng Panginoon. Gayon ma'y inyong sinasabi, Sa ano mo kami inibig? Hindi baga si Esau ay kapatid ni Jacob? sabi ng Panginoon: gayon ma'y inibig ko si Jacob;

Genesis 28:3-4

At ikaw ay pagpalain nawa ng Dios na Makapangyarihan sa lahat, at ikaw ay palaguin, at ikaw ay paramihin, upang ikaw ay maging kapisanan ng mga bayan; At ibigay nawa sa iyo ang pagpapala kay Abraham, sa iyo, at sangpu sa iyong binhi; upang iyong ariin ang lupaing iyong pinaglakbayan, na ibinigay ng Dios kay Abraham.

Genesis 28:13-15

At, narito, ang Panginoon ay nasa kataastaasan niyaon, at nagsabi, Ako ang Panginoon, ang Dios ni Abraham na iyong ama, at ang Dios ni Isaac: ang lupang kinahihigaan mo ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong binhi; At ang iyong binhi ay magiging parang alabok sa lupa, at kakalat ka sa kalunuran, at sa silanganan, at sa hilagaan, at sa timugan at sa iyo at sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng angkan sa lupa. At, narito't ako'y sumasa iyo, at iingatan kita saan ka man pumaroon, at pababalikin kita sa lupaing ito sapagka't hindi kita iiwan hanggang hindi ko magawa ang sinalita ko sa iyo.

Genesis 35:11-12

At sinabi sa kaniya ng Dios, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat; ikaw ay lumago at dumami ka; isang bansa at isang kapisanan ng mga bansa ang magmumula sa iyo, at mga hari ay lalabas sa iyong balakang; At ang lupaing ibinigay ko kay Abraham at kay Isaac, ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong lahi pagkamatay mo ay ibibigay ko ang lupain.

Levitico 26:42

Ay aalalahanin ko nga ang aking tipan kay Jacob; at ang akin ding tipan kay Isaac, at gayon din ang aking tipan kay Abraham ay aking aalalahanin; at aking aalalahanin ang lupain.

1 Paralipomeno 16:17

At pinatotohanan din kay Jacob na pinaka palatuntunan, Kay Israel na pinaka walang hanggang tipan:

Awit 105:10

At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan, sa Israel na pinakawalang hanggang tipan:

Mga Hebreo 11:9

Sa pananampalataya siya'y naging manglalakbay sa lupang pangako, na gaya sa hindi niya sariling lupa, at tumahan sa mga tolda na kasama si Isaac at si Jacob, na mga tagapagmana ng isang pangako na kasama niya:

Exodo 1:1-5

Ito nga ang mga pangalan ng mga anak ni Israel, na nagsipasok sa Egipto: (bawa't lalake at ang kani-kaniyang sangbahayan ay sumama kay Jacob.) Si Ruben, si Simeon, si Levi, at si Juda; Si Issachar, si Zabulon at si Benjamin;magbasa pa.
Si Dan at si Nephtali, si Gad at si Aser. At lahat ng tao na lumabas sa balakang ni Jacob ay pitong pung tao: at si Jose ay nasa Egipto na.

1 Mga Hari 18:31

At kumuha si Elias ng labing dalawang bato, ayon sa bilang ng mga lipi ng mga anak ni Jacob, na sa kaniya ang salita ng Panginoon ay dumating, na sinasabi, Israel ang magiging iyong pangalan.

1 Paralipomeno 2:1-2

Ito ang mga anak ni Israel: si Ruben, si Simeon, si Levi, at si Juda, at si Issachar, at si Zabulon; Si Dan, si Jose, at si Benjamin, si Neftali, si Gad at si Aser.

Awit 22:23

Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya: kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya; at magsitayong may takot sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel.

Isaias 45:19

Ako'y hindi nagsalita ng lihim, sa dako ng lupain ng kadiliman; hindi ako nagsabi sa lahi ni Jacob, Hanapin ninyo ako ng walang kabuluhan: akong Panginoon ay nagsasalita ng katuwiran, ako'y nagpapahayag ng mga bagay na matuwid.

Awit 14:7

Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay nanggagaling sa Sion! Kung ibabalik ng Panginoon ang nangabihag ng kaniyang bayan, magagalak nga ang Jacob, at masasayahan ang Israel.

Mga Bilang 23:7

At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Mula sa Aram ay dinala ako rito ni Balac, Niyang hari sa Moab, na mula sa mga bundok ng Silanganan: Parito ka, sumpain mo sa akin ang Jacob. At parito ka, laitin mo ang Israel.

Mga Bilang 24:5

Pagka iinam ng iyong mga tolda, Oh Jacob, Ang iyong mga tabernakulo, Oh Israel!

