15 Talata sa Bibliya tungkol sa Langas

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mangangaral 10:1

Ang mga patay na langaw ay nagpapabaho sa unguento ng manggagawa ng pabango: gayon ang munting kamangmangan ay sumisira ng karunungan at karangalan.

Exodo 8:21-31

Saka kung hindi mo payayaunin ang aking bayan ay magsusugo ako ng pulupulutong na langaw sa iyo, at sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan, at sa loob ng iyong mga bahay: at ang mga bahay ng mga Egipcio ay mapupuno ng pulupulutong na langaw, at gayon din ang lupa na kinaroroonan nila. At aking ihihiwalay sa araw na yaon ang lupain ng Gosen, na kinatatahanan ng aking bayan, upang huwag magkaroon doon ng pulupulutong na langaw: ng iyong maalaman na ako ang Panginoon sa gitna ng lupa. At aking paghihiwalayin ang aking bayan at ang iyong bayan: sa kinabukasan mangyayari ang tandang ito.magbasa pa.
At ginawang gayon ng Panginoon, at nagsipasok ang mga makapal na pulupulutong na langaw sa bahay ni Faraon, at sa bahay ng kaniyang mga lingkod: at sa buong lupain ng Egipto ay nasisira ang lupa dahil sa mga pulupulutong na langaw. At tinawag ni Faraon si Moises at si Aaron, at sinabi, Yumaon kayo, maghain kayo sa inyong Dios sa lupain. At sinabi ni Moises, Hindi marapat na aming gawing ganyan; sapagka't aming ihahain ang mga kasuklamsuklam ng mga Egipcio, sa Panginoon naming Dios: narito, ihahain ba namin ang kasuklamsuklam ng mga Egipcio sa harap ng kanilang mga mata at di ba nila kami babatuhin? Kami ay yayaong tatlong araw na maglalakbay sa ilang, at maghahain sa Panginoon naming Dios, ayon sa kaniyang iniutos sa amin. At sinabi ni Faraon, Aking payayaunin kayo upang kayo'y makapaghain sa Panginoon ninyong Dios sa ilang; huwag lamang kayong pakakalayo: tuloy idaing ninyo ako. At sinabi ni Moises, Narito iiwan kita, at aking idadalangin sa Panginoon, na ang mga pulupulutong na langaw ay magsialis bukas kay Faraon, sa kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang bayan: nguni't huwag nang magdaya pa si Faraon, na huwag na di payaunin ang bayan, upang maghain sa Panginoon. At iniwan ni Moises si Faraon, at nanalangin sa Panginoon. At ginawa ng Panginoon ang ayon sa salita ni Moises; at inialis niya ang mga pulupulutong na langaw kay Faraon, sa kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang bayan; na walang natira kahit isa.

Awit 78:45

Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila; at mga palaka, na nagsigiba sa kanila.

Awit 105:31

Siya'y nagsalita, at dumating ang mga pulutong na mga langaw, at kuto sa lahat ng kanilang mga hangganan.

Exodo 8:21

Saka kung hindi mo payayaunin ang aking bayan ay magsusugo ako ng pulupulutong na langaw sa iyo, at sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan, at sa loob ng iyong mga bahay: at ang mga bahay ng mga Egipcio ay mapupuno ng pulupulutong na langaw, at gayon din ang lupa na kinaroroonan nila.

Isaias 7:18

At mangyayari sa araw na yaon, na susutsutan ng Panginoon ang langaw na nasa kahulihulihang bahagi ng mga ilog ng Egipto, at ang pukyutan na nasa lupain ng Asiria.

Exodo 8:22

At aking ihihiwalay sa araw na yaon ang lupain ng Gosen, na kinatatahanan ng aking bayan, upang huwag magkaroon doon ng pulupulutong na langaw: ng iyong maalaman na ako ang Panginoon sa gitna ng lupa.

Exodo 8:24

At ginawang gayon ng Panginoon, at nagsipasok ang mga makapal na pulupulutong na langaw sa bahay ni Faraon, at sa bahay ng kaniyang mga lingkod: at sa buong lupain ng Egipto ay nasisira ang lupa dahil sa mga pulupulutong na langaw.

Exodo 8:31

At ginawa ng Panginoon ang ayon sa salita ni Moises; at inialis niya ang mga pulupulutong na langaw kay Faraon, sa kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang bayan; na walang natira kahit isa.

Jeremias 46:20

Ang Egipto ay napakagandang dumalagang baka; nguni't pagkasirang mula sa hilagaan ay dumarating, dumarating.

Mateo 23:24

Kayong mga tagaakay na bulag na inyong sinasala ang lamok, at nilulunok ninyo ang kamelyo!

Exodo 8:16

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo kay Aaron: Iunat mo ang iyong tungkod, at paluin mo ang alabok ng lupa, upang maging mga kuto sa lupaing Egipto.

Exodo 8:17

At kaniyang ginawang gayon; at iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay pati ng kaniyang tungkod, at pinalo ang alabok ng lupa, at nagkakuto sa tao at sa hayop; lahat ng alabok ng lupa ay naging mga kuto sa buong lupain ng Egipto.

Exodo 8:18

At ang mga mahiko ay gumawa ng gayon sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto, upang maglabas ng mga kuto, nguni't hindi nila nagawa: at nagkakuto sa tao at sa hayop.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a