23 Talata sa Bibliya tungkol sa Kamatayan sa Sarili

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Taga-Galacia 2:20
Mga Konsepto ng TaludtodAting Pagkapako sa KrusBuhay sa Materyal na MundoBuhay ay na kay CristoAng Isinukong BuhayKaraniwang BuhayCristo, Pagibig niMuling PagsilangNananatiling Malakas at Hindi SumusukoPagpako sa KrusNamumuhay para sa DiyosHindi SumusukoPananampalataya sa DiyosPagibigMasaganang BuhayPagkabuhay na Maguli, Espirituwal naKahulugan ng PagkabuhayPagdidisipulo, Halaga ngMalusog na Buhay may AsawaKapalitPagibig, Katangian ngPananampalataya bilang Batayan ng KaligtasanTinatahanan ni CristoPagpapakabanal, Paraan at Bunga ngPakikibahagi sa Kamatayan at Pagkabuhay ni CristoSumusukoDiyos, Ipinaubaya ngUriPagpatay ng Sariling LayawWalang Hanggang Buhay, Kalikasan ngPagkamatay kasama ni CristoJesus, Kusang Loob na Pagbibigay ng Kanyang BuhaySarili, Paglimot saPagpako kay Jesu-CristoPakinabang ng Pananampalataya kay CristoPagtanggap kay CristoPakikipagisa kay Cristo, Kahalagahan ngPakikibahagi kay CristoWalang Hanggang Buhay, Karanasan saPatay sa KasalananCristo bilang Pansin ng Tunay na PananampalatayaKasalanan, Pagiwas saDiyos, Pagkakaisa ngHindi AkoPananatili kay CristoPakikipagisa kay Cristo, Katangian ngPablo, Katuruan niPagiisaPagiging Ganap na KristyanoHindi KamunduhanKatubusanBuhay na Karapatdapat IpamuhayKasalanan, Tugo ng Diyos saBuhay PananampalatayaKinatawanJesu-Cristo, Pagibig niTiwala at Tingin sa Sarili

Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.

Mga Taga-Efeso 4:22-24

At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya; At kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip, At kayo'y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.

Lucas 9:23-24

At sinabi niya sa lahat, Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin sa arawaraw ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay, ay mawawalan nito; datapuwa't sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin, ay maililigtas nito yaon.

Mga Taga-Roma 12:1-2

Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba. At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

1 Pedro 4:1-2

Kung paano ngang si Cristo ay nagbata sa laman, ay magsandata rin naman kayo ng gayong pagiisip; sapagka't siya na nagbata sa laman ay nagpapatigil sa kasalanan; Upang huwag na kayong mangabuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa mga masamang pita ng mga tao, kundi sa kalooban ng Dios.

Mga Taga-Roma 8:12-13

Kaya nga, mga kapatid, mga may utang tayo, hindi sa laman, upang mabuhay ayon sa laman: Sapagka't kung mangabuhay kayo ng ayon sa laman, ay mangamamatay kayo; datapuwa't kung sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, ay mangabubuhay kayo.

Mga Taga-Roma 6:11-14

Gayon din naman kayo, ibilang ninyong kayo'y tunay na mga patay na sa kasalanan, nguni't mga buhay sa Dios kay Cristo Jesus. Huwag ngang maghari ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan, upang kayo'y magsisunod sa kaniyang mga pita: At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap na pinaka kasangkapan ng katuwiran sa Dios.magbasa pa.
Sapagka't ang kasalanan ay hindi makapaghahari sa inyo: sapagka't wala kayo sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya.

Mga Taga-Roma 6:6-7

Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo'y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan; Sapagka't ang namatay ay ligtas na sa kasalanan.

Mga Taga-Efeso 4:22-23

At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya; At kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip,

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a