1 Paralipomeno 16:13

Oh kayong binhi ng Israel na kaniyang lingkod, Kayong mga anak ni Jacob na kaniyang pinili.

Awit 78:5

Sapagka't siya'y nagtatag ng patotoo sa Jacob, at nagtakda ng kautusan sa Israel, na kaniyang iniutos sa aming mga magulang, na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak:

Awit 114:1

Nang lumabas ang Israel sa Egipto, ang sangbahayan ni Jacob mula sa bayang may ibang wika;

Awit 135:4

Sapagka't pinili ng Panginoon para sa kaniya si Jacob, at ang Israel na kaniyang pinakatanging kayamanan.

Isaias 9:8

Nagpasabi ang Panginoon sa Jacob, at naliliwanagan ang Israel,

Isaias 43:28

Kaya't aking dudumhan ang mga pangulo ng santuario, at gagawin kong sumpa ang Jacob, at isang kadustaan ang Israel.

Exodo 19:3

At si Moises ay lumapit sa Dios, at tinawag ng Panginoon siya mula sa bundok, na sinasabi, Ganito mo sasabihin sa sangbahayan ni Jacob, at sasaysayin sa mga anak ni Israel.

Isaias 2:6

Sapagka't iyong binayaan ang iyong bayan na sangbahayan ni Jacob, sapagka't sila'y puspos ng mga kaugaliang mula sa silanganan, at mga enkantador gaya ng mga Filisteo, at sila'y nangakikipagkamay sa mga anak ng mga taga ibang lupa.

Isaias 8:17

At aking hihintayin ang Panginoon na nagkukubli ng kaniyang mukha sa sangbahayan ni Jacob, at aking hahanapin siya.

Jeremias 5:20

Inyong ipahayag ito sa sangbahayan ni Jacob, at inyong ibalita sa Juda na inyong sabihin,

Amos 9:8

Narito, ang mga mata ng Panginoong Dios ay nasa makasalanang kaharian, at aking ipapahamak mula sa ibabaw ng lupa; liban na hindi ko lubos na ipapahamak ang sangbahayan ni Jacob, sabi ng Panginoon.

Lucas 1:33

At siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian.

Deuteronomio 33:4

Si Moises ay nagutos sa atin ng isang kautusan, Na mana sa kapisanan ng Jacob.

Awit 87:2

Minahal ng Panginoon ang mga pintuang-bayan ng Sion, ng higit kay sa lahat na tahanan ng Jacob.

Isaias 27:9

Kaya't sa pamamagitan nito ay malilinis ang kasamaan ng Jacob, at ito ang buong bunga ng pagaalis ng kaniyang kasalanan: pagka kaniyang ginagawa ang mga bato ng dambana na gaya ng mga malambot na batong naluluray upang ang mga Asera at ang mga Iarawang araw ay hindi na matatayo.

Isaias 41:21

Iharap ninyo ang inyong usap, sabi ng Panginoon; inyong ilabas ang inyong mga matibay sa pagmamatuwid, sabi ng Hari ng Jacob.

Jeremias 30:18

Ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, aking ibabalik uli mula sa pagkabihag ang mga tolda ng Jacob, at pakukundanganan ko ang kaniyang mga tahanang dako; at ang bayan ay matatayo sa kaniyang sariling bunton, at ang bahay-hari ay tatahanan ng ayon sa ayos niyaon.

Panaghoy 2:2

Nilamon ng Panginoon ang lahat na tahanan ng Jacob, at siya'y hindi naawa: Kanyang ibinagsak sa kaniyang poot ang mga katibayan ng anak na babae ng Juda; kaniyang inilugmok ang mga yaon sa lupa: kaniyang ipinahamak ang kaharian at ang mga prinsipe niyaon.

Malakias 2:12

Ihihiwalay ng Panginoon ang taong gumawa nito, ang gumigising at ang sumasagot, mula sa mga tolda ng Jacob, at ang naghahandog ng handog sa Panginoon ng mga hukbo.

Awit 24:6

Ito ang lahi ng mga nagsisihanap sa kaniya, na nagsisihanap ng iyong mukha, sa makatuwid baga'y Jacob. (Selah)

Awit 75:9

Nguni't aking ipahahayag magpakailan man, ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob.

Awit 94:7

At kanilang sinasabi, ang Panginoo'y hindi makakakita, ni pakukundanganan man ng Dios ni Jacob ito.

Awit 99:4

Ang lakas naman ng hari ay umiibig ng kahatulan; ikaw ay nagtatatag ng karampatan, ikaw ay nagsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa Jacob.

Jeremias 10:16

Ang bahagi ng Jacob ay hindi gaya ng mga ito; sapagka't siya ang may kapal sa lahat ng mga bagay; at ang Israel ay siyang lipi na kaniyang mana ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan.

Never miss a post

n/a