37 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Hinirang, Pagpapala sa

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Deuteronomio 14:1-2

Kayo'y mga anak ng Panginoon ninyong Dios: huwag kayong magkukudlit, ni magpapakakalbo sa pagitan ng inyong mga mata, ng dahil sa patay. Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios, at ikaw ay pinili ng Panginoon upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.

1 Mga Hari 3:8

At ang iyong lingkod ay nasa gitna ng iyong bayan na iyong pinili, isang malaking bayan na hindi mabibilang o matuturingan dahil sa karamihan.

1 Paralipomeno 16:13

Oh kayong binhi ng Israel na kaniyang lingkod, Kayong mga anak ni Jacob na kaniyang pinili.

Awit 105:6

Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod, ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang.

Awit 135:4

Sapagka't pinili ng Panginoon para sa kaniya si Jacob, at ang Israel na kaniyang pinakatanging kayamanan.

Isaias 41:8-9

Nguni't ikaw, Israel, lingkod ko, Jacob na siyang aking pinili, na binhi ni Abraham na aking kaibigan; Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil;

Ezekiel 20:5-6

At sabihin mo sa kanila; Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Nang araw na aking piliin ang Israel, at itaas ko ang aking kamay sa lahi ng sangbahayan ni Jacob, at pakilala ako sa kanila sa lupain ng Egipto, na iginawad ko ang aking kamay sa kanila na sinabi, Ako ang Panginoon ninyong Dios; Nang araw na yaon ay iginawad ko ang aking kamay sa kanila, upang ilabas ko sila sa lupain ng Egipto, na dalhin sa lupain na aking itinaan sa kanila na binubukalan ng gatas at pulot, na siyang pinakamainam kay sa lahat ng lupain.

Deuteronomio 4:37-38

At sapagka't kaniyang inibig ang iyong mga magulang, kaya kaniyang pinili ang kaniyang binhi pagkatapos nila, at inilabas ka niya sa Egipto ng kaniyang pagharap, ng kaniyang dakilang kapangyarihan; Upang palayasin sa harap mo ang mga bansang lalong malalaki at lalong makapangyarihan kay sa iyo, upang ikaw ay kaniyang papasukin, na ibigay sa iyo na pinakamana ang kanilang lupain, gaya sa araw na ito.

Deuteronomio 10:15

Ang Panginoon ay nagkaroon lamang ng hilig sa iyong mga magulang na ibigin sila, at kaniyang pinili ang kanilang binhi pagkamatay nila, sa makatuwid baga'y kayo, sa lahat ng mga bayan na gaya ng nakikita sa araw na ito.

Mga Gawa 13:17-19

Hinirang ng Dios nitong bayang Israel ang ating mga magulang, at pinaunlakan ang bayan nang sila'y nakipamayan sa Egipto, at sa pamamagitan ng taas at unat na kamay ay kaniyang inilabas sila roon. At nang panahong halos apat na pung taon, ay kaniyang binata ang mga kaugalian nila sa ilang. At nang maiwasak na niya ang pitong bansa sa lupaing Canaan, ay ibinigay niya sa kanila ang kanilang lupain na pinakamana, sa loob ng halos apat na raa't limangpung taon:

Deuteronomio 7:7-8

Hindi kayo inibig ng Panginoon, ni pinili kayo ng dahil sa kayo'y marami sa bilang kay sa alin mang bayan; sapagka't kayo ang pinakamaliit sa lahat ng mga bayan: Kundi dahil sa inibig kayo ng Panginoon, at dahil sa kaniyang tinupad ang sumpa na kaniyang isinumpa sa inyong mga magulang, ay inilabas kayo ng Panginoon sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay at tinubos kayo sa bahay ng pagkaalipin, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto.

Deuteronomio 9:4-6

Huwag kang magsasalita sa iyong puso, pagkatapos na mapalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo, na iyong sasabihin, Dahil sa aking katuwiran ay ipinasok ako ng Panginoon upang ariin ang lupaing ito; na dahil sa kasamaan ng mga bansang ito ay pinalalayas ng Panginoon sila sa harap mo. Hindi dahil sa iyong katuwiran o dahil sa pagtatapat ng iyong loob ay iyong pinapasok upang ariin ang kanilang lupain: kundi dahil sa kasamaan ng mga bansang ito ay pinalalayas sila ng Panginoong Dios sa harap mo, at upang kaniyang papagtibayin ang salita na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob. Talastasin mo nga na hindi ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios ang mabuting lupaing ito upang ariin ng dahil sa iyong katuwiran; sapagka't ikaw ay isang bayang matigas ang ulo.

Ezekiel 16:1-14

Muling ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi. Anak ng tao, ipakilala mo sa Jerusalem ang kaniyang mga kasuklamsuklam. At sabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa Jerusalem: Ang iyong pinagmulan at ang iyong kapanganakan ay ang lupain ng Cananeo; ang Amorrheo ay iyong Ama, at ang iyong ina ay Hethea.magbasa pa.
At tungkol sa iyong kapanganakan, nang araw na ikaw ay ipanganak ay hindi naputol ang iyong pusod, o napaliguan ka man sa tubig upang linisin ka; ikaw ay hindi pinahiran ng asin, o nabalot man. Walang matang nahabag sa iyo; upang gawin ang anoman sa mga ito sa iyo, na maawa sa iyo; kundi ikaw ay nahagis sa luwal na parang, sapagka't ang iyong pagkatao ay itinakuwil, nang araw na ikaw ay ipanganak. At nang ako'y dumaan sa tabi mo, at makita kita na nagugumon sa iyong dugo, sinabi ko sa iyo, Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo, mabuhay ka: oo, sinabi ko sa iyo, Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo, mabuhay ka. Pinarami kita na parang damo sa parang, at ikaw ay kumapal at dumakilang mainam, at ikaw ay nagtamo ng mainam na kagayakan: ang iyong dibdib ay naganyo, at ang iyong buhok ay lumago; gayon ma'y ikaw ay hubo at hubad. Nang ako nga'y magdaan sa tabi mo, at tumingin sa iyo, narito, ang iyong panahon ay panahon ng pagibig; at aking iniladlad ang aking balabal sa iyo, at tinakpan ko ang iyong kahubaran: oo, ako'y sumumpa sa iyo, at nakipagtipan sa iyo, sabi ng Panginoong Dios, at ikaw ay naging akin. Nang magkagayo'y pinaliguan kita ng tubig; oo, aking nilinis na mainam ang iyong dugo, at pinahiran kita ng langis. Binihisan din naman kita ng yaring may burda, at sinapatusan kita ng balat ng foka, at binigkisan kita sa palibot ng mainam na kayong lino, at binalot kita ng sutla. Ginayakan din naman kita ng hiyas, at nilagyan ko ng mga pulsera ang iyong mga kamay, at ng isang kuwintas ang iyong leeg. At nilagyan ko ng hikaw ang iyong ilong, at ng mga hikaw ang iyong mga tainga, at isang magandang putong ang iyong ulo. Ganito ka nagayakan ng ginto at pilak; at ang iyong damit ay mainam na kayong lino, at sutla at yaring may burda; ikaw ay kumain ng mainam na harina, at ng pulot, at ng langis; at ikaw ay lubhang maganda, at ikaw ay guminhawa sa kalagayang pagkahari. At ang iyong kabantugan ay nangalat sa gitna ng mga bansa dahil sa iyong kagandahan; sapagka't naging sakdal dahil sa aking kamahalan na aking inilagay sa iyo, sabi ng Panginoong Dios.

2 Paralipomeno 6:6

Kundi aking pinili ang Jerusalem upang ang aking pangalan ay dumoon; aking pinili si David upang mamahala sa aking bayang Israel.

1 Mga Hari 14:21

At si Roboam na anak ni Salomon ay naghari sa Juda. Si Roboam ay apat na pu't isang taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y naghari na labing pitong taon sa Jerusalem, na bayan na pinili ng Panginoon sa lahat ng mga lipi ng Israel, upang ilagay ang kaniyang pangalan doon: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita.

2 Paralipomeno 12:13

Sa gayo'y ang haring Roboam ay nagpakalakas sa Jerusalem at naghari: sapagka't si Roboam ay may apat na pu't isang taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y nagharing labing pitong taon sa Jerusalem, na bayang pinili ng Panginoon sa lahat na lipi ng Israel, upang ilagay ang kaniyang pangalan doon: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita.

2 Mga Hari 21:7

At siya'y naglagay ng larawang inanyuan na Asera, na kaniyang ginawa, sa bahay na pinagsabihan ng Panginoon kay David, at kay Salomon na kaniyang anak, Sa bahay na ito, at sa Jerusalem, na aking pinili sa lahat na lipi ng Israel, aking ilalagay ang aking pangalan magpakailan man.

2 Paralipomeno 33:7

At siya'y naglagay ng larawan ng diosdiosan na inanyuan, na kaniyang ginawa, sa bahay ng Dios na pinagsabihan ng Dios kay David, at kay Salomon na kaniyang anak, Sa bahay na ito, at sa Jerusalem na aking pinili sa lahat ng mga lipi ni Israel, aking ilalagay ang aking pangalan magpakailan man:

2 Paralipomeno 6:34-35

Kung ang iyong bayan ay lumabas sa pakikipagbaka laban sa kanilang mga kaaway, saan mo man sila suguin, at manalangin sa iyo sa dako ng bayang ito na iyong pinili, at sa dako ng bahay na aking itinayo na ukol sa iyong pangalan: Dinggin mo nga sa langit ang kanilang dalangin at ang kanilang samo, at alalayan mo ang kanilang usap.

