16 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Karumihan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Levitico 5:2

O kung ang sinoman ay nakahipo ng alinmang bagay na karumaldumal, maging bangkay ng ganid na karumaldumal, o ng bangkay na hayop na karumaldumal, o ng bangkay ng umuusad na karumaldumal, at nalihim sa kaniya, at siya'y maging karumaldumal, ay magiging makasalanan nga siya:

Levitico 15:11

At yaong lahat na mahipo ng inaagasan na hindi nakapaghugas ng kaniyang mga kamay sa tubig, ay maglalaba nga rin ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

Mga Bilang 19:13

Sinomang humipo ng patay, ng bangkay ng taong patay, at hindi maglilinis, ay ihahawa ang tabernakulo ng Panginoon; at ang taong yaon ay ihihiwalay sa Israel: sapagka't ang tubig para sa karumihan ay hindi iniwisik sa kaniya, siya'y magiging marumi; ang kaniyang karumihan ay sumasakaniya pa.

Levitico 14:33-47

At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi, Pagka kayo'y nakapasok na sa lupain ng Canaan, na ibibigay kong pag-aari sa inyo, at ako'y naglagay ng salot na ketong sa alin mang bahay sa lupain ninyong inaari; Ay yayaon ang may-ari ng bahay at magbibigay alam sa saserdote, na sasabihin, Tila mandin mayroong parang salot sa bahay:magbasa pa.
At ipaguutos ng saserdote na alisan ng laman ang bahay bago pumasok ang saserdote na kilalanin ang tila salot, upang ang lahat na nasa bahay ay huwag mahawa: at pagkatapos ay papasok ang saserdote upang tingnan ang bahay: At titingnan ang salot, at kung makita ngang ang tila salot ay nasa mga panig ng bahay na may ukit na namemerde, o namumula at tila malalim kaysa panig; Ay lalabas nga ang saserdote sa bahay hanggang sa pintuan ng bahay at ipasasara ang bahay na pitong araw: At babalik ang saserdote sa ikapitong araw, at titingnan: at, narito, kung makita ngang kumalat ang salot sa mga panig ng bahay; Ay ipaguutos nga ng saserdote na bunutin ang mga batong kinaroonan ng tila salot at ipatatapon sa labas ng bayan sa dakong karumaldumal: At ipakakayas ang palibot ng loob ng bahay, at ang argamasang inalis na kinayas ay itatapon sa labas ng bayan sa dakong karumaldumal: At magsisikuha ng ibang mga bato, at ihahalili sa mga batong yaon, at magsisikuha ng ibang argamasa at siyang ihahaplos sa mga panig ng bahay. At kung muling bumalik ang tila salot, at sumibol sa bahay, pagkatapos na mabunot ang mga bato; at pagkatapos makayas ang bahay, at pagkatapos na mahaplusan ng argamasa; Ay papasok nga ang saserdote at titingnan, at, narito, kung makita ngang ang salot ay kumalat sa bahay ay ketong na nakakahawa sa bahay; ito'y karumaldumal. At gigibain niya ang bahay na yaon, ang mga bato at ang mga kahoy, at ang lahat ng argamasa ng bahay; ay dadalhin sa labas ng bayan sa dakong karumaldumal. Bukod dito'y ang pumasok sa bahay na yaon ng buong panahong nasasara ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon. At ang mahiga sa bahay na yaon ay maglalaba ng kaniyang mga suot; at ang kumain sa bahay na yaon ay maglalaba ng kaniyang mga suot.

Mga Bilang 5:1-4

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Iutos mo sa mga anak ni Israel na ilabas sa kampamento ang bawa't may ketong, at bawa't inaagasan, at ang sinomang karumaldumal sa pagkahipo sa patay: Lalake at babae ay kapuwa ninyo ilalabas, sa labas ng kampamento ilalagay ninyo sila; upang huwag nilang ihawa ang kanilang kampamento na aking tinatahanan sa gitna.magbasa pa.
At ginawang gayon ng mga anak ni Israel, at inilabas sa labas ng kampamento: kung paanong sinalita ng Panginoon kay Moises ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel.

Topics on Karumihan

Karumihan dahil sa Kasalanan

Ezekiel 14:11

Upang ang sangbahayan ni Israel ay huwag nang maligaw pa sa akin, o mahawa pa man sa lahat nilang pagsalangsang; kundi upang sila'y maging aking bayan, at ako'y maging kanilang Dios, sabi ng Panginoong Dios.

Karumihan, Mga

Hosea 9:4

Hindi nila ipagbubuhos ng alak ang Panginoon, ni makalulugod man sa kaniya: ang kanilang mga hain ay magiging sa kanila'y parang tinapay ng nangagluksa; lahat ng magsikain niyaon ay mangapapahamak; sapagka't ang kanilang tinapay ay parang sa kanilang ipagkakagana; hindi papasok sa bahay ng Panginoon.

Karumihan, Pinagtutuunan ng

1 Corinto 8:7

Gayon ma'y wala sa lahat ng mga tao ang kaalamang iyan: kundi ang ilan na hanggang ngayon ay nangamimihasa sa diosdiosan, ay kumakain na parang isang bagay na inihain sa diosdiosan; at ang kanilang budhi palibhasa'y mahina ay nangahahawa.

Karumihan, Seremonyang Sanhi

Levitico 20:25

Inyo ngang lalagyan ng pagkakaiba ang hayop na malinis at ang karumaldumal, at ang ibong karumaldumal at ang malinis: at huwag ninyong gagawing karumaldumal ang inyong pagkatao, sa hayop o sa ibon, o sa anomang bagay na umuusad sa lupa, na inihiwalay ko sa inyo palibhasa'y mga karumaldumal.

Never miss a post

n/a