12 Talata sa Bibliya tungkol sa Mapanlinlang na Dila
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Iyong ibinubuka ang iyong bibig sa kasamaan, at ang iyong dila ay kumakatha ng karayaan.
Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, ikaw na magdarayang dila?
Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan, at ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa kamay ng mga taga ibang lupa. Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan, at ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
Sapagka't sila'y hindi nangagsasalita ng kapayapaan: kundi sila'y nagsisikatha ng mga magdarayang salita laban sa mga tahimik sa lupain.
Sila'y nagsisisangguni lamang upang ibagsak siya sa kaniyang karilagan; sila'y natutuwa sa mga kasinungalingan: sila'y nagsisibasbas ng kanilang bibig, nguni't nanganunumpa sa loob. (Selah)
Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at karayaan: iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng mabuti.
Ang kaniyang bibig ay puno ng panunungayaw, at pagdaraya, at pang-aapi: sa ilalim ng kaniyang dila ay kalikuan at kasamaan.
Iniibig mo ang lahat na mananakmal na salita, Oh ikaw na magdarayang dila.
Ang kanilang dila ay panang nakamamatay; nagsasalita ng karayaan: nagsasalitang may kapayapaan ng kaniyang bibig sa kaniyang kapuwa, nguni't bumabakay siya ng kaniyang puso sa kaniya.
Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila: Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi:
Sapagka't ang mga mayaman niyaon ay puno ng pangdadahas, at ang mga mananahan doo'y nangagsalita ng mga kabulaanan, at ang kanilang dila ay magdaraya sa kanilang bibig.