2 Paralipomeno 7:12

At ang Panginoon ay napakita kay Salomon sa gabi, at sinabi sa kaniya, Aking narinig ang iyong dalangin, at pinili ko ang dakong ito sa aking sarili na pinakabahay na hainan.

Nehemias 1:9

Nguni't kung kayo'y magsibalik sa akin, at ingatan ninyo ang aking mga utos, at gawin, bagaman ang nangatapon sa inyo ay nasa kaduluduluhang bahagi ng mga langit, akin ngang pipisanin sila mula roon, at dadalhin ko sila sa dakong aking pinili upang patahanin doon ang aking pangalan.

Awit 132:13

Sapagka't pinili ng Panginoon ang Sion; kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya.

Awit 65:4

Mapalad ang tao na iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo, upang siya'y makatahan sa iyong mga looban: kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay, ng iyong banal na templo.

Awit 106:4-5

Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan; Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas: Upang makita ko ang kaginhawahan ng iyong hirang, upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa, upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.

Isaias 43:1

Nguni't ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, Oh Jacob, at naganyo sa iyo, Oh Israel, Ikaw ay huwag matakot, sapagka't tinubos kita; tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.

Isaias 44:1-5

Gayon ma'y dinggin mo ngayon, Oh Jacob na aking lingkod, at Israel, na aking pinili: Ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, at nagbigay anyo sa iyo mula sa bahay-bata, na siyang tutulong sa iyo; Ikaw ay huwag matakot, Oh Jacob na aking lingkod; at ikaw Jeshurun, na aking pinili. Sapagka't ipagbubuhos ko ng tubig siya na uhaw, at ng mga bukal ang tuyong lupa; aking ibubuhos ang aking Espiritu sa iyong lahi, at ang aking pagpapala sa iyong suwi:magbasa pa.
At sila'y sisibol sa gitna ng damo, gaya ng mga sauce sa tabi ng mga batis. Sasabihin ng isa, Ako'y sa Panginoon; at magpapangalan ang iba ng pangalang Jacob; at magsusulat ang iba ng kaniyang kamay ng sa Panginoon, at magpapamagat ng pangalan ng Israel.

Isaias 45:4

Dahil sa Jacob na aking lingkod, at sa Israel na aking pinili tinawag kita sa iyong pangalan: aking pinamagatan ka, bagaman hindi mo nakilala ako.

Zacarias 1:17

Humiyaw ka pa uli, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang aking mga bayan ay sasagana dahil sa pagkasulong; at aaliwin pa ng Panginoon ang Sion, at pipiliin pa ang Jerusalem.

Exodo 19:5-6

Kaya't ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig, at iingatan ang aking tipan, ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa akin, na higit sa lahat ng bayan: sapagka't ang buong lupa ay akin; At kayo'y magiging isang kaharian ng mga saserdote sa akin, at isang banal na bansa. Ito ang mga salita na inyong sasalitaan sa mga anak ni Israel.

2 Mga Hari 23:26

Gayon ma'y hindi tinalikdan ng Panginoon ang bagsik ng kaniyang malaking pag-iinit, na ipinagalab ng kaniyang galit laban sa Juda, dahil sa lahat na pamumungkahi na iminungkahi ni Manases sa kaniya.

Mga Taga-Roma 9:6-8

Datapuwa't hindi sa ang salita ng Dios ay nauwi sa wala. Sapagka't hindi ang lahat ng buhat sa Israel ay mga taga Israel: Ni sapagka't sila'y binhi ni Abraham, ay mga anak na silang lahat: kundi, Kay Isaac tatawagin ang iyong binhi. Sa makatuwid, ay hindi mga anak sa laman ang mga anak ng Dios: kundi ang mga anak sa pangako'y siyang ibibilang na isang binhi.

Mga Taga-Roma 11:7-8

Ano nga? Ang hinahanap ng Israel ay hindi niya kinamtan; datapuwa't ito'y kinamtan ng pagkahirang, at ang mga iba'y pinapagmatigas: Ayon sa nasusulat, Binigyan sila ng Dios ng Espiritu ng pagkakatulog, ng mga matang hindi nangakakakita, at ng mga pakinig na hindi nangakakarinig, hanggang sa araw na ito.

Never miss a post

n/a