7 Talata sa Bibliya tungkol sa Kulay, Lila na
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At ang timbang ng mga gintong hikaw na kaniyang hiniling, ay isang libo at pitong daang siklong ginto; bukod pa ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan, at ang mga hikaw at ang mga damit na morado na suot ng mga hari sa Madian, at bukod pa ang mga tanikala na nangasa leeg ng mga kamelyo.
Mayroon ngang isang taong mayaman, at siya'y nagdaramit ng kulay ube at maselang lino, at sa araw-araw ay kumakain ng sagana:
At nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula, at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas, na sa kaniyang kamay ay may isang sarong ginto na puno ng mga kasuklamsuklam, at ng mga bagay na marurumi ng kaniyang pakikiapid,
Na nananamit ng kulay asul, ang mga tagapamahala at ang mga pinuno, silang lahat na binatang makisig, mga mangangabayo na nangakasakay sa mga kabayo.
Ang hari ay sumigaw ng malakas, na papasukin ang mga enkantador, mga Caldeo, at mga manghuhula. Ang hari ay nagsalita, at nagsabi sa mga pantas sa Babilonia, Sinomang makababasa ng sulat na ito, at makapagpapaaninaw sa akin ng kahulugan niyan, magdadamit ng kulay morado, at magkakaroon ng kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg, at magiging ikatlong puno sa kaharian.
At kayong bughaw, kulay-ube, at pula, at lino at balahibo ng kambing;
At isang babaing nagngangalang Lidia, na mangangalakal ng kayong kulay-ube, na taga bayan ng Tiatira, isang masipag sa kabanalan, ay nakinig sa amin: na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo.