30 Talata sa Bibliya tungkol sa Kagalingan ng Sugatang Puso
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso, at tinatalian niya ang kanilang mga sugat.
Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso, at inililigtas ang mga may pagsisising diwa.
Sapagka't siya'y sumusugat, at nagtatapal; siya'y sumusugat, at pinagagaling ng kaniyang mga kamay.
Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;
Sapagka't pagiginhawahin kita, at pagagalingin kita sa iyong mga sugat, sabi ng Panginoon; kanilang tinawag ka na tapon, na sinasabi, Ito ang Sion, na hindi hinahanap ng sinoman.
Iyong pagalingin ako, Oh Panginoon, at gagaling ako; iyong iligtas ako, at maliligtas ako: sapagka't ikaw ang aking kapurihan.
Oh Panginoon kong Dios, dumaing ako sa iyo, at ako'y pinagaling mo.
Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.
Oh kung ako'y makapagaaliw laban sa kapanglawan! ang puso ko ay nanglulupaypay.
Aking sinabi, Oh Panginoon, maawa ka sa akin: pagalingin mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y nagkasala laban sa iyo.
Kaduwahagihan ay sumira ng aking puso; at ako'y lipos ng kabigatan ng loob: at ako'y naghintay na may maawa sa akin, nguni't wala; at mga mangaaliw, nguni't wala akong masumpungan.
Ang masayang puso ay mabuting kagamutan: nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto.
Iyong niyanig ang lupain; iyong pinabuka: pagalingin mo ang mga sira niyaon: sapagka't umuuga.
Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka't ako'y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako'y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi,
Magiging kagalingan sa iyong pusod, at utak sa iyong mga buto.
Sinugo niya ang kaniyang salita, at pinagaling sila, at iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak.
Aalalayan ng diwa ng tao ang kaniyang sakit; nguni't ang bagbag na diwa sinong nakapagdadala?
Ang tiwasay na puso ay buhay ng katawan: nguni't ang kapanaghilian ay kabulukan ng mga buto.
Anak ng tao, aking binali ang kamay ni Faraon na hari sa Egipto; at, narito, hindi natalian, upang lapatan ng mga gamot, na lagyan ng isang tapal upang talian, upang humawak na matibay ng tabak.
Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.
Aking hahanapin ang nawala, at ibabalik ang iniligaw, at tatalian ang nabalian, at palalakasin ang may sakit: nguni't aking lilipulin ang mataba at malakas; aking pakakanin sila sa katuwiran.
Aking nililikha ang bunga ng mga labi: Kapayapaan, kapayapaan, sa kaniya na malayo at sa kaniya na malapit, sabi ng Panginoon; at aking pagagalingin siya.
Magsiparito kayo, at tayo'y manumbalik sa Panginoon; sapagka't siya'y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya'y nanakit, at kaniyang tatapalan tayo.
At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa may sakit, at ibabangon siya ng Panginoon; at kung nagkasala siya, ay ipatatawad sa kaniya.
Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan; upang ang mga buto na iyong binali ay mangagalak.
Kaya't darating na bigla ang kaniyang kasakunaan; sa kabiglaanan ay mababasag siya, at walang kagamutan.
At bagaman bigyan kayo ng Panginoon ng tinapay ng kasakunaan at ng tubig ng kadalamhatian, gayon may hindi na makukubli pa ang iyong mga tagapagturo, kundi makikita ng iyong mga mata ang iyong mga tagapagturo:
Dahil sa sugat ng anak na babae ng aking bayan ay nasasakitan ako; ako'y luksa; ako'y natigilan.
Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagka't ako'y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagka't ang aking mga buto ay nagsisipangalog.
Ang masayang puso ay nagpapasaya ng mukha: nguni't sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa.
Mga Katulad na Paksa
- Ang Kaluluwa
- Babaeng Nagdurusa
- Binagong Puso
- Buto, Mga
- Buto, Mga Baling
- Dalamhati
- Diyos ay Nasa Lahat ng Dako
- Diyos bilang Manggagamot
- Diyos na Nagpapagaling
- Diyos na Nagpapagaling sa ating Kalungkutan
- Diyos, Mapagpagaling na Pagibig ng
- Doktor, Mga
- Gamot
- Gamot
- Ina, Kamatayan ng
- Kaaliwan kapag Pinanghihinaan
- Kabalisahan at Kapaguran
- Kagalakan, Puspos
- Kagalingan
- Kagalingan at Kaaliwan
- Kagalingan sa Kanser
- Kagalingan sa Karamdaman
- Kahirapan, Espirituwal na
- Kahirapan, Kaaliwan sa Oras ng
- Kahirapan, Panalangin sa Oras ng
- Kalapitan sa Diyos
- Kalungkutan
- Kalungkutan
- Kalungkutan
- Kalungkutan, Sintomas ng
- Kalusugan at Kagalingan
- Kanser
- Kapakumbabaan
- Kapayapaan at Kaaliwan
- Karamdaman
- Karamdaman
- Kasawian
- Kasiyahan
- Katuyuan
- Lagay ng Loob
- Mapagpasalamat na Puso
- Masakit na Paghihiwalay
- Masiyahin
- Nagbibigay Kaaliwan
- Nagsisisi
- Nagsisisi
- Nagsisising Kalooban
- Nasaktan
- Nasasaktan
- Ngumingiti
- Pagasa at Kagalingan
- Pagbulusok
- Pagbuti
- Pagiging Positibo
- Pagiging tulad ni Cristo
- Pagiisa at Kalumbayan
- Pagkabalisa at Kalumbayan
- Pagkabalisa at Pagod
- Pagkawala ng Kaibigan
- Pagsisis, Katangian ng
- Pagsisisi, Mataos na
- Pakinabang ng Kalungkutan
- Pakiramdam na Naliligaw
- Pananampalataya at Kagalingan
- Panghihina ng Loob
- Panlabas na Anyo
- Peklat
- Penitensya
- Pinsala sa Katawan
- Positibong Pagiisip
- Positibong Pananaw
- Puso ng Tao
- Puso, Sakit ng
- Puso, Sinaktang
- Puso, Sugatang
- Pusong Nagdurusa
- Sakit sa Buto
- Sarili, Imahe sa
- Sarili, Pagpapahalaga sa
- Sawing-Puso
- Simpatiya
- Sugatang Puso
- Tao, Damdamin ng
- Tiwala at Tingin sa Sarili
- Tulong ng Diyos kapag Pinanghihinaan ng Loob
- Ugali