12 Talata sa Bibliya tungkol sa Lungsod na Pinaliligiran ng mga Muog
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Gayon man ang bayan na tumitira sa lupaing yaon ay malakas, at ang mga bayan ay nakukutaan, at napakalalaki: at saka aming nakita ang mga anak ni Anac doon.
Saan tayo sasampa? pinapanglupaypay ng ating mga kapatid ang ating puso, na sinasabi, Ang mga tao ay malalaki at matataas kay sa atin; ang mga bayan ay malalaki at nakukutaan ng hanggang sa himpapawid; at bukod dito'y aming nakita roon ang mga anak ng mga Anaceo.
At siya'y naglagay ng mga kawal sa lahat ng bayang nakukutaan ng Juda, at naglagay ng mga pulutong sa lupain ng Juda, at sa mga bayan ng Ephraim, na sinakop ni Asa sa kaniyang ama.
Nang magkagayo'y naparoon si Abimelech sa Thebes, at humantong ng laban sa Thebes, at sinakop. Nguni't may isang matibay na moog sa loob ng bayan, at doo'y nagsitakas ang lahat na lalake at babae at ang lahat na nasa bayan, at sinarhan, at nagsisampa sa bubungan ng moog.
At ang Beth-nimra at ang Bet-haran: na mga bayang nakukutaan, at kulungan din naman ng mga tupa.
At sinabi ni David kay Abisai, Gagawa nga si Seba na anak ni Bichri ng lalong masama kay sa ginawa ni Absalom: kunin mo ngayon ang mga lingkod ng iyong panginoon, at habulin ninyo siya, baka siya'y makaagap ng mga bayan na nakukutaan, at makatanan sa ating paningin.
Dinggin mo, Oh Israel, ikaw ay tatawid sa Jordan sa araw na ito, upang iyong pasukin na ariin ang mga bansang lalong dakila at lalong makapangyarihan kay sa iyo, na mga bayang malaki at nakukutaan hanggang sa himpapawid,
At ating sinakop ang lahat niyang mga bayan nang panahong yaon; walang bayan na di sinakop natin sa kanila; anim na pung bayan ang buong lupain ng Argob, ang kaharian ni Og, sa Basan.
At inyong sasaktan ang bawa't bayang nakukutaan, at ang bawa't piling bayan, at inyong ibubuwal ang bawa't mabuting punong kahoy, at inyong patitigilin ang lahat na bukal ng tubig, at inyong sisirain ng mga bato ang bawa't mabuting bahagi ng lupain.
Sapagka't nilimot ng Israel ang May-lalang sa kaniya, at nagtayo ng mga palacio; at nagparami ang Juda ng mga bayang nakukutaan; nguni't magsusugo ako ng apoy sa kaniyang mga bayan, at susupukin ang mga kuta niyaon.
At si Roboam ay tumahan sa Jerusalem, at nagtayo ng mga bayan na pinaka sanggalang sa Juda.