45 Talata sa Bibliya tungkol sa Kapayapaan at Kaaliwan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

2 Corinto 1:2

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.

Awit 71:21

Palaguin mo ang aking kadakilaan, at bumalik ka uli, at aliwin mo ako.

Isaias 66:12

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y maggagawad ng kapayapaan sa kaniya na parang isang ilog, at ang kaluwalhatian ng mga bansa ay parang malaking baha, at inyong sususuhin yaon; kayo'y kikilikin, at lilibangin sa mga tuhod.

Isaias 51:3

Sapagka't inaliw ng Panginoon ang Sion; kaniyang pinasaya ang lahat niyang sirang dako, at ginawa niyang parang Eden ang kaniyang ilang, at ang kaniyang lupang masukal ay parang halamanan ng Panginoon; kagalakan at kasayahan ay masusumpungan doon, pagpapasalamat, at tinig na mainam.

Isaias 57:19

Aking nililikha ang bunga ng mga labi: Kapayapaan, kapayapaan, sa kaniya na malayo at sa kaniya na malapit, sabi ng Panginoon; at aking pagagalingin siya.

Mga Taga-Galacia 6:16

At ang lahat na mangagsisilakad ayon sa alituntuning ito, kapayapaan at kaawaan nawa ang sumakanila, at sa Israel ng Dios.

Lucas 2:10

At sinabi sa kanila ng anghel, Huwag kayong mangatakot; sapagka't narito, dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan, na siyang sasa buong bayan:

1 Tesalonica 5:3

Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.

Juan 16:33
Mga Konsepto ng TaludtodAng Sanlibutan na Walang DiyosCristo na MananagumpayKatapanganDaraananTao, Labanan ang Likas ngPaghihirapPagasa sa Oras ng KagipitanNagtatagumpayBuhay, Mga Paghihirap saPagtagumpayan ang Mahirap na SandaliAng SanlibutanProblema, MgaPangunguna sa KasiyahanNananatiling Malakas sa Oras ng KabigatanKahirapanPagpapakasakitMakaraos sa KahirapanPagtagumpayan ang KahirapanTulong ng Diyos kapag Pinanghihinaan ng LoobNagbibigay KaaliwanMasamang mga BagayKahirapanPagiging SundaloPagiging TakotPagiging Tagapaglakas-LoobPagiging tulad ni CristoPagiging MagulangPanghihina ng LoobKaligtasan, Katangian ngPagdidisipulo, Pakinabang ngKalakasan ng Loob sa BuhayPagiging KristyanoTagumpay laban sa mga Espirituwal na PuwersaPagiging MagulangPagkakakilala kay Jesu-CristoPagtagumpayan ang Panghihina ng LoobPositibong PananawKaisipan, Sakit ngMasiyahinTamang GulangPagkabalisaKahirapan sa Pamumuhay KristyanoEspirituwal na Digmaan, Baluti saPagkataloPananatili kay CristoTao, Damdamin ngJesu-Cristo, Pagtukso kayKapayapaan, Karanasan ng Mananampalataya saPangako na TagumpayPaskoEspirituwal na Digmaan, Bilang LabananPuso ng TaoKapayapaan ng IsipanPinahihirapang mga BanalKapayapaan sa Bagong Tipan, MakaDiyos naPinagtaksilanMananagumpayBagabagKaranasanKaharian, MgaPanlaban sa LumbayKapangyarihan ni Cristo, IpinakitaMasamang PananalitaPagiingat

Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.

Mga Taga-Efeso 6:22

Na siyang aking sinugo sa inyo sa bagay na ito, upang makilala ninyo ang aming kalagayan, at upang kaniyang aliwin ang inyong mga puso.

Jeremias 16:5

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag kang pumasok sa bahay na may tangisan, o pumaroon man upang tumaghoy, o manangis man sa mga yaon; sapagka't aking inalis ang kapayapaan ko sa bayang ito, sabi ng Panginoon, ang kagandahang-loob at mga malumanay na kaawaan.

Zacarias 1:17

Humiyaw ka pa uli, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang aking mga bayan ay sasagana dahil sa pagkasulong; at aaliwin pa ng Panginoon ang Sion, at pipiliin pa ang Jerusalem.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a